SHARLENE'S POV
Papunta na kami ngayon sa meeting place! Naaka excite naman! 3 days pala ang fieldtrip namin! Sa Subic Zambales! Yey!
4 am pa lang at maaga pa pero okay na yun!
"Shar. Close na ba kayo nung Francis?"-Paul-
Kasama ko nga pala si Paul. Tutulungan nya daw kasi akong magbuhat ng mga bag ko.
"Bakit mo naman natanong?"-ako-
"Shar, bestfriend kita! Baka mamaya may iba ka nang bestfriend tas hindi ko alam."-Paul-
Natawa ako ng mag pout sya.
Kinurot ko ang ilong nya.
"Aw!"-Paul-
Tumawa naman ako."Ang sabihin mo nagseselos ka!"-ako-
Napalingon sya sakin.
"Hindi! Basta. Sagutin mo na nga lang ang tanong ko."-Paul-
Natawa naman ako.
"Medyo. Di ko alam kung pano idedefine kung close na kami o hindi."-ako-
Natawa naman si Paul.
"May gusto sya sayo. Malakas ang kutob ko."-Paul-
Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Paul. Si Kiko? May gusto sakin? Di nga?
"Naku! Naku! Wag mo na akong pagtripan Paul! Nandito na tayo."-ako-
Dahil dun ay lagi ko nang naiisip ang sinabi ni Paul.
Habang nasa biyahe.
"Shar! May problema ba?"-Kiko-
Nagulat ako ng mapalingon ako sa kanya. Katabi ko pala sya? Hindi ko man lang napansin. Teka? Nasan si Paul?
Ayun pala! Nasa may likod ko lang.
"Kanina ka pa dyan?"-ako-
"Oo kaya! Ibig sabihin, kanina pa ako salita ng salita di ka naman nakikinig?"-Kiko-
"A sorry! May ano kasi. May iniisip lang ako."-ako-
"Ano?"-Kiko-
Ikaw!
"Wala! Wag mo nang isipin yun. Ano ba yung sinasabi mo kanina?"-ako-
"Wala. Ayaw ko nang ulitin."-Kiko-
Tapos ay tumingin na sya sa may tv.
Ang arte. Hahaha
Natawa naman ako.
Tumingin sya sakin ng nakakunot ang noo.
"Bat ka natatawa?"-Kiko-
"Wala lang. Bawal ba?"-ako-
"Hindi naman. Bahala ka."-Kiko-
"Bakit masungit ka na naman?"-ako-
"Hindi ako masungit."-Kiko-
"Ngiti ka muna!"-ako-
"Ayaw ko!"-Kiko-
"Ngingiti na yan."-ako-
Natuwa ako ng ngumiti sya.
"Alam mo, ang saya ko pag napapangiti kita."-ako-
Ewan pero parang namula sya!
Tumingin na lang sya sa view.
Kinuha ko ang dlsr ko ay pinicturan ko sya.
"Bakit ka ba namimicture?"-Kiko-
Imbis na sumagot ay lumapit ako sa kanya para mapicturan ko kaming dalawa o nag selfie! Hahaha para mas madali! XD
"Ang cute natin!"-ako-
"Ikaw lang."-Kiko-
What?! Ako lang yung cute? Ayie! Nakakakilig. Hahaha
Wala akong ginawa kundi mag picture. Nang natapos na ako ay binalik ko na sa bag yung camera.
"Uy Kiko ano nga palang......"-ako-
Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi paglingon ko ay natutulog na sya.
Hay.
Nagulat ako ng biglang isandal ni Kiko ang ulo nya sa balikat ko.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko lalo nang lingunin ko sya.
Omo! Ang gwapo!
Baliktad! Dapat ako yung naka sandal pero mas okay na to para matitigan ko sya! Hahaha
So yun nga. Tinitigan ko lang si Kiko habang natutulog sya.
FRANCIS'S POV
Pagkadilat ko ay di ako makagalaw.
Teka.
Pagkalingon ko ay nakita ko si Shar. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ko!
Ang ganda nya grabe!
Hinawi ko pa ang buhok na nakaharang sa mukha nya.
Sana pwedeng forever na kaming nakaganto na lang! Hahaha kung pwede lang.
"BABY!"
Nagulat ako ng may biglang sumigaw!
Sino paba? Edi yung asungot!
Nagising naman si Shar dahil sa pagsigaw nya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagkukusot sya ng mata.
"Nakatulog pala ako."-Shar-
Ang ganda nya! Hay.
"May problema ba Kiko? Bakit ka nakatitig? May dumi ba ako sa mukha?"-Shar-
"A wala......"-ako-
"Dumi wala, pero laway, ayan! Naglalawa na!"-Paul-
Agad namang iniwas ni Shar ang tingin at nagpunas nang mukha.
"Wala naman e."-Shar-
Tumawa na lang si asungot.
"OKAY CLASS! Nandito na tayo! Handa na ba kayong mag enjoy?!"-PS-
"OPOOOOOO!"-kaming lahat-
Nakaka excite!
-----------------
Thanks readers! :)
BINABASA MO ANG
Mr. Suplado
FanfictionA SharCis story! pero short lang to. mga 15 chapters lang! hahaha may nagrequest lang kasi talaga ng SharCis! :D