Chapter 23

65 2 0
                                    

Bumalik ako sa opisina at nag umpisang magtrabaho. Tinanong ko rin si Alliana tungkol kay Hellios.

"Hinabol po kayo Miss pero sinabi ko na hayaan muna kayo. Galit po" ani Alliana habang hawak ang MacBook.

"Send me his address " utos ko at tinanggal ang coat saka naupo. Tinapos ko lahat ng  trabaho dahil bukas weekend na naman at ayaw kong may tatapusin na naman pagka Lunes.
Alas kwarto ng pauwiin ko na si Alliana at naghanda na ako sa pagpunta kay Hellios.

Anong dadalhin? 

Cold compress.

Cupcakes and cakes will do.

Sumakay ako ng kotse at sinabi kay Sandro ang address ni Hellios. Habang nasa biyahe naisip kong tanungin si Sandro.

"Paano mawawala ang galit niyo pag nasapak ? " kuryoso kong tanong.

Tumikhim muna si Sandro bago sumagot.

"Bumawi po sa pagsuntok "tipid niyang sabi.

Makakaya ba akong suntukin ni Hellios.

"Babae ang sumuntok " walang emosyon kong sabi sa kanya.

Diretsong sagot ni Sandro.
" Make love " 

Ngumisi ako "Ginagawa niyo ni Alliana " napalunok siya at napaubo.

Indenial.
Hindi siya umimik sa buong biyahe kaya walang naging problema.

Make love his face.
Napalaki ang mata ko ng maalalang malapit ng mangyari sa amin yun.

Sino bang may sabi kay Hellios na magpigil siya.
Umiling iling nalang ako sa iniisip at ayaw ko nang dagdagan pa ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nang makarating sa building bumaba ako ng kotse at dala ang cupcakes and cakes. Binati ako ng guard kaya ngingitian ko lang siya. Dumiretso ako sa elevator at pumasok. Kinakabahan ako kakaiba sa pakiramdam pero gusto kong makita si Hellios.

Saktong pagbukas ng lift ay parang tinusok ng napakaraming karayom ang puso ko ng makitang naghahalikan si Hellios at Leanna sa labas ng condo niya. Pigil hininga habang napahigpit ang hawak ko sa plastic bag. Hindi ako makagalaw, kumukurot ang puso ko at ramdam kong ilang minuto nalang tutulo na ang luha ko pero bago pa mangyari iyon mabilis kong pinindot ang lift. Nanlaki ang mata ni Hellios ng makita ako pero bago niya pa naabutan sumirado na.

Dahan dahan tumulo ang masaganang luha sa aking mata at mabilis na pinindot ang lift imbes na sa ground floor ay sa ibang floor. Pumasok ako sa may cubicle at napaluhod ako sa sahig at doon binuhos lahat dahil ang sakit, ang sakit ng puso ko.

Alam kong hindi dapat kasi ang dapat ay makinig sa eksplanasyon ni Hellios. Wag munang mag conclude sa isip.
Pero napipigil ba ang sakit. Kahit na gusto kong makinig sa kanya hindi ko parin maiwasan makaramdam ng sakit. Normal naman sigurong makaramdam ng sakit diba? Sadya o hindi. May paliwanag o wala.

"Ouh, Zailer anong oras na. Why are you here. Close kami ngayon. " rinig kong sabi ni Abuela pero hindi ko pinansin. She own this bar. A Bar. 

"I can buy the whole place so back off" malamig kong tugon at diretso sa counter at namili ng wine. Totoo naman kami lang ang tao dito.
Kinuha ko ang pinakamahal at pinakamatapang na alak. Spirytus Vodka.

Iinomin ko palang sana ng agawin ni Abuela ang baso.
"Zailer, suicide na iyan"
Hindi ko siya pinansin at kumuha ng baso at sinalinan ulit pero kinuha niya ulit kaya binasag ko lahat ng nakapatong sa counter kaya napasigaw siya.

The Heir Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon