Chapter 14. Sana.

290 15 2
                                    

SHARLENE'S POV

"Ang ganda!"-ako-

Nakatayo ako sa may bangka para mas malasap ko ang sariwang hangin.

Naga island hopping kami ngayon, part ng field trip namin.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita si Paul na nakapikit.

"Ang saya ng ganito no?"-ako-

"Oo nga. Sana ganito din sa atin no? Fresh air."-Paul-

"Oo! Mas gusto ko yung ganito kaya..."-ako-

"Pag laki ko, sa probinsya ako titira kasama ang mapapangasawa ko! Mamumuhay kami ng simple at magtatanim na lang kami ng mga gulay at prutas? Oo na Shar! Alam na alam ko na yang plano mo! Hahaha"-Paul-

Grabe! Lahat ng sinabi nya totoo, ayun mismo ang gusto kong sabihin!

"Pano mo nalaman ang sasabihin ko?"-ako-

"E kasi naman, kada magkasama tayo, sinasabi mo yun lagi! Hahaha"-Paul-

Nagpout ako.

"Ang cute mo talaga."-Paul-

Pinisil nya pa ang pisngi ko.

"Teka, nasan nga pala si Lover Boy?"-Paul-

Nagtaka ako.

"Sinong lover boy?"-ako-

"Sino pa? E di si Francis."-Paul-

Oo nga no? Mula nung sumakay kami sa bangka di ko sya nakita.

"Teka, hahanapin ko lang sya."-ako-

"Wag mo na hanapin! Ayun o! Nakaupo lang!"-Paul-

Tiningnan ko ang tinuturo nya. Ayun nga si Kiko!

Pero teka? Bakit nakayuko lang sya?

Nilapitan ko agad sya.

"Kiko!"-ako-

"Bakit Shar?"-Kiko-

Hindi nya ako tiningnan.

"May problema kaba? Bakit ka nakayuko? Sayang naman yung view!"-ako-

"Hindi ko kaya."-Kiko-

"Ha? Anong hindi mo kaya?"-ako-

Hinawakan nya ang kamay ko.

Lumapit ako sa kanya kasi may ibubulong ata sya.

"Takot ako sa dagat."-Kiko-

Nagulat ako. May ganun ba?

Kaya naman pala.

Tinabihan ko na lang si Kiko.

"Bakit naman? Okay nga ang dagat e. Malawak! Parang walang katapusan."-ako-

"Kasi, dahil dito, kasi..."-Kiko-

Tiningnan ko sya at naluha na sya.

"Dahil sa dagat, kaya namatay si papa! Nalunod si papa!"-Kiko-

Naaawa ako kay Kiko. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay at sobrang bigat nun. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Sorry."-ako-

Magsasalita na sana sya nang may mag aanounce.

"Nandito na po tayo sa ating destination."-guide-

Nagsibabaan na ang mga tao.

"Tara na Shar. Baba na tayo."-Paul-

Tiningnan ko si Kiko.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Tara na Kiko. Wag ka nang matakot! Kasama mo naman ako e."-ako-

Napatingala sya sakin ay ngumiti tapos ay hinawakan na ang kamay ko.

Pagkababa namin ay napanganga ako sa view.

Ang ganda! Grabe!

Pinapila na kami.

"Okay class! Kayo na ang mamili ng makakasama nyo sa kwarto! Tatlong tao per room. Hiwalay ang boys at girls."-guide-

"Okay po!"-kaming lahat-

"So tayo nang tatlo ang magkakasama?"-Paul-

"Ano kaba?! Kakasabi nga na nakahiwalay ang boys at girls!"-ako-

"Bakit? Hindi ka naman babae e!"-Paul-

Napasimangot ako.

"Wag kang maniwala sa kanya Shar."-Kiko-

Binelatan ko si Paul! Hahaha

Hays. Pero mas gusto ko sana silang kasama. Wala pa naman akong ibang kaibigan!

Dumeretso na ako sa kwarto.

"Hi."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Mika! Nandito ka pala?"-ako-

"Oo naman. Sumama ako! Hahaha tara? Magkasama na lang tayo?"-Mika-

"Sakto. Wala akong makasama e."-ako-

Hinawakan nya pa ang kamay ko.

Binigyan na kami ng oras para makapag bihis at mag ikot.

Nagbihis na ako ng short na white at sando. Nagdala ako ng maliit na bag para sa panyo at tubig.

"Tara na bebe!"-Mika-

Hinawakan nya ang braso ko.

Paglabas namin ay nakita namin sina Paul at Kiko. Naka short sila pareho!

Napako ang tingin ko kay Kiko. Ang gwapo nya! Hay nako. Nakatingin din sya sakin habang nakangiti.

"Hi girls!"-Paul-

Hay nako! Kilala ko tong si Paul e! Panigurado! May gusto to kay Mika! I can see it in his eyes. Hahaha

"Tingnan mo nga si Kiko! Parang tanga na natulala sayo."-Mika-

"Hindi naman ata sya saki nakatingin."-ako-

"Ano kaba bebe? Hindi mo pa ba halata na may gusto sayo yang kakambal ko?"-Mika-

Pangalawa na si Mika na nagsabi nun a!

Posible nga kaya na magkagusto sakin si Kiko?

Hindi ko alam a! Pero SANA! Hahaha

~~~~~

Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon