Chapter 9

88 2 0
                                    

Lumabas na kami at dumiretso sa bench. Nakayuko lang ako habang naglalakad kahit marami ang humihiyaw kadalasan mga lalaki.

"Guys,, Hindi man kami maglalaro pero andito kami para i-cheer kayo"maligayang sabi ni Mrs. Santiago habang may dalang banner Ultra effort ang ginawa nila.

"Kaya natin yan mga iha "segunda nung isa pa.

"Everyone on ten second magsisimula na. Alam nyo naman na Girls Basketball ang inaabangan. But girls, Reminder lang sana walang sabunutan, walang away, tulakan, sampalan and all. Understand! Okay the five members. Come here! "litanya nung emcee kaya nagsilapitan ang lima sa amin na maglalaro.

"Good luck guys!"sabi ng mga ka grupo ko at sumigaw.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabilang team. Nakita ko si Leanna at Janine na naglalakad patungo sa gitna
Nakita ko din si Sir Hellios at Sir Gino na magkatabi kasama yung head ng finance. Walang imik ang dalawa habang nakabusangot iyong isa.

Si Leanna at Prince ang nasa gitna. Pumito ang referee at hinagis ang bola mas mataas si Leanna kaya siya ang nakakakuha at pinasa kay Janine. Tumakbo si Janine pero naharang siya ni Rhianne. Nagdribble at pinasa kay Leanna at na-ishoot. 2 points.
Naghiyawan ang ka-grupo nila pati mga lalaki. Magaling si Leanna at Janine pero yung tatlo nilang kasama kagaya lang nag kasamahan ko hindi marunong si Prince masasabi kung marunong pero hindi kagalingan habang si Rhianne marunong lang. Alangan naman diba? Business trabaho hindi basketball.
Score : 15 yellow team
           : 30 red team
Every 5 minutes break pagkatatlong minuto nalang daw papasok na ako. Si Prince ang nakaisip. Habang nanonood at nag-iingay yung iba kinuha ko muna ang phone ko at tinext si Lynn

To: Lynn
Basketball time.

At nagsend ng picture ko habang nanonood. Walang reply kaya ibinalik ko ulit ang phone sa bag at bumalik sa panonood pero saktong paglingon ko nakita ko si Sir Hellios na kuryosong nakatingin sa phone ko na nilagay sa bag pero ng makita niya akong nakatingin bumaling siya sa manonood. Tatlong minuto ng mag request ng substitute si Althea kaya tumayo na ako.

"Good luck Miss Zailer, kaya nyo yan! "sabay sabi ng mga ka-grupo ko.

"Kaya mo yan Zailer "sabi nung isang substitute.
Tumango lang ako sa kanila at pinalitan si Althea sa pwesto niya. Nakita kung nakataas ang kilay ni Leanna at bahagyang tumawa. Hindi ko na pinansin at pumusisyon. Nag resume na ang game at wala akong ginagawa kundi tumakbo at humarang hangggang sa maharangan ko si Leanna nagdribble siya sa harap ko at nang-asar.

"Sana umupo ka nalang sa bench kaysa nandito ka wala ka namang maitutulong "sabi niya at nag shoot bigla

"2 points and your zero "asar pa niya. I'm not yet begin darling. Magsisimula palang 
"Zailer "tawag ni Rhianne at pinasa ang bola. Tumakbo ako at shinoot at alanganin pero pasok. Nagpatuloy ang ganun at ng 5 segundo nalang ang natitira at hawak ko ang bola at nakatayo sa pinakacenter. Malayo sa ring kaya I position myself and shoot the ball and it goes 3 points. Kung kanina maingay mas umingay ngayon. Alam kong marami ang mawawalan ng boses bukas.

"Go, Yellow team. Win win yellow team "they chant over and over again.

"Bet ko ang Yellow team "

"Ang GALINGGGG. WOAHHHHH IDOLLLLLLLLLL" sigaw nilang lahat. Bumalik nga kami sa pagiging teenagers. Sino kaya nagpauso nito. Feeling mellenial!
Pumunta sa harap ko si Janine at Leanna kaya nakuha nila ang atensyon ng lahat.

"Chamba lang yun! "sabi ni Janine at naka krus arms.

"Look at the score dear " sabi ni Leanna at umalis. Dahil masunurin ako tiningnan ko ang score

The Heir Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon