3

4 0 0
                                    

"buhay si papa"

Nabuhayan kami ni mama na malamang ligtas ang papa. Pinapasalamat ko sa diyos na buhay siya. Sa sobrang kasiyahan napaiyak ulit si mama kaya inaalo naming ulit ni Kiko. Sobrang emotional din kasi itong si mama.

"saan mo nalaman na buhay si papa?" tanong ko kay kiko

"pumunta ang mga tanod sa mga kabahayan malapit sa dagat ate, tiningnan kung ano ang mga sira o baka daw may patay....tapos nakita nila kami ni Mang Roland kaya naalala nila na tumawag si papa kagabi nandoon siya sa kabilang barangay...pina pasabi na maayos lang daw siya"

Tumango na lang ako.

Kumuha ako ng panibagong tubig para ibigay kay mama, sakto din na gumising na sila Aleng Este tsaka ang kambal niyang mga anak. 

"maayong buntag Aleng Este!" masayang bati ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin "maayong buntag pud"

Hinalikan ko sa pisngi ang dalawang bata at kiniliti kaya tawa sila ng tawa. Wala naman sa pamilya namin ni Mang Roland at pamilya nila Aleng Este ang kambal , ngunit binayayaan sila nang kambal na lalaki na sobrang cute at guwapo.

Kasama ang dalawang bata pumunta ako ulit sa sala para ibigay ang kinuha kong tubig kay mama.

"kiko puntahan mo na si Mang Roland , sabihin mo kakain na" utos ko sa kaniya.

Tumango lang siya at umalis. Iniwan ko si mama at Aleng Este sa sala para din mag usap silang dalawa, nandoon din ang dalawang bata nag lalaro. Nag hain na din ako ng kanin at ulam , nalagay ng mga plato , baso , kubyertos tsaka tubig.

Masaya kaming nag agahan dahil na din sa balita na buhay at ligtas si papa, sabi ni Mang Roland hindi din daw nasira ang bahay nila, may konting sira ngunit sa may labahan lang . Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinag gamitan naming habang tinulungan ni mama si Aleng Este sa pagpapaligo sa dalawang bata, at si Kiko ay sumama ulit ni Mang Roland.

Isang buwan na ang lumipas matapos ang bagyo. Sa araw na nalaman naming na buhay si papa ay nakauwi siya tanghali na. Balik kami sa normal naming pamumuhay. 

Mangingisda si papa tuwing madaling araw, tapos si mama ang mag bebenta sa kanyang mga huli. Si kiko balik studyante , ako naman ang mag bebenta sa mga gulay at kapag araw ng biyernes at sabado dun naman ako sa barangay at si kiko ang papalit sa akin basta sabado sa pag titinda.

Araw ng sabado kaya nag handa na akong pumunta sa barangay. Nag suot lang ako ng lumang pants tsaka uniform namin sa barangay na polo shirt, nag braid na din ako ng buhok para hindi sagabal kapag nag encode na ako sa mga reports nila na kailangan pa pirmahan sa kapitan .

Palabas na ako sa bahay na biglang huminto si Mark sakay sa kanyang motor. Napangiti ako dahil hindi ko kailangan mamasahe papuntang barangay.

"Magandang umaga labs!" masiglang bati niya, sinirado ko muna ang bahay bago siya nilingon.

Tinawanan ko siya nung lumingon na ako kaya yung mukha niya parang nagtataka . wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Umayos ako ng tayo bago nag lakad papunta sa kanya.

"magandang umaga din sayo makky!" 

Binigay niya sa akin ang extrang helmet at umayos ng upo sa kanyang likuran. Sinabihan ko siya na dumaan muna sa palengke, puntahan ko muna si mama.

"nganong ning katawa ka ganiha oy" tanong niya sakin

"gahi kaayo ka mag tagalog " at tumawa ulit . Hindi ko man kita ang mukha niya alam kung nakabusangot siya.

Kababata ko si Mark pero tinatawag ko talaga siyang makky noon kaya hanggang sa lumaki kami ako lang talaga tumatawag sa kanya na Makky, tawag naman niya sa akin labs. Maraming babae ang nahuhumaling ditto, e sa guwapo kasi nito tapos matangkad at mabait pa.

Bunos na lng dahil may motor at trabaho siya.

Hindi ko 'din alam kung bakit walang girlfriend.

Madali lang kami nakarating sa merkado . Pinuntahan ko ka agad si nanay para mag paalam at binigay sa kanya ang susi nung bahay. Sumaglit din ako kay kiko kung na benta ba niya ng maayos yung mga gulay.

"kiko marami ka nabang nabenta?"

"medyo ate..wag kang mag alala, gagamitin ko ang charms ko para mas madami pa tayong ma benta" nag wink pa sa akin.

Inirapan ko lang.

"ikaw na bahala diyan"

Tumango lang siya sa akin at kumaway nung paalis na ako. Dali-dali akong bumalik kay mark kasi babalik pa yun sa syudad para mag trabaho. Nang makalapit ako ay binigay niya ulit ang helmet tapos umayos ako ng upo sa kanyang likuran.

Wala pang 10 minutes nakarating na kami sa barangay hall.

"salamat sa paghatud makky" binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Ngumiti din siya at tinitigan ako, kayo kumunot ang akong noo't nag tataka.

"bakit?..may dumi ba ako sa mukha?" dali-dali kong kinuha sa bag ang aking pocket mirror baka may dumi ako sa mukha, ngunit wala naman.

Tinawanan lang ako ng mokong kaya sinapak ko sa balikat. Akala nang lahat ay mag nobyo kami ngunit hindi. 4th year high school kami nun nag try kami na mag on, pero kahit anong gawin namin walang spark eh, kaya tinigil namin. Hanggang kaibigan lang talaga kami.

"ang cute mo" 

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon