25

1 0 0
                                    


Unag araw ko dito sa factory, maaga akong nagising at sakto pagka labas ko ay sinundo ako ni Hiro. Sabi niya bukas ay mag commute kami para maturuan niya ako paano sumakay sa mga train dito papuntang trabaho, dahil hindi na man daw siya masyadong busy bukas.

Pinakilala na din ako ni Hiro sa ina ni Celestine, akala ko nga pababayaan nya ako. Pinakilala din ako sa aking magiging roommate sa susunod na buwan na si Elisa, pero sabi niya ay apat talaga kami sa isang kwarto. Siya na din nag tour sa akin sa buong factory bago kami pumunta sa station namin.

Ang trabaho naming ay kami ang mag lalagay ng mga sandwiches sa mga plastic bag isa-isa. Dapat madali ang kamay mo sa pagbalot , di pwede ang mga tamad dito.

"kamusta ang kamay mo sa first day monic?" natatawang tanong ni Elisa sa akin.

Luch break namin at may sariling canteen ang factory kaya hindi na kailangan lumabas para kumain. Ang napakaganda ay free lunch into para sa lahat.

Pumila kami ni Elisa dala an gaming tray. "ok lang medyo nanibago. Pero ayos lang di tatagal masasanay din ako".

"tama ka girl, wala tayong choice kundi masanay. Ito ang trabaho natin dito eh."

Sumangayon ako sa kanya dahil tama siya, kapag nag trabaho ka wala kang choice kundi masanay at kumayod para sa pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Pagkatapos mag luch ay bumalik na kami sa aming mga trabaho. Yung mga naiwan kanina ay sila nanaman ang nag lunch. Alternate para hindi maiwanan ang trabaho.

 Sa trabaho pwede naman makipag kwentuhan pero nga, dahil kailangan na mabilis ang kilos wala kanang oras makipag kwentuhan para mapa dali ang trabaho, so di na kailangan ang no talking rules.

7-7 ang oras ng aming trabaho kaya nung sumapit ang alas sais ng gabi ay may isang oras pa kaming mag linis sa work station naming bago mag out. Sabay kami ni Elisa papuntang locker psara mag palit ng damit. 

Naka labgown, gloves, hairnet, boots, at apron kami para malinis. Kinakaltas nila ang bayad nito sa una naming suweldo.

Palabas na kami at naka kapit pa ang mga kamay ni Elisa sakin. Habang nag aayos ng aking bag ay biglang pinag hahampas ni El ang aking braso kaya , gulat akong napatingin sa kanya.

"napano ka?"

May tinuro siya kaya sinundan ko kung saan.

"ang guwapo te. Kahit gabi ang klaro parin." Kinikilig na wika niya.

Nakasandal si Hiro sa kanyang kotse habang naka pamulsa. Yung mukha niya any sobrang antok na pero sinundo nya parin ako, kaya napangiti ako ng palihim.

Lumakad ako patungo sa kanya kaya bigla akong hinila ni Elisa.

"Hoy! Saan ka pupunta? Doon ang sakayan" tinuro nya pa ang isang waiting shed kung saan may bus na dadaan. Lahat ng empleyado sa factory ay may sariling bus para maghatid at susundo sa kanila papuntang apartment.

"doon ako papunta sa kanya" ngumuso pa ako sa direksyon ni Hiro.

Nanlaki ang kanyang mga mata "wag ka naming ganyan Monic. Alam kong guwapo siya pero di mo naman kailangan sabihin sa kanya na kinikilig ako. Wag mo akong e buking , tara na" sabay hila sa akin sa ibang direksyon.

Hinila ko ang aking kamay at tumakbo patungo kay Hiro kaya sumunod din sa aking si Elisa.

Natatawa akong nakatingin sa reaksyon ni El na parang matatae na iwan.

"Elisa si Hiroshi nga pala" pakilala ko.

Humarap ako kay Hiro "Hiro si Elisa nga pala workmate ko and future roommate"

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon