Chapter 15.

329 19 3
                                    

KIKO'S POV

Nilingon ko ulit si Shar na katabi ko ngayon. Magkatabi naman sina Mika at yung asungot na Paul.

Nandito kami ngayon sa harap ng bon fire.

Nagtaka lang ako. Diba mag ON sina Shar at Paul? Pero bakit kung umasta tong Paul na to, parang may gusto sya sa kakambal ko?!

Napatingin ako kay Shar ng hawakan nya ang kamay ko.

"Tara Kiko!"-Shar-

Hindi na ako nakapag tanong at hinila nya ako patayo.

Habang natakbo sya hawak ang kamay ko ay sobrang saya ng pakiramdam ko.

Yung hinihiling ko na sana wag nang matapos ang pagktakbo namin.

"San ba tayo pupunta Shar?"-ako-

"May ipapakita ako sayo."-Shar-

Kahit ano mang ipakita nya sakin, masaya na akong kasama sya.

Sa wakas ay huminto na kami. Grabe! Napagod ako sobra!

Napansin kong nasa harap kami ng beach.

"Anong gagawin natin dito?"-ako-

"Wait lang! Magi start na in 5.4.3.2 ayan na!"-Shar-

Napatingin ako sa tinuro nya.

Wow!

"May nakapag sabi sakin na kitang- kita dito yung lantern festival dun sa kabilang isla. Kaya dinala kita dito."-Shar-

Hindi ko alam kung alam ba ni Shar o nagkataon lang! Isa sa greatest dream ko ay makapanood ng lantern festival! Hindi ako makapaniwala!

Nabigla ako at niyakap ko si Shar.

"Salamat."-ako-

"Okay. Masaya ako na napasaya kita."-Shar-

Hinarap ko.

Bagay ang moment na to. Sasabihin ko na sa kanya.

"Shar... may sasabihin sana ako sayo."-ako-

"Ano yun?"-Shar-

Hindi sya tumingin sakin.

"Gusto kita."-ako-

Nakita ko ang dahan- dahan na paglingon sakin ni Shar. Gulat na napalingon sya sakin.

"Anong sabi mo?"-Shar-

"Sabi ko mahal kita."-ako-

"Aaah. Aaahm. Anong..."-Shar-

Tumingin ako sa malayo. Nahihiya ako sa kanya.

Mali to. Alam kong may boyfriend sya e.

"Alam ko naman na may boyfriend ka. Okay lang naman sakin kahit one sided lang to."-ako-

"Aah Kiko. Wala naman..."-Shar-

Gulat pa rin sa kabila ng pagsasalita.

"Alam ko Shar. Na wala kang nararamdaman para sakin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman ko para sayo. Pero mali din ako kasi kahit alam kong kayo na ni Paul, hindi ko pa rin pinigilan na mahulog sayo."-ako-

Napayuko ako. Alam ko na ang magiging sagot ni Shar pero bakit ba tinuloy ko pa rin to?

"Sana lang Shar walang magbago. Kahit umamin na ako sayo. Sana wag kang mailang sakin."-ako-

"Aaah Kiko kasi..."-Shar-

Ayaw kong masaktan ngayon.

"Please Shar. Wag ka na munang sumagot. Masaya na ako na nasabi na nararamdaman ko para sayo. Pero parang di pa ako handang masaktan."-ako-

Magsasalita pa sana si Shar ng pinigilan ko sya.

"Tara na? Baka hinahanap ka na ni Paul."-ako-

Tumango na lang sya.

Bumalik na kami at nakita ko sina Mika at Paul na magkasama.

Nang makita kami ni Paul ay agad tumakbo si Paul palapit kay Shar.

"Shar. San ka galing? Nag alala ako."-Paul-

"Sorry na Paul. Aaaah. Kasama ko si Kiko."-Shar-

"San naman kayo nagpunta?"-Paul-

Parang masama ang tingin nya sakin.

"Aaah wala lang. Paul, tara. Pwede ba tayong mag- usap?"-Shar-

Hinawakan nya ang kamay ni Paul at umalis sila.

Nalungkot ako. Bakit kaya sila mag- uusap? Nakakaselos.

"Oh tol. May problema ba?"-Mika-

Napatingin ako kay Mika.

Pwede ko kayang sabihin sa kanya? Wala namang masama e. Pero baka di nya maintindihan.

"Oh bakit ka nakatingin sakin ng ganyan? Teka....? Hindi naman siguro.... umamin ka na kay Shar?!!!"-Mika-

Gulat na napatingin ako sa kanya.

Paanong??? Anong???

"Bro! Wag ka nang magulat. Alam ko na ang nararamdman mo tungkol kay Shar."-Mika-

"Pero...anong ibig mong sabihin?"-ako-

"Wag ka nang magkaila. Alam ko naman na gusto mo si Shar. Halatang- halata kaya."-Mika-

"Talaga ba?"-ako-

"Sobra! Haha huli kitang nakitang nagkaganyan dahil kay Ela. Kaya masaya ako. Di naman hamak na mas okay si Shar."-Mika-

Tama sya!

"So tama nga ako? Umamin ka nga?"-Mika-

"Oo."-ako-

"E ano naman ang sabi nya?"-Mika-

"Hindi ko alam. Wala naman syang sinabi. Hindi ko hinintay ang sagot nya. Ayaw kong masaktan."-ako-

"Haaa? Ano ba naman yan! Pano mo naman malalaman kung may nararamdaman din sayo si Shar?"-Mika-

"Imposible. Alam mo naman na masungit ako sa kanya dati diba? At isa pa..."-ako-

May boyfriend na sya...

Natahimik ako.

"Hahaha bahala ka sa buhay mo! Basta ako, masaya na sa lovelife ko."-Mika-

Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Haaa?"-ako-

Wala namang nababanggit sakin si Mika na manliligaw nya.

"Anong sinasabi mo? May nanliligaw ba sayo?"-ako-

Hinampas nya ako na parang kilikilig pa.

"Ano ka ba! Kakakilala lang namin. Si Paul kasi... gusto nya daw akong ligawan!"-Mika-

Parang umakyat ang dugo ko sa ulo ko.

Si Paul?!! Ang walanghiyang yun?!!

Talagang pinagsabay nya pa ang kapatid ko ang babaeng nagugustuhan ko?! Hindi ko sya mapapatawad!!

-----

Okay. Itutuloy ko na to. Haha sayang kasi e. Anyway, salamat readers!

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon