Chapter 8.

323 19 1
                                    

FRANCIS'S POV

"Good morning Kiko!"

Nakaramdam ako ng saya ng marinig ko ang boses ni Shar. Natatakot ako na baka hindi ko mapigilan mapangiti.

Umupo sya sa may tabi ko.

"Kamusta naman?"-Shar-

Okay lang.

Hindi ako sumagot.

"Bakit suplado ka na naman? Meron ka na naman?"-Shar-

Kumunot ang noo ko at tiningnan ko sya.

Nag peace sign naman sya.

Naalala ko tuloy yung iniisip ko kagabi.

Bakit kaya ako nilalapitan ni Shar. Dati, naisip ko, baka may gusto sya sakin at nagpapapansin lang pero nang malaman ko na may boyfriend na sya, nawala na yun! Baka pinagtitripan nya lang talaga ako. At masokista siguro sya at gusto nyang masaktan sa tuwing pinapahiya ko sya.

Kung ano man ang dahilan, naiinis ako sa sarili ko!

Natatakot kasi ako! Na baka tigilan na ni Shar ang pangungulit sakin at sumuko na sya. Kung kailan nasasanay na ako na lagi syang nandyan lang.

Pano kung magsawa na sya na kulitin ako? Babalik na sa dati na tahimik ang buhay ko. Dapat masaya ako sa thought na yun pero di ko alam kung bakit ako natatakot!

Habang nagle lesson ay tinitingnan ko si Shar.

Pag nalingon sya ay naiwas agad ako ng tingin. Nahuhuli nya na nga ako.

Nang natapos ang lesson ay nilapitan ako ni Shar habang nag- aayos ako ng mga gamit ko.

Nakangiti sya habang nakatitig siya sakin.

"Ano na naman problema mo?"-ako-

"Baka ikaw may problema."-Shar-

Napailing na lang ako.

"Anong sinasabi mo?"-ako-

"Ikaw naman kasi kanina kapa tingin ng tingin ng sakin!"-Shar-

Nagulat ako. Nahuli nya nga ako.

Kailangan kong umiwas kasi nahihiya ako.

"Tss. Ewan. Imagination mo lang yun!"-ako-

"Sabi mo e! Tara sabay na tayo lumabas."-Shar-

"Ayaw ko!"-ako-

Nakaka ilang lang kasi! Kailangan kong iwasan si Shar para masigurado ko na hindi ako magkaka gusto sa kanya!

Lumabas na ko at sumunod naman sakin si Shar.

"Huy Kiko! Sabay na tayo kumain!"-Shar-

"Ayoko."-ako-

"Bili na!"-Shar-

"Ayoko nga."-ako-

"Wala ka naman choice e. Hahahaha."-Shar-

Sumunod na sya sakin. Napailing na lang ako. Ayaw ng utak ko pero ang puso ko naman, tuwang- tuwa.

Habang nakapila kami sa may counter ay patuloy akong kinukulit ni Sharlene.

"Ano ba? Ang kulit mo!"-ako-

"Sarrey okay? Sarrey! Hindi na po."-Shar-

Sumimangot sya.

Ewan kung bakit napangiti ako bigla. Nababaliw na nga siguro.

"Wait! Wait! Wait! Tama ba ang nakikita ko? Ngumiti ka nga ba?"-Shar-

Nawala na ang ngiti sa labi ko.

"Imagination mo lang yun."-ako-

"MAY HIMALA! NAPANGITI KO SI FRANCIS MAGUNDAYAO!"-Shar-

Sa sobrang lakas ng pagkakasabi nya ay nagtinginan ang mga tao sa canteen at nagpalakpakan.

"Ang galing nya!"
"Hindi ko akalain na may ngipin pala yang si Francis."

"Wuuu! Ang saya- saya ko ngayon Kiko! Salamat!"-Shar-

Ha? Pano ko sya napasaya? Sa pagngiti ko?

Bakit naman ikasasaya ni Shar ang pagngiti ko.

Ang weird talaga ng babaeng to! Hays.

Pero i have to admit, natatawa talaga ako. Piniligilan ko lang.

Nagtagumpay ka nga Shar! Napasaya mo ako.

---------------------

Yeah yeah.
Vote and comment po! ;)

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon