Chapter 11

83 3 0
                                    

Nagising ako bigla dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tiningnan ko ang orasan at alas 4 pa lang. Sobrang maaga pa para maalala ang lahat. Pero kagaya ng ginawa ko kahapon sa harap ng lahat napanggap na malakas at hindi ko nalang pinapansin ang sakit. Hinahayaan ko nalang dahil kung pagtutuusan ko pa ng pansin baka hindi ko kayanin.

Nakapaa lang akong naglalakad papunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Pagkatapos bumalik sa kwarto at binuksan ang TV pero wala sa TV ang atensyon ko nasa labas ng bintana at hinihintay kong kailan sisikat ang araw tanda na simula ng araw.
Nobody knows I've been hurt. I'm alone as always.
Pagkatapos maligo at magbihis lumabas ako kahit medyo madilim pa at naglibot libot buti nalang hoodie and pinili kung suotin kundi manginginig ako sa lamig. Pumunta ako sa dating tambayan ko nung junior high dahil sa palawan na ako nag senior year.

"Ouh, miss napaaga ka yata hindi pa bukas ang billiard hall"sabi ni Mang Pedro ang may-ari ng billiard hall hindi lang billiard meron dito kundi may darts din at maliit na bar.

"Ayos Lang "sabi ko at umupo sa may monoblock chair dito sa labas.

"Sandali. Parang pamilyar ka iha, "sabi ni Mang Pedro at hinayaan siyang suriin ako.

"Ayy, Tama. Zailer ikaw ba yan! "sabi ni Mang Pedro at kita ang sobrang saya

"Ang laki muna akalain mo iyon "sabi niyang hindi makapaniwala.

"Syempre naman. Manong " sagot ko sa kanya.

"O sya pasok ka at gigisingin ko si Max" sabi ni Mang Pedro at lumabas muna. Nasa likod lang ang bahay nila. At gaya ng inaasahan hindi parin nagbabago ang lugar na to! Lumapit ako sa billiard table at naglaro.

"Zailer, ikaw ba yan! " biglang may sumigaw.

"Iba ka talaga Max, nagkita lang tayo last month" sabi ko sa kanya at inasinta ang bola at tumira. Pasok

"Hindi ko naman inaasahan na pupunta ka ng ganito ka aga. Ano problema? "sabi niya at lumapit.

"Wala!  Baka hindi na ako makabalik kasi sa susunod magtatrabaho na ako ng seryosohan " sabi ko at napangiwi sa seryosohan, ano ba iyong trabaho ko noon laro.

"Seryoso ka dyan. Ikaw bahala! Tawagan ko si Jenny at Rose para may kasama tayo. "sabi niya at kinalikot ang phone niya. Nag wala pang sumasagot nagtanong muna siya.

"Nag breakfast kana? "tanong niya sa kin.

"Akala ko ba libre breakfast dito " sabi ko at tumira ulit. Pasok ulit.

"Ay, sure yan." sagot niya at binalik ulit ang tingin sa phone.

"Hays, Di sinasagot nung dalawa pero nakita ko online sila. Video call ko kaya "sabi ni Max sa sarili. Hindi ko nalang pinansin.
Ilang minuto pa narinig ko nalang nagrereklamo si Rose at Jenny sa pagtawag ni Max kaya nagpakita nalang ako para matahimik sila.

"Kayong dalawa. Pupunta kayo o pupunta kayo"sabi ko at bumalik ulit sa paglalaro.

"Sabi sa Inyo eh" rinig kung sabi niya sa dalawa.

Pagkatapos ng tawag kumain muna kami ni Max at bumalik sa Billiard Hall at sakto nandun na ang dalawa naglalaro at ng makita kami bumati agad sila.

"Hi, Zailer I miss you being here"sabi ni Jenny with matching beso pa.

"Arte "komento ni Max sa gilid pero hindi siya pinansin ni Jenny.

"Hi, Zailer. Bakit mo pala naisipan pumunta dito "tanong ni Rose habang hawak ang billiard stick.

The Heir Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon