2

4 0 0
                                    

Hindi kami natulog ni kiko kakaantay kailan matapos ang pag ulan. Si mama nakatulog kakaiyak kagabi. Dito sa amin nakitulog ang pamilya ni mang roland, pinsan ni papa na isa din mangingisda na ang bahay ay malapit sa dagat.

Doon naming pinatulog sa isang bakanteng kuwarto na ginawang tambakan ng gamit, ngunit pwede pa naman matulugan.

Nandito parin ako malapit sa bintana namin, nag babakasakali na dumating si papa . Mag damag akong nag dasal na sana hindi si papa ang nasa balita .

"ate" napalingon ako sa boses ni kiko na tumawag sa akin, tumabi siya sa akin kaya umayos ako ng upo. "kape ka muna ate" ibingay niya sa akin ang kapeng ginawa niya.

Dinama ko sa aking kamay ang init ng hatid ng kape , na sana maibsan ang kaba at takot bigay ng malamig na panahon.

ngunit alam kung hindi .

Napayuko ako at nag simulang umiyak. Naramdaman ko na lang ang yakap ng aking kapatid , ako nga ang panganay pero mas malaki pa ito sa akin kaya minsan napag kamalan pa akong bunso sa pamilya.

Isinandal niya ang aking ulo sa kanyang dibdib habang umiiyak parin. Ganoon ang posisyon naming hanggang sa tumigil din ako sa pag iyak.

Inilayo niya ang aking mukha at hinawakan ang aking magkabilang pisngi at pinahid ang mga natirang luha doon. "bati nakag nawong ate"bigla niyang sabi habang tinitigan ako

kaya binatukan ko.

Nagawa pang mag loko

"ate naman, masakit yun" ngiwi niya kaya inirapan ko "alam mo panira ka palagi eh, kaya wala kang jowa sa lagay mo nayan , isip bata ka kasi"sabi ko sa kanya habang ininom ang kape.

"grabe ka ate, 'di pwede na ayaw ko lang talaga...tsaka wala Karin namang jowa ah!"

Tinitigan ko siya "kasi nga tumutulong ako sa pag-aaral sayo"pinag taasan ng kilay.

Napalingon kami sa kuwartong bumukas akala naming si nanay , si manong Roland lang pala. Napatingin ako sa orasan , alas sinco na pala ng umaga. Siniko ko si kiko kaya agad siyang napatingin sa akin.

"ano ?" habang hinihimas ang parte kung saan ko siya siniko

"timplahan mo ng kape si Mang Roland at bigyan mo ng tinapay"

Tumayo kami at pumunta sa kusina. Hinugasan ko ang pinag gamitan ko ng kape. Abala na man si kiko pag timpla .

"Mang Roland napaaga po kayo ng gising ? si aling este at mga bata ho?" tanong ko ng papasok si Mang Roland sa kusina. Umupo siya sakto tapos na mag timpla si kiko kay binigyan ko ng tinapay.

"adtuoon nako ang balay , tan awon unsay naguba, natug pa silang Este"

Napatango na lang ako. Nag saing na lang din ako baka kasi babangon na sila mama at aleng Este at mga bata. Sakto may bigay na preskong isda sila Mang Roland kagabi yun na lang ang lulutuin kong ulam.

Sinama ni Mang Roland si kiko para tumulong na din. Busy ako sa pag luluto ng ulam ng lumabas si mama na mapula ang mata dahil sa kakaiyak kagabi. Umupo siya kaya binigyan ko ng tubig.

"ano ang balita nak?"

Pinatay ko na ang stove tapos na din na man ako mag luto ng kanin at ulam , umupo ako sa tabi ni nanay at niyakap siya ng mahigpit, niyakap niya din ako pabalik ngunit hindi kasing higpit ng yakap ko sa kanya.

Sumilip ako sa pinto namin ditto sa kusina. Nag papasalamat ako ay tumigil na din ang ulan.

"ganon parin po ma, tsaka ditto natulog sila Mang Roland kagabi nakatulog napo kayo kakaiyak kagabi ma kaya hindi niyo sila naabutan"

Nagtatakang tumingin sa akin si mama "saan mo pinatulog?"

" sa bakanteng kuwarto ma, e dun sa kuwarto ko maliit lang tapos dun kay kiko makalat"

"sa kuwarto mo na lang sana pinatulog kahit si este man lang may dalawang bata yun"

Napa buntoong hinga na lang ako at niyakap ulit si mama "nilinis din naman namin ni kiko ma, hindi naman yun masyado marumi nililinisan ko din naman yun minsan"

Tumango na lang si mama, wala na man siyang magawa eh tapos nah.

"saan si kiko?"

Sabay kami napalingon ni mama doon sa sala namin.

"Atee!"

Tumayo kami ni mama at pumunta sa may sala, dahil sa lakas ng boses ni kiko. HIhingal siya nung Makita naming kaya pina upo ni mama muna .

"nganong nag siyagit ka kiko, sayo sa buntag!" saway ni mama sa kanya, pero parang walang narinig si kiko sa sermon ni mama.

Kumuha ako ng tubig at binigay sa kanya.

"buhay si papa"


Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon