6

5 0 0
                                    

Sa tingin ko kasing edad lang ni kiko ang babae tapos kasing tangkad ko . Pag kakita niya sa akin ay ngumiti siya

"magandang gabi po" nagulat ako at nag tatagalog siya

Tumingin ako kay kiko naghihintay sa kanyang sasabihin " ahm.. ate si Patricia po, classmate ko transferee galing Manila....Ito pala si ate Monica ko" pakilala niya sa akin . Lumingon ako sa babae at ngumiti.

"magandang gabi din sa iyo, taga saan ka Patricia?" tanong ko sa kanya.

"Pat na lang po itawag niyo sa akin, sobrang pormal na man po nung Patricia" kaya natawa kaming tatlo "lumaki po ako sa Cavite ate at diyan lang po malapit ditto sa bakery ang bahay namin "

"sige iwan ko muna kayo..at kiko" sininyasan ko si kiko na lumapit sa akin kay bumulong ako "wag gagawa ng milagro, bata pa kayo,tsaka wag mag papagabi nang uwi" gulat siyang lumayo sa akin at nahiya.

"ate hindi ako ganon! , grabe ka"

"siguraduhin mo lang" lumingon ako kay Pat at nag paalam "mauuna na ako Pat".

Nag lakad lang ako pa uwi sa amin, hindi naman masyado malayo ang merkado at yung amin. Pag kadating ko nadoon na si papa, ngunit si mama wala pa kaya nagtataka ako.

"pa asa si mama?" lumapit ako sa kanya at nag mano.

"Na alala mo yung bagong pinagawa na resort sa kabilang bayan?..Kinuha ang mama mo para magluto, dumating daw kasi ang pamilya nung may ari ..kaya may party"

Meron bah? Napa isip muna ako bago na alala "yung hapon ang may ari pa? sakto ba?"

"oo yun nga!.... makikisabay tayo mamaya kay manong Bobet mo,doon tayo kakain... kasama din kasi ang asawa niya sa nagluluto doon"

"sige po pa"

Pumasok ako sa kuwarto at nilagay ang mga gamit. Sumalampak ako nang higa sa kama at dinama ang pagod ng aking katawan.Bumangon ako kinuha ang aking tuwalya, lumabas at naligo, buong araw ako sa merkado kaya amoy pawis ako. Pagkatapos nag bihis lang ako ng dress na hanggang tuhod.

Pagkalabas ko sa kuwarto ay yun din ang pagpasok ni kiko sa bahay, nag mano siya kay papa na nonood ng t.v at sa akin. Pagkatapos niya mag mano sa akin ay tiningnan niya ako ulo hanggan paa at kumunot ang kanyang noo.

"saan lakad mo ate?" takang tanong niya

"oy kiko, pupunta tayo ng party ..mag bihis ka nang maganda" biglang sabi ni papa, kaya lumingon si kiko sa kanya at mas lalaong nag tataka "pumasok kana sa kuwarto mo at mag pahinga sandali"

Lumingon siya ulit sa akin na ang mga mata nya ay nag tatanong "may party doon sa kabilang bayan yung may ginawang bagong resort"naglalakad kami patungo sa kanyang kuwarto "kinuha si mama para magluto, doon daw tayo kakain kasama ang pamilya ni mang Bobet..kasali din kasi ang kanyang asawa sa nagluluto".

Sumandal ako sa kanyang pintuan at pinag masdan ang kanyang kuwarto habang siya ay nag hahanap ng damit para mamaya.

"yung sabi nila hapon ang may ari ate?"

"oo...ang kalat ng kuwarto mo, maglinis ka nga!"

Tinulak lang ako ni kiko at pinag sirhan ng pinto. Walang galang na bata!

Pag patak ng alas sais ng gabi ay, bumusina na sa labas ng bahay si mang Bobet kasama ang lalaki niyang anak na si Anthony pero tinatawag siyang Tony ditto sa amin, kaibigan ni kiko. Isang multicab ang sasakyan nila mang Bobet, nag titinda kasi sila ng mga prutas sa merkado. Minsan ay hihiram kami sa sasakyan nila para sa mga angkat naming na gulay.

Pagka dating naming doon ay nakita namin si mama at hinatid kami sa aming pwesto. Hindi pa nag sismula ang kainan, kaya si papa at mang Bobet ay busy mag chikahan at si mama ay bumalik sa kusina sa likod ng bahay. Ginanap ang party ditto sa garden ng bahay.

Busy ako sa cellphone ko nang kinalabit ako ni kiko "unsa?" tinuro niya ang dagat na malapit lang sa bahay "punta tayo sa tabing dagat ate, tayong tatlo ni tony ... hindi pa namn nag sisimula kahit sandal lang" tumango ako at nag paalam kay papa at mang Bobet.

Walang harang ang papunta sa dagat galing sa bahay, may hagdan lang. Kapag bumaba ka doon ay buhangin na ang sasalubong ng iyong mga paa, kaya hinubad ko ang aking sandal na flats. Si kiko at Tony ay nag lalakad na sa unahan.

Hinayan ko ang dalawa may sariling mundo iyon eh. Lumibot ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Pinagmasdan ko din ang kabuuan nung bahay, ang laki.

Tumingala ako sa bahay at nakita ang isang pares ng itim na mata na tumingin sa akin.

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon