30

1 0 0
                                    

Kinain ko ang luto niya at nag madaling nag toothbrush para maka alis na muntik ko ng makalimutan hindi na pala ako susunduin nun kaya hindi na akong nag abalang mag hugas. Medyo kinabahan pa ako mag commute pero laban parin. Pagkdating ko sa factory saglit na hi and hello lang bago nag focus na sa kanya- kanyang trabaho.

Sa nag daang dalawang araw, walang ganap masyado sa trabaho ilang chismis lang ganon at inaya akong gumala sa day off, pero sinabi ko lang na kailangan ko mag linis sa bahay na tinirhan ko. Pasalamat din ako dahil humupa na yung tungkol sa amin ni Hiro at hindi na sila nag tanong pa.

Araw ng day off at late na akong gumising para bumawi ng tulog. Agenda ko ngayon ay mag linis at mag laba. Nag saing muna ako ng kanin habang hinintay maluto ay nag linis muna ako sa kuwarto hanggang living room. Pagkaluto ng kanin ay nag luto lang ng pancit para umabot na mamayang tanghali.

Bago ako kumain ay binabad ko na sa sabon ang mga t-shirts ko at sa tubig na mn yung iba. Nag pa music ako sa aking cellphone para hindi boring kumain mag isa.

"Pagkatapos mag laba ano kaya ang magandang gawin?....ah! tatawag doon sa Pinas at ni Celestine"

Hinugasan ko na ang aking pinagkainan pagkatpos ay nag simula ng mag laba para maaga akong matapos at mataas pa ang sikat ng araw. Umabot din ako ng isang oras sa paglaba bago natapos.

Kinuha ko ang lumang laptop ko na college pa nabilli, para tumawag nila mama. Habng nag hihintay na sagutin nila ang tawag ay kumuha muna ako ng tubig sa kusina at sakto pagbalik ko ay mukha ni mama ang nakita ko agad.

[Monic anak kamusta ka ara! Miss na kita anak] bungad ni mama sa akin kay medyo natawa ako kasi para luluha na siya eh.

Umupo ako ng maayos at nilagay ang laptop sa aking hita [ Hi ma, I mis you too! Pero bakit wala kayo sa merkado?] taking tanong ko sa kanya dahil bahay naming yung background , sa mga oras na ito nasa merkado si mama.

[sumakit kasi likod ko kanina nak kaya hindi ko muna pinatinda ng mga gulay, siya pumalit sakin sa isdaan ngayon]

Nag alala na ako sa kalagayan ni mama. Mag iipon talaga ako para makapag negosyo ako bago umuwi para hindi na nila kailanagn magtinda at mangisda.

[eh si papa saan?]

[doon tinutulungan si kiko, pero uuwi din yung para mananghalian at palitan si kiko doon para mananghalian din.]

[paano yan ma malapit na pasukan sino magtitinda sa mga gulay?]

[wag kang mag alala ako na bahala diyan. Ikaw? kumakain kaba ng tama? Kamusta ang trabaho?]

Napangiti na lang ako para hindi tumulo luha ko dahil sa lungkot na wala sila dito. Di bale kapag ako nagka pera papasyal ko sila dito.

[oo busog ako palagi wag ka mag alala tsaka masaya sa trabaho kasi ang babait nila. Pero ma ang ganda ditto sa Japan ma, kapag nagka pera na ako punta kayo rito...ay ma naa koy pakita nimo wait lang!]

Nilapag ko muna ang laptop at nag madaling pumunta sa kuwarto kinuha ko ang kokeshi dolls at bumalik sa sala ulit.

Pinakita ko sa screen ang dolls [ awa ma ako nag design ana ang ganda diba]

[bili mo nak? ang ganda] manghang sabi niya.

[oo mama nung namasyal ako , itong isa dalhin ko diyan pag uwi ko at itong isa ay ibigay ko sa kaibigan]

[masaya ako nak nan aka punta ka diyan, sabihin mo sa kaibigan na tumulong sayo na sobra ang pasasalamat naming sa kanya.]

[opo ma makakarating yan kay Celestine ]

[ o siya mag luluto pa ako ng ulam tumawag ka na lang ulit nak. I love you, amping ka dira]

[bye ma I love you, kamo pud dira]

Pagkatapos ng tawag ay nag chat ako kay Makky na pwede ba siyang tawagan at sakto off din daw niya nagyon.

[makkyyyy] sigaw ko nung sinagot na niya ang tawag kay tumawa siya

[miss mo na ako agad labs? Kamusta?]

[gwapa gihapon] sabay flip hair

Nag snob lang ang bwesit kaya ako nanaman ang tumawa ng malakas.

[wow ha sungit? Way angay Makky , ikaw dira kamusta naman?]

[aw unsa man diay gwapo gihapon] sabay kindat kaya nag kunwari akong nasusuka bago kami sabay na tumawa, na miss ko to yung kagaguhan naming.

[bitaw labs ok ra imong trabaho dira? Wala pay nag nanguyab nimo?]

[ok ra man buotan akong mga kauban sa trabaho nya as always single parin]

Tumawa lang siya [ naa koy pwede ma uyab dira?]

[sus ikaw gyud, mag send ko og fb niya wag kang mag alala mabait ito at maganda]

[the best ka labs, labyo] tsaka siya nag thumbs up.

[sige Makky kailangan ko mag cr tatawag na lang akko ulit kapag off ko, send mo sakin day off mo para alam ko rin. Okiee bye]

[ok labs amping ara.]

Agad akong tumakbo sa cr pagka off nung tawag kasi ihing ihi na ako. Pagkabalik ko nag off na ako sa laptop at pumuntang kusina para kumain ng tanghalian. Pagkatapos kung kumain ay nanuod lang ng tv.

Hindi ko namalayn na nakatulog pala ako ng ilang oras at alas kwatro nakaya inayos ko na uit ang sofa at binalik ang laptop sa kuwarto. Nanuod lang ulit ako ng tv ng biglang tumunog cellphone ko.

"I'll fetch you at 6, be ready"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon