21

1 0 0
                                    

"wow"

yun ang unang salita lumabas sa aking bibig dahil ang ganda talaga. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako makakatira sa isang condo na ganito ka ganda. Iba't ibang shade nang blue at puti ang kulay sa buong condo ni Celestine, kaya ang gaan sa mata.

Naranasan ko din naman matulog sa isang hotel o resort pero hindi kasing ganda nito.

Sumunod lang ako kay Hiro papunta sa isang kuwarto at binuksan niya yun. "This gonna be your room for a month" hindi malaki ang kuwarto ngunit hindi din maliit sakto lang sa akin. May isang single bed , sofa , side table, may sariling table with chair, salamin at cabinet.

Pumunta ako malapit sa kama at binagsak ang aking katawan , napa hagikhik ako dahil sa lambot nung foam " ang lambot! Ang sarap matulog araw-araw dito" para na akong bata sa hitsura ko ngayon.

Sa ganon posisyon ako nadatnan ni Hiro nung hinatid niya sa kuwarto ko ang aking mga maleta , kaya mabilis akong bumangon para tulungan siya.

"you like it?" tanong niya sa akin

Tumango ako at ngumiti "oo, sure akong masarap ang tulog ko ngayon sa ganda pa naman nung kuwarto , plus ang lambot nung foam"

"I'm glad you like it, so uhm...I need to go so that you can take a rest and lock the door"

"salamat talaga ngayong araw dahil pinasyal mo ako at pati na din sa tulong mo , wag kang mag alala kapag may pera na ako babawi ako sayo"

"you don't have to, it's Celestine's request to tour you around, so it's fine"

Hinatid ko na siya sa pintuan ng bigla kong ma alala yung bracelet para sa mommy niya, kaya napasampal ako sa aking noo

"wait ka lang dito may kukunin muna ako sa kuwarto ...diyan ka lang ha, wag kang aalis"

Kumot noo siyang tumango sa akin, dali akong tumakbo papuntang kuwarto at hinalungkat ko ang aking bag para kunin yung pouch at bumalik ulit sa may pinto. Pagka dating ko ay binigay ko sa kinya.

"para sa mommy mo, hindi man yan galing sa mamahalin pero gawa yan na may pagmamahal"

Napangiti siya pagkakita niya sa pouch at tumawa, kaya sumimangot ako

"seriously? This pouch?" tinaas pa niya ang pouch

"ang guwapo mo palang ngumiti noh dapat ngumiti ka palagi....ganito ohh" ngumiti ako ng todo sa kanyang harapan bahala na.

Tinuro ko ang pouch "yan lang yun mura at cute eh, paki mo ba!, sige na umalis kana!" pangtataboy ko sa kaniya , tinulak ko pa siya para mka labas siya ng tuluyan sa pinto.

" e sisira ko na sana ang pinto ng bigla siyang mag salita "thank you for this, don't forget to lock the door"

 "one more thing, about earlier when we pray at the shrine you ask me what was written in the paper right?" tumango ako sa kanya at medyo nilakihan ang pag bukas nung pinto .

"It means youre lucky this year... goodnight Monica"

At tuluyan na siyang umalis.

Tulala akong bumalik sa loob at umupo sa pang isahang sofa sa sala. Hindi ko parin ma process ang sinabi niya na suwerte ako ngayong taon, pero meron paring pag dududa. Tayo lang mga tao ang gumagawa ng ating suwerte sa buhay, kung mag susumikap o tutunganga na lang.

Pumasok ako sa kuwarto, na aking maging sandalan sa loob ng isang buwan. Nilagay ko sa cabinet lahat ng aking gamit at inayos yun bago ako nag pasyang maligo. Ang lagkit ko na sa haba ba naman ng biyahe at yung ilang oras na pamamasyal naming.

Matapos kong gawin ang dapat gawin ay sumalampak akong humiga sa kama at tuluyan nang dinalaw ng antok.


Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon