4

4 0 0
                                    

Pinag singkitan ko siya ng mata "joke?" at mas tumawa siya.

"adto diay ka sa syudad trabaho monic?" tanong niya sa akin habang inaayos ang ginamit kong helmet sa likod ng kanyang motor.

Umiling ako sa kanya "di ko kayang iwan sila mama ditto, kahibaw ka ana"

Bumuntong hinga na lang siya at tumango . Bago umalis hinalikan niya aking noo at nag paalam. Hinintay ko muna siya umalis bago pumasok sa barangay hall, nung di ko na kita ang kanyang motor ay pumanhik na ako sa loob.

"maayong buntag Ate Lanie" umupo ako sa tabi ni ate Lanie

Ngumiti siya sa akin "maayong buntag pud monic...kita ko gihatud napud kang Mark, ngano wala mo nagka uyab ?" umiling lang siya dahil sa pagtawa ko "arrange na nako imong buhatonon ngara" tumango lang ako sa kanya bago umupo at inayos ang mga gamit.

"Ate kababata ko lang si Makky, lahi ang type ato at I'm sure dili ako"

"hala ambot ninyo!"

Hindi na bago ditto sa barangay namin na nag tatagalog kami pamilya dahil alam nila na tagalog si mama talaga.

siya yung kumuha sa aking bilang encoder ditto sa barangay, suki siya namin ni mama sa merkado. Nagpapasalamat ako dahil ako yung ni rekomenda nya sa sekretarya ditto sa barangay na magtrabaho bilang encoder.

Nung nag lunch break na, umalis sila para kumain sa labas . Nilabas ko ang baon kung lunch para iwas gastos din, nag sasayang lang ako ng pera kung ganon. Nag baon ako ng pritong talong na hinalo ko sa itlog at pati kanin.

Pagkatapos ng 30 minutes break ay balik ulit sa trabaho. Nangalay na aking kamay sa dami ng trabaho ngayon, dahil may report daw na kailangan pirmahan doon sa mayor namin.

Dahil nagutom ako , lumabas ako sa barangay hall para bumili ng banana cue. Bibili pala ako ng slice bread mamaya pag uwi para may baon ako bukas na snacks.

Alas otso sa umaga hanggang alas kwatro y media ang aking oras sa trabaho, kaya wala pang alas kwatro ay dapat tapos na ako sa aking ginagawa para mga bagong reports lang aking problema bukas. Lumapit sa akin si Mang Jose isang konsehal.

"bakit po?"tanong ko pagkalapit niya.

Napakamot siya sa kanyang ulo "pasensya na monic, pwede imo ning ehatud ilang Beth?..e agi lang nig uli nimo"

"para saan po ito?"

Kinuha ko sa kanyang kamay ang isang folder na may lamang kasulatan kaya binasa ko muna. Tungkol lang pala sa senior citizen funds ditto sa barangay namin.

"ako na ang bahala Mang Jose"

"sige salamat monic, amping sa imong pag uli"

Nung lumabas na si Mang Jose ay nag simula na akong mag ayos ng gamit para umuwi na. Nag paalam na ako sa mga tao nandoon.Pagka labas ko ng barangay hall sakto may dumaan tricyle, hindi na ako kailangan mag antay ng matagal.

"sa balay nila Aleng Beth kuya"

Kilala si Aleng Beth dito dahil siya lang naman ang president ng senior citizen sa aming barangay.

Binigay ko sa driver ang bayad at bumaba na. Nasa gilid lang ng kalsada ang bahay nila, nag doorbell ako ngunit walang sumagot. Sinubukan kong kumatok sana sa gate , pero pag hawak ko ay bukas ito kaya pumasok na lang din ako at doon na lang kumatok sa may pintuan.

Doon ako diritsong pumunta sa likod ng kanilang bahay, Bukas ang kanilang pinto . Kumatok ako ngunit wala paring sumasagot sa akin. 

Pumasok na lang ako.

"tao po! Aleng Beth?"

"tao po!"

Babalik na lang ako bukas dito, mukhang walang tao.

Papalabas na sana ako ngunit may nahagip ang aking mata, isang paa na malapit sa may hagdan, kaya sinilip ko. Nung nakarating na ako malapit sa hagdan ay nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Nakahandusay si Aleng Beth na duguan.

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon