SHARLENE'S POV
First day na naman! Hahaha
Ako po si Sharlene San Pedro. 16. College student.
Excited na excited na ako dahil first day ko sa college! Wii!
Maaga akong pumasok. Ako ang unang- una na dumating sa room. Habang naghihintay ay nagbasa na lang ako ng paborito kong novel, THE MAZE RUNNER!
Dahil nagbabasa ako hindi ko napansin ang oras. Nang mapatingin ako sa relo ko ay 7:30 am na! Magsisimula na klase! Nasan na yung mga kaklase ko? Posible kayang ako lang mag- isa ang nag enroll sa subject na to?
Nakahinga ako ng may makita akong lalaki na pumasok. Umupo sya sa may likod sa tabi ng bintana.
Okay! Baka late lang talaga yung mga tao.
8 am na! Ano bang meron?
Huminga ako ng malalim! Kakausapin ko na ang nag- iisa kong kaklase dito.
"Uy hello?"-ako-
Tumingin sya sakin ng masama.
"A sorry. Naistorbo ba kita?"-ako-
Hindi sya sumagot.
Huminga ako ng malalim.
"Itatanong ko lang sana kung bakit wala pa yung mga kaklase natin."-ako-
Bingi ba sya? Parang wala syang naririnig. Nakatingin lang sya ng masama sakin.
Nagulat ako ng mag earphones sya at tumayo na.
Anong problema nun? Suplado! Hays. Nakaka bad vibes tuloy! Kalma lang Shar!
Napalingon ako ng may magsalita sa may pinto. Isang guard.
"Anong ginagawa mo dito?"-guard-
"A dito po ang klase ko."-ako-
"Ay ne, wala pang klase ngayong araw. May orientation kayo sa main hall."-guard-
What?! Kaya naman pala walang tao!
Pumunta na agad ako dun. Dahan- dahan lang akong pumasok. Mukha naman walang nakapansin sakin.
Umupo na ako.
"Hi!"
Nagulat ako ng may kumausap sakin na babaeng sobrang puti!
"Hello?"-ako-
"Bakit ka late?"
"A hindi ko kasi alam na may orientation pala."-ako-
Natawa sya.
"Naku! Wala ka pang kakilala dito no?"
"Oo e. Bago ako."-ako-
"A okay. Im Mika btw."-Mika-
"Hi Mika! Im Shar."-ako-
"Can we be friends?"-Mika-
"Gusto ko yan! Hahaha hirap ng walang kaibigan e."-ako-
Ngumiti sya.
Okay! That's a start.
Napalingon ako ng may pumasok! Ay! Yung supladong lalaki! Umupo sya sa may tabi ko.
Nakakainis!
"Hoy Kiko! Bakit ngayon ka lang?"-Mika-
Magkakilala sila?
"A oo nga pala Shar! Sya si Francis! Kiko ang nickname nya. Twin brother ko!"-Mika-
What?! Pwes magkaibang- magkaiba sila! Si Mika mabait, di kagaya ng Kiko na to! Ang sungit.
Hindi naman sya pinansin ni Kiko.
"Wag mo nga pansinin yan Shar! Weird talaga yang kapatid ko na yan! Hay nako!"-Mika-
Tama si Mika! Weird nga ang kapatid nya! At isa pa!
SUPLADO! Amp.
-----------------
Dahil birthday ng kapatid ko ngayon na gusto ng SharCis! Eto o! SharCis! Hahaha
Happy birthday mary !
01/01/15 :)
BINABASA MO ANG
Mr. Suplado
FanfictionA SharCis story! pero short lang to. mga 15 chapters lang! hahaha may nagrequest lang kasi talaga ng SharCis! :D