Chapter 11.

333 18 3
                                    

FRANCIS'S POV

"Good morning!"-ako-

Nakangiti kong bati ng makita ko si Mika na kumakain.

Nanlaki ang mga mata ni Mika. Tapos ay tumakbo sya palapit sakin.

Hinawakan nya pa ang noo ko at leeg ko.

"Sino ka at anong ginawa mo kay Francis?"-Mika-

Natawa naman ako.

"Seriously, okay ka lang bro?"-Mika-

"Bakit? Masama na bang bumati ng good morning?"-ako-

Tinaas nya ang kilay nya at ngumiti.

"Hindi naman pero para sayo! Kakaiba e."-Mika-

Umupo na ako.

"Mukhang maganda ang epekto ng pagkakakulong at pagtulog mo sa library a? Maganda yan! Ipagpatuloy mo!"-Mika-

"Ang OA mo naman."-ako-

"Hahaha totoo! Dapat ata dun ka na lagi matulog o di kaya, dun ka na tumira!"-Mika-

Natawa naman ako.

Sabi nga ni Shar, hindi pa naman huli ang lahat para magbago ako. Pwede pang mag iba ang tingin sakin ng mga tao.

Pagkatapos kumain ay nagbihis na ako.

Nakangiti akong lumabas. Binabati ko ang mga kakilala kong nakakasakubong. Alam kong nagtataka sila.

Nang makarating ako sa school ay nakangiti pa rin ako.

"Good morning sa inyo!"-ako-

Pagpasok ko sa room ay napatigil lahat. Nakangiti akong umupo.

Huy! Anong nangyari kay Francis?

Namaligno ata!!

Grabe! Mas gwapo pala si papa Francis pag nakangiti!

Ngayon ko lang sya nakitang ganyan!

Natawa pa ako sa bulung- bulungan ng mga kaklase ko.

Napatingin lahat sa pinto ng may malakas na nagbukas ng pinto.

Si Shar! Ang ganda nya! Wait! Araw- araw naman syang maganda.

Oo nga pala. Kahit na nalaman ko na matagal na palang SILA nung asungot na Paul na yun, at nagmamahalan sila, may pag- asa pa naman ako! Hindi pa sila kasal, mag bf pa lang! Hahaha

Tumakbo syang palapit sakin.

"Totoo ba ang nabalitaan ko? Namaligno ka daw?!?"-Shar-

"hahaha Hay nako! Ang OA ng mga tao dito sa school."-ako-

Ngumiti bigla si Shar.

"Masayang- masaya ako na sinunod mo ang payo ko!"-Shar-

Umupo na sya sa tabi ko.

"Sikat ka talaga no Kiko? Biruin mo? Ngumiti ka lang, nagkagulo na ang buong school?"-Shar-

Natawa naman ako.

"Hay nako! Hindi din. Wala lang silang magawa."-ako-

Nang dumating ang prof namin ay umayos na kami ng upo lahat.

"Okay class! Iaanounce ko lang na dumating na ang pinakahinihintay nyong part ng taon bukod sa bakasyon!"-sir-

"FIELDTRIP!"-lahat kami-

"Wow! Dyan kayo magaling! Sa galaan. Okay. Magpalista na lahat ng sasama! Okay. Gawin nyo ang isusulat ko sa blackboard."-sir-

"Opo!"-lahat kami-

"Huy! Kiko! Sasama ka?"-Shar-

"E ikaw?"-ako-

"Oo naman! Minsan lang yan e."-Shar-

Yes! Makakasama ko si Shar! Bwahahaha.

Tok tok tok..

Napalingon lahat ng may kumatok sa pinto. Yung principal namin!

"Ano po yun ps?"-sir-

"Gusto ko lang personal na ipakilala ang transferee natin."-ps-

Transferee? November na kaya! Pwede ba yun?

Pagpasok ng isang lalaki ay nagulat ako.

"Paul?"-Shar-

What????!!

Anong ginagawa nya dito? Amp!

Anong ginagawa dito ng asungot na yan?!

------------------

Okay! Ano kaya ang magiging epekto kay Kiko ng pagdating ni Paul? Hahaha
Vote and comment din! Ang hindi magvote, mabaho? XD
Sorry po! Baliw si Author!

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon