FRANCIS'S POV
Nang may kumatok sa pinto ay binuksan ko yun.
"Nasan si Shar?"
Wala man lang. Good evening, hello? Bahay ko kaya to!
"Paul?"
Bigla na lang pumasok yung Paul na yun.
Niyakap nya si Shar.
"Shar! Nag aalala ako sayo. Hindi mo kasi sinasagot tawag ko."-Paul-
Natawa si Shar.
"Ang OA mo talaga!"-Shar-
Kakaiba yung nararamdaman, selos? Hindi pwede!
"Stop!"
Huli na para mapigilan ko ang sarili ko na sumigaw.
Napatingin silang dalawa sakin.
Palusot. Kailangan ko ngayon!
"A umuwi na kayo. Masyado ka nang nakakaabala Sharlene. May gagawin pa ako."-ako-
Ngumiti si Sharlene samantalang kumunot ang noo ni Paul.
"Ang lakas ng loob mo..."-Paul-
"Paul ano ba? Nakaistorbo talaga ako. Kanina pa ako dito e."-Sharlene-
Hindi ka naman istorbo e. Wait! Ano bang pinagiisip ko?
"Buti alam mo."-ako-
"O sige Francis. Aalis na kami. Salamat talaga ha? Pasensya kana kung naistorbo kita."-Sharlene-
Umalis na sila.
Bumalik ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Pagkahiga ko sa kama ay naalala ko na dito pala natulog si Sharlene.
Inamoy ko ang unan ko. Ang bango! Ang sarap amuyin.
Ano bang nangyayari sakin? Kasalanan to lahat ng madaldal na babaeng yun!
SHARLENE'S POV
Nakasakay ako ngayon sa kotse kasama si Paul. Pauwi na kami.
"Bakit ka nandun tapos kayong dalawa lang?"-Paul-
Natawa ako sa kanya. Kanina pa kasi sya nag ooa.
"Ano bang problema dun? Hahaha"-ako-
Kumunot ang noo nya.
"Shar, ilang beses ko ba sasabihin sayo na mag ingat ka? Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sayo. Sa panahon ngayon dapat hindi ka nagtitiwala sa kung sino- sinong lalaki."-Paul-
"Aw sweet. Swerte ko talaga sayo."-ako-
Napangiti sya.
"Nambobola ka na naman. Hahaha"-Paul-
"Totoo kaya! Promise!"-ako-
Si Paul Salas nga pala. Bestfriend ko since 10 ako. Mahal na mahal ko yan at alam kong ganun din sya sakin.
"Pano mo nga pala nalaman na nandun ako?"-ako-
"E kasi tinawagan kita tas sya ang nakasagot."-Paul-
"Speaking of... Ay naiwan ko yung cp ko dun!"-ako-
"Ha? Ano balikan natin? Mahalaga ba laman nun? May lock ba yun?"-Paul-
"Wag na! Bukas ko na lang kukuhanin. Wala namang mahalaga dun."-ako-
"Okay."-Paul-
After ilang minutes nakarating na kami sa bahay.
Sabay kami pumasok ni Paul.
Nakita ko dun si mama na nakaupo sa may upuan.
"O ma? Himala nandito ka. Anong meron?"-ako-
Ngumiti si mama at niyakap ako.
"Anak! May good news ako!"-mama-
"Ha? Ano po yun?"-ako-
Umupo muna kami.
Ngumiti si Paul.
"Kaya kita hinanap kasi may sasabihin nga sayo si Tita."-Paul-
So may kaugnayan si Paul dito? Ano kaya yun?
"Alam mo ba yung business na tinayo namin sa London?"-mama-
"Yung bago pong clothing line?"-ako-
"Yes! Yun nga. Kung san ka business partner natin sina Mrs. Salas."-mama-
"Tapos po?"-ako-
"Sobrang sumikat at madami ang bumili nun! Kaya ang balak namin ng daddy mo ay mag focus na tayo sa business na yun!"-mama-
"Wow! That's a great news! Congrats mama!"-ako-
"Kaya pagkatapos ng school year na to, lilipat na tayo sa London at dun kana mag- aaral pero wag kang mag- alala, kasama mo dun si Paul!"-mama-
What? Sa London na kami titira? Pangarap ko yun! Masaya dapat ako! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nalulungkot ako.
Ang unang pangalan na pumasok sa isip ko ay Francis.
Kaya ba ako nalulungkot? Kasi pag lumipat kami, hindi ko na sya makikita?
--------------------
Vote and comment po :)
BINABASA MO ANG
Mr. Suplado
FanfictionA SharCis story! pero short lang to. mga 15 chapters lang! hahaha may nagrequest lang kasi talaga ng SharCis! :D