Chapter 4.

429 23 0
                                    

SHARLENE'S POV

Nasa canteen ako ngayon. Ano ba naman yan? Haba ng pila! Ang hirap kayang magsaklay! Wala man lang konsiderasyon e PWD ako! Hahaha paunahin na lang sana nila ako. Pang 7 pa ako sa pila.

Ang sakit na ng kili- kili ko!

"A miss. Ito o."

Napalingon ako. May nag- abot sakin ng isang tray na may spagetti, chuckie at isang saging.

"Kanino yan?"-ako-

"A pinapabigay sayo."

"Nino?"-ako-

"Ni Francis. Sige bye!"

Inikot ko ang mata ko. Nasan kaya yung lalaking yun? Pero thank you pa rin! Keleg keleg!

Okay! May pagkain na ako! Ang problema ko naman ngayon ay pwesto. Malayo pa ang bakanteng upuan!

Amp! Kaya ko to.

Slow and safe. Makakarating din ako.

Nang mawala ako sa balance ay muntik na akong matumba ng may humawak sa bewang ko.

Si Francis!

Kinuha nya yung tray na hawak ko at dinala sa bakanteng lamesa. Tapos bumalik sya para alalayan ako. Hindi ko din nagamit yung saklay kasi parang binuhat nya na ako.

"Salamat!"-ako-

Hindi sya sumagot. Umalis na sya.

Suplado but still gwapo!

May 20% pa syang puso! Hahaha

Masaya akong kumain.

Nang matapos ako ay pumunta na agad ako room.

Hindi talaga ako masasanay sa saklay na to! Itapon ko kaya to?

Papasok na ako sa room ng magsilabasan ang mga kaklase ko.

"Anong meron?"-ako-

"PE natin ngayon. Magbibihis na kami."

What?! PE pa? Ang layo- layo ng gym e! Iiyak na ako!

Hays. Ngayon lang naman e. Napagdesisyunan ko na wag na munang pumasok sa PE. Nakakapagod e. Next week na lang.

Tumambay na lang ako sa room. Malamig pa!

Nagsoundtrip na lang ako. Tutal naman mag- isa lang ako.

Napapansin mo ba, kaya ang tulad ko, kahit nasa sulok lang, ng iyong mga mata.
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sayo.
Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap oh Chinito.

Feel na feel ko ang pagkanta. Pumikit pa ako para mas feel.

Pagkadilat ko ay nanlaki ang mata ko!

Si Francis! Nasa harap ko! Nakakunot ang noo nya habang nakatitig sakin.

OMG! Kanina paba sya dyan? Nakita nya akong kumakanta na parang baliw?

"Bakit ka nandito?"-ako-

"Ako dapat nagtatanong nyan! Bakit ka nandito? Hindi ka papasok sa PE?"-Kiko-

"Tss. Ang layo naman kasi ng gym e! Ang sakit na ng kili- kili ko gawa ng saklay! Next week na ako papasok!"-ako-

Napabuntong- hininga sya.

"E bakit ikaw nandito?"-ako-

Hindi nya na naman ako pinansin pero nasasanay na din ako! Hahaha

Sabi na nila, 'Pag may tiyaga, may nilaga'!

Umupo sya sa may likod ko.

Habang nakaupo ako ay naalala ko ang sinabi sakin ni Mika dati.

"Alam mo Shar, hindi naman talaga masungit o suplado yang si Kiko dati. Sobrang masayahin sya. Mabait. Palakaibigan! Kulang na lang manalo sya na Mr. Friendship."-Mika-

Sana nakilala ko na si Kiko dati nung ganun pa sya.

"Kaya lang. Nagkaganyan sya dahil sa 3 magkakasunod na nangyari masama sa buhay nya. Una, niloko si Kiko ng isang babae, si Ella. Minahal sya ni Kiko ng higit sa buhay nya pero masama yung babaeng yun. Pangalawa, namatay ang aso nya na mula bata pa lang kami ay kasama na nya. At ang huli, namatay si papa dahil sa aksidente."-Mika-

Kawawa naman pala si Francis.

"Mula nun. Ayaw nya na maging close sa kahit kanino. Ayaw nya na maging attach sa isang tao kasi baka mawala na naman yun at masaktan na naman sya. Nakakalungkot na ganun na sya mag isip ngayon."-Mika-

Huminga sya ng malalim.

"Kaya Shar. Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo! Baka naman pwede kang makipag kaibigan kay Kiko. Kasi kailangan nya ng kaibigan."-Mika-

Ha?

"Bakit ako?"-ako-

"Kasi, kahit di pa kita kilala. Alam ko na agad na mabait ka. Friendly ka at parang palagi kang positive! Ayan ang kailangan para matagalan ang kasungitan ni Kiko. Ayun ay kung papayag ka."-Mika-

Kaibigan ko si Mika kaya ginawa ko ang gusto nya.

-------------------

Thanks readers! :)
Vote and comment po :D

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon