Chapter 3.

456 21 0
                                    

FRANCIS'S POV

Sa likod ng building, may malaking puno dito at dito ako natambay.

Nandito ako ngayon at nagsa soundtrip lang habang kumakain. Isang oras pa bago ang klase ko e.

Umakyat na ako dun.

Habang kumakain ay may napansin ako na dumating na babae.

Si madaldal! Si Shar! Ano na naman ginagawa nya dito? Sinusundan nya ba ako?

Naupo sya sa may ilalim ng puno.

I'll hold the door please come in and just sit here for a while, this is my way of saying i need you in my life.

We could happen! Kinakanta nya! Ayun ang paborito kong kanta!

Gusto ko pang marinig ang pagkanta. Ganda pala ng boses nya?

Dahil dun nadulas ako bigla at muntik na akong mahulog kung di ako nakakapit sa sanga na inuupuan ko kanina.

"Francis? Anong ginagawa mo dyan?"-Shar-

"Eto. Nagpapahangin lang habang nakasabit ako dito sa may sanga."-ako-

"Ang weird mo naman!"-Shar-

Slow ba tong babae na to o nagjojoke?

Nanlaki ang mata ko ng dumulas na ang kamay ko.

"Kiko!"

Hindi ako nakaramdam ng sakit ng bumagsak na ako. Pagkadilat ko ay sinalo pala ako ni Shar gamit ang katawan nya!

"Okay ka lang?"-Shar-

Napatitig ako sa kanya. Bakit nya ako sinalo?

Tumayo na ako.

"Your welcome."-Shar-

"Tss. Hindi ko naman sinabi na saluhin mo ako."-ako-

Napailing sya.

Paalis na ako ng marinig ko sya.

"Aw!"-Shar-

Ano na naman kaya yun?

Pagkalingon ko ay nakita kong nahihirapan na tumayo yung madaldal na babae.

Francis, wag kang maguilty! Kasalanan nya yan!

Naglakad na ako palayo.

SHARLENE'S POV

Hay nako! Ano paba inaasahan ko?

Bato ba talaga ang puso ng Francis na yan? Na injured ako dahil sa kanya pero ayun! Di man lang ako tinulungan tumayo. Ni hindi nga nagpasalamat. Iniwan lang ako dito.

Kaya ko to! Tinry ko ulit tumayo.

"Aw!"-ako-

Sakit talaga.

Umupo na lang ako dun. Baka mas lumala pa pag ginalaw ko.

Nakayuko ako ng maramdaman kong umangat ako sa lupa.

Teka?

Napatingin ako sa bumuhat sakin. Si Francis! Akala ko umalis na sya!

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa daan.

Magsasalita na sana ako.

"Pwede ba? Kahit ilang minuto lang, wag ka muna magsalita?"-Kiko-

Sunget talaga nito! Hays. Kung hindi lang talaga dahil kay Mika! Amp.

Buhat nya ako habang naglalakad papuntang clinic.

Narinig ko ang bulong- bulungan ng ilang tsismosa dun.

"Uy tingnan mo! Buhat sya ni Francis."

"Sino kaya sya? Bakit sya binuhat ni Francis?"

Hays. Inggit lang kayo!

Nang makarating kami sa clinic ay binaba nya ako sa isang kama dun.

"Hintayin mo na lang yung nurse. Alis na ako."-Kiko-

"Teka!"-ako-

Hindi naman sya huminto! Walang puso! Hahaha pero atleast, binuhat nya ako! May 10% pa syang natitirang kabaitan. Hahaha

Dahil sobrang tagal nung nurse, hindi na ako nakapasok sa sunod na subject namin.

Umuwi na ako pagkatapos gamutin ang paa ko.

Pagdating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko ng tumawag si Mika.

Mika: Uy! Balita ko naaksidente daw paa mo!

Ako: oo nga e.

Mika: musta naman?

Ako: eto. Naka benda. Kailangan ko pang magsaklay.

Mika: ganun ba talaga kalala?

Ako: hindi naman. Okay lang ako.

Mika: im so sorry Shar! Nangyari yan sayo dahil sa walang puso kong kapatid!

Ako: ano bang sinasabi mo? Pano mo nalaman?

Mika: a kasi naman....

Naputol ang sasabihin nya.

Ako: hello Mika? Nandyan ka pa ba?

Mika: ay sensya na, may galit dito! Bukas na lang tayo mag- usap.

Ano kayang nangyari?

Ibaba ko na sana ng marinig ko ang boses ni Kiko.

Kiko: ano? Okay na daw ba paa nya?

ERMERGERD! Concerned sya sakin? Seryoso?

KELEG MECH! Hahahaha

-------------------

Talo si pacman :(
Okay lang! Sya pa rin ang panalo sa puso ng mga pilipino! :)
Thanks readers! Vote and comment po kayo.

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon