SHARLENE'S POV
"KIYAAAAAAH!"
Sa wakas! Nakasigaw din ako. Grabe! Grabe talaga.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Umamin lang naman si Kiko sakin! Na gusto nya ako. Paano nangyari yun??
"Huy Shar! Tigilan mo nga yan. Baka isipin ng mga tao anong nangyayari sayo."-Paul-
Hinampas ko sya sa sobrang kilig.
"Kasi naman! Pano ba naman! Bakit ako? Pano nya ako nagustuhan?"-ako-
"Ano ka ba naman? Nasayo na ang lahat e. Kaya wag ka nang magtaka."-Paul-
Napangiti ako.
"So anong sabi mo?"-Paul-
"Wala. Hindi nya naman ako hinayaan na makasagot. Ayaw nya daw masaktan at isa pa pala..."-ako-
Hinarap ko si Paul.
"Ikaw ba ang nagsabi sa kanya na tayo? Hmm. Kasi akala nya boyfriend kita e."-ako-
Parang nagpipigil ng tawa si Paul.
"Hahaha hindi ko naman akalain na seseryosohin nya."-Paul-
Hinampas ko sya.
"Ayun na nga haha akala nya tayo kaya ayun."-ako-
"Nakakatuwa yun. Una pa lang alam kong may gusto sya sayo."-Paul-
Lumapit sya sakin at hinawakan ang.magkabilang pisngi ko.
"Masaya ako na ang uhugin kong bestfriend ay ngayon naliligawan na."-Paul-
Niyakap ko sya.
"Salamat sa pagiging supportive mo sakin."-ako-
Niyakap nya din ako.
"PAUL!"
Napabitaw ako kay Paul nang marinig si Kiko.
Bago pa kami makapag react ay walang sabi- sabing sinuntok nya sa Paul dahilan para matumba ito sa sahig.
"Paul!"-ako-
Nilapitan ko si Paul.
"Walang hiya kang g*go ka! Ang kapal ng mukha mo!"-Kiko-
Hindi ko maintindihan. Bakit nagkakaganyan si Kiko? Nakakatakot sya.
"Ano bang problema mo?"-Paul-
Nakatayo na at naiinis na din pero pinigilan ko syang sugurin si Kiko.
"Nagtatanong ka pa?! Ang kapal naman ng mukha mo na pagsabayin ang dalawang babaeng mahalaga sakin!"-Kiko-
Ano bang sinasabi ni Kiko? Anong pinagsasabay.
Pagkasabi ni Kiko nun ay kumalma na si Paul at tumawa ng malakas.
Lalo naman na nainis si Kiko. Bigla namang dumating si Mika.
"Kiko ano ba yan! Ano bang problema mo?"-Mika-
"Mika. Shar... para sabihin ko sayo. Niloloko lang kayo ng lalaking yan! Yang boyfriend mo Shar, ay liligawan si Mika!"-Kiko-
Hingal na hingal at galit na galit si Kiko.
Pinigilan ko ang mapatawa. Hahaha dahil lahat to sa kalokohan ni Paul.
"Ano ba naman yan. Hahaha nagkakamali ka Kiko."-Paul-
"Anong ibig mong sabihin?!"-Kiko-
"Ahm. Kiko. Hindi ko boyfriend si Paul. Bestfriend ko lang sya. Wala kaming relasyon."-ako-
Parang naguguluhan si Kiko.
"Well i guess, i deserve that punch. Hahaha sorry tol if i hurt your feelings."-Paul-
"Anong...ibig mong sabihin?"-Kiko-
Nilapitan sya ni Paul.
"Okay. I lied. Hindi ko girlfriend si Shar at never naging kami. Pero totoo na mahal na mahal ko sya because she's my girlfriend."-Paul-
Inakbayan nya pa ako.
Napatingin sakin si Kiko.
"Totoo yun Kiko. I tried ko tell you pero ayaw mo naman akong pagsalitain."-ako-
Napakamot sa batok si Kiko.
"Ayan kasi Kiko! Di ka kasi nagtatanong e."-Mika-
Natawa naman si Paul.
"Haha kaya tol, wag ka nang manununtok. Pero masaya naman ako na concerned ka sa bestfriend ko."-Paul-
"Sorry."-Kiko-
"Kasalanan ko naman yun. So ngayon na alam mo na..."-Paul-
Nilapit nya ako kay Kiko.
"Palagay ko kailanga nyong mag- usap."-Paul-
Nilapitan nya si Mika at inakbayan.
"Tara na muna."-Paul-
Hay nako tong bestfriend ko. Napakababaero e.
"So Shar... hindi mo pala sya boyfriend?"-Kiko-
Napalingon ako kay Kiko.
"Hindi no. Hahaha di ko naman alam na ganyan pala ang iniisip mo."-ako-
Napayuko sya.
"So tungkol sa sinabi mo kanina..."-ako-
"Ano dun?"-Kiko-
"Na gusto mo ako."-ako-
Lalo syang di makatingin sakin.
"Pareho naman tayo e."-ako-
Napatingin sya sakin ng naguguluhan.
"Anong? Anong ibig mong sabihin Shar?"-Kiko-
"Gusto din kita."-ako-
Gulat na gulat at di makapaniwala si Kiko sa sinabi ko.
"Totoo ba yan Shar?"-Kiko-
"Oo. Totoo to."-ako-
Nakita kong sobrang saya ni Kiko at niyakap nya ako.
Kakaiba ang nararamdaman ko. Parang nagwawala ang puso ko. Pero alam kong masaya ako.
"Hindi ko akalain na nagselos ako sa inyo ni Paul pero hindi naman pala kayo. Pero nagpapasalamat na din ako na nangyari yun."-Kiko-
"Ha? Bakit naman?"-ako-
Hinawakan nya ang mga kamay ko.
"Kasi kung hindi ako nagselos? Hindi ko pa malalaman ang nararamdaman ko para sayo."-Kiko-
"So kung ganun, pwede na ba kitang ligawan?"-Kiko-
"Pwede na!"-ako-
Nakita kong napangiti si Kiko. Ako din naman, masayang- masaya.
-----
Hahahaha nadugsungan pa. Haha sorry!
BINABASA MO ANG
Mr. Suplado
FanfictionA SharCis story! pero short lang to. mga 15 chapters lang! hahaha may nagrequest lang kasi talaga ng SharCis! :D