8

2 0 0
                                    

Gulat akong napatingin sa kanya at umiling "hala wag nah!" habang kinakaway ang aking mga kamay sa kanyang harapan. Nagtataka ang kanyang mukhang nakatingin sa akin 

"ahmm, what I mean is... thanks for the offer but it's really ok, you don't have to" hilaw akong ngumiti sa kanya at nag mamadaling umalis para bumalik sa kusina.

Nilagay ko sa lababo ang walang laman na pinggan nung afritadang unang hinanda sa labas at kinuha ang adobo para e refill. Dahan dahan ulit akong naglalakad para hindi matapon. Baka madumihan ulit itong suot kong dress, hindi pa naman ako kumain.

Dumaan ako malapit sa pwesto naming nila papa "monica kumain kana,si kiko na ang papalit sayo" aya ni papa sa akin "ok lang pa, kakain na ako pagkatapos nito" at linagpasan na sila.

Pagkatapos kong e refill ang adobo ay bumalik din ako kaagad sa kusina. Huhugasan ko na sana ang mga pinggan sa lababo nang pigilan ako ni mama "ako na diyan monica, kaon adto sa lamesa" ngumuso siya sa dining area ng bahay.

"doon na lang ako sa labas kakain ma, nakakahiya kaya" hinampas ako ni mama sa kamay, kaya napadaing ako "ditto na lang , diyan din naman kami kumain. Kumuha ka na lng ditto sa kusina ng pagkain" at nag simula na siyang mag hugas.

Abala ako sa pagkuha ng pagkain nang bigla akong tinawag ni mama "Monica" lumingin ako sa gawi niya "po?"

"sumabay ka na sa akin umuwi, baka kasi matagalan ako dito"

 "alam na po ba nila papa ma?" tanong ko sa kanya.

"oo sinabihan ko na"

"sige po"

Naglalakad na ako papunta sa dining table na may narinig akong nag tatawanan kaya sinundan ko ang ingay. Napadpad ako sa kabilang side ng bahay at nakita ko ang malaking pool kaya sumilip ako, nakita ko ang mga barkada nung anak ng may ari.

 Nagkibit balikat lang ako at naglakad pabalik sa dining area, nang biglang may bumunggo sa akin kaya natapon ang dala kong pagkain at lumikha nang malakas na ingay ang pagkabasag nung dala kong plato.

Napatingin ako sa aking sarili, na saakin ang lahat na pagkaing natapon. Kung minalas ka naman!

"shit! I am sorry miss...shit! Shit!" walang tigil na mura nung lalaking naka bunggo sa akin. Narinig kong nag sipuntahan sa amin ang mga tao sa pool, pasalamat ako malayo itong bahagi na ito sa party at sa kusina at kami lang tao ditto.

"what happened?" tanong ng babae na hindi ko kilala, hindi na din ako nag abala na lumingon sa kanilang gawi at nag madaling lumuhod at pinulot ang mga natapon na pagkain sa aking damit at sahig. Baka pagalitan kami ni mama nito, naka basag pa naman din ako.

May biglang humablot ng aking kamay, dahil sa lakas niya ay napatayo din ako.

 Sa paglingon ko sa taong humablot sa akin, isang pares ng itim na mata ang aking nakita. Mata na para bang malulunod ka at hindi na makakaahon kapag tumitig ka ng matagal doon.

"let the maids do that, just.." tiningnan niya ako ulo hanggang paa "come with me let's clean you up, woman" hihilain sana niya ako palayo doon ngunit inagaw ko sa kaniya ang aking kamay.

"no need to call a maid, I can clean this up..sir, and... I'm sorry for what happened" yumuko ako at lumuhod ulit .

Nilagay ko sa aking kamay ang mga napulot kong pagkain, kinuha ko din ang mga nabasag na plato para sana itabi sa gilid at kukuha pa ako ng walis. Dahil sa may laman ang aking isang kamay, ang aking pinulot na basag na plato ay nadulas .

Akmang kukunin ko ulit ang plato ngunit may pumatak na dugo sa sahig. Na alerto ako dahil pag angat ko sa aking kamay may maraming dugo ang lumabas at tumutulo. Nanginginig na ako dahil sa takot.

"D-dugo" mahinang sambit ko.

Haggan sa dumilim ang aking paningin, bago ako nawalan nang malay ay may mga bisig na sumalo sa akin.

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon