27

1 0 0
                                    

"I'll call again later" pa alala niya sa akin bago ako pumasok sa trabaho.

"ok po. Salamat , ingat ka"

Pinakita ko sa guard ang I.D ko at dumiritso sa locker room para mag palit sakto naabutan ko si ate Donna na nagpapalit din, same station lang din namin siya ni Elisa . Roomate din sila nila Elisa , Nika si ate Donna actually apat dapat sa isang kwarto at yung pang apat ay ako kapag naka lipat na ako.

"Good morning ate" batik o sa kaniya.

Lumingon siya sa akin "oyy good morning din"

Hindi na kami kailangan ng cr para mag bihis kasi hiwalay naman ang mga lalaki sa amin. Nag palit lang ako nung white t-shirt bago mag lab gown , hairnet , boots ,at gloves. Nilagay ko na lang sa bag ang aking ginamit na t-shirt bago nag apron.

Nagtatali ako sa aking apron ng bigla akong kalabitin ni ate Donna kaya napatingin ako sa kaniya.

"may sinabi si Elisa sa amin ni Nika kagabi nung pauwi daw kayo"

"ano naman po ang sinabi ni Elisa sa inyo?"

"may boyfriend daw ikaw na mayaman at guwapo" may halong kilig pa siya pagka sabi niya sa guwapo.

Bigla kong na alala ang pag pakilala ko kay Hiro ni Elisa, hindi ko pala nasabi na hindi ko siya boyfriend , bigla lang kasing tumakbo.

Flashback

"Elisa si Hiroshi nga pala" pakilala ko.

Humarap ako kay Hiro "Hiro si Elisa nga pala workmate ko and future roommate"

Nilahad ni Hiro ang kanyang kamay medyo nahihiya pang inabot ni Elisa ang kamay niya, pero alam ko kilig na kilig nayan lalo na kaharap ay guwapo.

"Hi! Hiroshi Kagasaki by the way"

"Hello! Elisa Montebon , nice to meet you po"

"Likewise"

Nag bow pa si Elisa bago niya ako hinarap "oy Monic una na ako ha, nag hintay na sila sakin . Ingat kayo ng jowa mo, bye" at bigla na lang siya tumakbo.

Hindi ko pa naman nasabi na hindi ko to boyfriend.

Agad akong napa iling sa sinabi ni Donna "hala ate hindi ko yun boyfriend, sasabihin ko nga na kaibigan lang pero bigla naman po tumkabo si Elisa ayun...ano-ano ang pinag sasabi" napa irap na lang ako na wala sa oras.

Lagot talaga sakin ang babaeng yun.

"oyy defensive siya, baka ayaw mo lang talaga ipa alam samin ha" tinusok tusok pa ni ate ang aking balikat.

"Hindi talaga ate promise, mabait lang talaga yung tao tsaka ako magustuhan nun?...hindi naman ako maganda"

"talaga lang ha"

"talagang talaga ate"

Pagkatpos naming mag usap ni ate ay dumiritso na kami sa trabaho, focus lang kami sa aming ginagawa hindi naming namalayan na lunch break na pala. Sabay kami ni Elisa sa pag luch ulit.

Pagkalabas naming sa working station ay hinatak ko papalapit sakin si Elisa.

Bumulong ako sa kaniya "hoy anong kinuwento mo nila ate Donna ate Nica kagabi?"

"ha? Anong kuwento?" patay malisya niyang tanong.

"yung tungkol kay Hiroshi, pinagsasabi mong boyfriend ko yung tao eh hindi naman."

Gulat siyang bumaling sakin "hindi pala? Mukha kasi kayong mag syota tsaka bagay naman kayo"

Himanpas ko siya sa braso "anong bagay, pinsan yun ng kaibigan ko na anak ng may-ari dito"

"si ma'am Celestine ba ang ibig sabihin mo?" Tumango ako bilang pag sang-ayon. "hala bigatin pala mga friends mo, mayayaman"

"Swerte lang, pakilala ko kayo nila ate if dumating na siya dito."

Madali lang ang daloy ng oras. Nag unat ako sa aking kamay papuntang locker para mag bihis na hindi ko na hinintay si Elisa kasi busy pa makipag chismisan pagkatapos naming mag linis sa station.

Patapos na ako ng biglang mag ring ang aking cellphone kaya dali ko itong sinagot.

[hello? Hiro?] tanong ko sa tumawag, hindi ko kasi tiningnan ang caller ID.

Nag loud speak ako at nilagay ito sa ibabaw ng locker habang nag tutupi pa ako sa labgown ko.

[I'm outside] sagot sa kabilang linya.

Dali akong nag sukbit sa bag at kinuha ang cellphone sa taas ng locker at kung minalas ka naman nabitawan ko ito. Napa sigaw pa ako , nag sorry ako sa ibang empleyado na napatingin sakin.

Pinulot ko ito at sinuri, baka bibili na lang ako sa una kung sweldo ng bago atleast para na rin sarili ko.

Shit basag ang screen

Pa alis na ako nung pumasok si Elisa at Nica sa locker room. Nagpa alam na ako sa kanila at lumabas agad para hindi na mag antay masyado si Hiro sa akin , nakakahiya kaya ako pa ang sinundo ako pa itong hinhin yung kilos.

Pagkalabas ko sinuri niya ako "what happened back there?, why did you shout?"

Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko 

"na basag".

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon