Chapter 6.

328 21 2
                                    

FRANCIS'S POV

Nagulat ako sa isang malakas na sigaw.

Si Shar!

Tumakbo ako palabas sa kwarto ko! Ang dilim!

Nag brown out pala!

Nasan na kaya yung babaeng yun?

For the first time, hinahanap ko kung nasan sya. Bakit hindi sya nagsasalita pag kailangan.

Pumunta ako sa sala pero wala sya dun.

"Shar?"-ako-

Mahina lang.

Hindi sya sumagot. Kumuha ako ng flashlight.

Hinanap ko sya sa lahat ng sulok ng bahay. Posible kayang umalis na sya? Baka nung sumigaw sya, nagtatakbo sya palabas?

Hay. Baka nga. Hindi na sumasagot e.

Napagdesisyunan ko nang bumalik sa kwarto ko.

Ano kayang nangyari sa babaeng yun? Ang lakas pa naman ng ulan.

Pagpasok ko sa kwarto ay humiga na ako sa kama.

"Kiko."

"Aaaaaaaa!"-ako-

Sobrang nagulat ako!

Tinapatan ko ng flashlight yung nagsalita.

Si Shar! Pano sya nakapasok dito?

"Anong ginagawa mo dyan?"-ako-

Hindi sya sumagot. Nilapitan ko sya.

Tsaka ko lang nakita ko na naiyak sya.

"Kiko. Natatakot ako."-Shar-

Ngayon ko lang sya nakitang ganito.

Parang ang oa nya. Pero nakita kong nanginginig talaga sya.

Lumapit ako sa kanya.

"Umayos ka nga! Hindi kana bata, at pano ka nakapasok sa kwarto ko?"-ako-

Hindi sya sumagot.

Hinawakan ko sya sa braso.

"Lumabas kana sa kwarto ko."-ako-

Hindi sya gumagalaw.

Hinila ko na sya.

Nagulat ako ng tumili na naman si Shar ng kumulog bigla.

Ang mas kinagulat ko ay nang yakapin nya ako.

"Get off me."-ako-

Umiiyak sya.

Ano bang problema nya?

"Bumitaw ka nga!"-ako-

Hindi pa rin sya bumitaw.

Napabuntong- hininga ako.

"Para kang tanga dyan."-ako-

Hinawakan ko ang kamay nya. Kahit madilim, alam kong napatingin sya sakin.

"Wag ka nang matakot. Wag ka nang umiyak. Nandito naman ako. Ang duwag mo naman."-ako-

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.

"Maupo ka na muna."-ako-

Umupo naman sya pero tinabihan ko na sya.

"Salamat."-Shar-

Nagsindi ako ng kandila.

Sana magkailaw na. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pagkakahawak ko sa kamay ni Shar.

Parang may kakaiba na akong nararamdaman.

Matagal ang lumipas na hawak ko ang kamay ni Shar at may kakaiba talaga! Parang may kuryente na dumadaloy mula sa kamay nya papunta sakin. Alam nyo yun?

Napangiti ako ng biglang lumiwanag.

"May kuryente na!"-ako-

Nilingon ko si Shar.

Nakatulog pala sya. Nakapatong ang ulo nya sa balikat ko.

Hindi tuloy ako makagalaw. Baka magising sya.

Tinitigan ko si Shar.

Bakit ngayon ko lang sya natitigan ng ganito?

Ang ganda nya talaga. Ang kinis- kinis ng mukha nya. Wala man lang marka ng pimples o kahit ano man.

Napaisip ako.

Baka mamaya mahuli nya pa ako.

Hiniga ko si Shar sa kama at lumabas na ako ng kwarto.

Pagbaba ko ay biglang nag ring ang cp ni Shar. Nasa sofa lang kasi yun.

Ako: hello?

Caller: sino to? Bakit na sayo ang cp ni Shar?

Ako: a nandito sya sa bahay ko.

Caller: kaano- ano kaba nya?

Ako: kaklase lang. Sino ba to?

Caller: ako si Paul, boyfriend ni Shar.

Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko ng marinig ko na boyfriend sya ni Shar.

May boyfriend na pala si Shar? Bakit di nya sinabi sakin?

Teka! Bakit ba ako interesado? Ano bang pakealam ko sa madaldal na yun?

Basta! Ang gulo!

--------------------

Thanks muli readers! :) vote and comment po :D

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon