Chapter 10.

338 21 0
                                    

SHARLENE'S POV

Parang nagbago ng tuluyan ang tingin ko kay Kiko dahil sa mga kinwento nya.

Tama nga ang mga sinabi sakin ni Mika na dahilan kaya ganito si Kiko. Suplado.

"Okay lang yan Kiko. Alam mo, lahat naman tayo may kinakatakutan. Dapat, kahit ganun, wag mo namang itaboy ang mga tao sa paligid mo. Kasi hindi mo alam ang namimiss mo! Ang maging masaya."-ako-

Ngumiti sya. A very rare smile of him.

"Tama ka nga Shar. Pero ano naman ang gagawin ko? Masama na ang tingin sakin ng lahat ng tao sa school?"-Kiko-

Napangiti ako.

"Mabait ka kaya para sakin. Misunderstood ka lang."-ako-

Napangiti ulit sya. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang ngiti nya na yun.

Matagal din kaming natahimik.

"Oo nga pala Shar."-Kiko-

Napalingon ako sa kanya.

"Ano yun?"-ako-

"Matagal na kayo ni Paul?"-Kiko-

Ha? Bakit nya naman biglang natanong si Paul?

At tsaka anong matagal na kami ni Paul? Mag bestfriend siguro.

"A oo. Mula 10 years old pa ako."-ako-

"A kamusta naman?"-Kiko-

Ang pagiging magbestfriend namin?

"Okay naman. Alam kong mahal na mahal nya ako at lagi nya akong pinoprotektahan."-ako-

Swerte talaga ako kay Paul kasi sobrang mabait sya sakin.

"A ikaw? Mahal mo ba sya?"-Kiko-

Bilang bestfriend?

"Oo naman! Sobra!"-ako-

Ewan ko kung bakit feeling ko nalungkot si Kiko. Baka imagination ko lang.

"May problema ba Kiko?"-ako-

"May isa pa akong tanong Shar. Sana sagutin mo ng seryoso."-Kiko-

Nag hintay lang ako.

"Bakit kahit sinusungitan kita, patuloy ka pa ring nalapit sakin?"-Kiko-

Natawa ako.

Napalingon sakin si Kiko.

"Seryoso sabi e."-Kiko-

"Okay! Isa lang naman ang dahilan e. Naniniwala kasi ako na mabait ka talaga at gusto kong maging factor ako sa pagbabago mo."-ako-

"Kaya kahit napapahiya kana? Kahit nasasaktan na kita verbally? Okay lang sayo?"-Kiko-

"Alam ko naman kasi na ginagawa mo lang yun para lalo kong isipin na suplado ka nga. Pero, dahil nga naniniwala ako sa goodness, di ako tumigil sa pangungulit sayo."-ako-

Natawa ata si Kiko.

"Ako naman ang magtatanong."-ako-

"Ano yun?"-Kiko-

"Naiinis kaba ng sobra pag kinukulit kita. Gusto mo bang tigilan ko na yun?"-ako-

Nagcross fingers pa ako habang hinihintay ang sagot nya.

"Naiinis talaga ako. Gusto na kitang paalisin!"-Kiko-

Ay. Saket! Tanong pa kasi e. Okay na sana e!

"Pero ngayon, mas masaya na ako pag nandyan ka, hindi ko lang maipakita pero masaya ako Shar kaya sana, kahit ganito ako, wag kang magsawa sakin Shar."-Kiko-

Sobrang nagulat ako sa sinabi nya! Hindi ko yun inaasahan.

Napangiti na lang ako.

"Alam mo naman na kahit paalisin mo ako, hindi talaga ako aalis. Hahaha"-ako-

Natawa naman si Kiko.

"Masaya ding tumawa ulit. Matagal ko ding di nagawa to."-Kiko-

Nagulat ako ng hawakan ni Kiko ang kamay ko.

"Salamat Shar."-Kiko-

Napatitig ako sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko? Ang lakas ng tibok ng puso ko!

Gusto na nga ba kita Francis?

----------------

Happy 11th Anniversary NashLene! <3 hahaha vote and comment po kayo! Thanks.

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon