7

3 0 0
                                    

Tumingin siya sa akin kaya tinitigan ko din. Gusto pala niyang makipag titigan ha. 

Pinag masdan ko ang kanyang mukha. Matangos na ilong, magandang mukha , itim na mga mata na para bang hindi mo mabasa ang ano mang emosyon doon, hanggan sa napadako ang aking tingin sa kanyang mga labi.

'Di siya na ang guwapo.

Tinaasan ko siya ng kilay at ako na ang pumutol nung aming munting titigan. Bumalik na ako doon sa kanila ni papa, maya maya ay dumating na din silang kiko at tony na nag tatawanan. Kinuha ko na lang ang aking cellphone at nag text kay Mark.

To: Makky

May Hiring diyan sa syudad? Mag a-apply sana ako eh.    

Binaba ko ang cellphone habang hinihintay ang kanyang reply, ngunit tumawag siya sa akin kaya tumayo ako at pumunta sa gilid.

[labs, nganong mo apply ka? Abi nako dili ka ari] takang tanong niya sa kabilang linya, sigurado naka kunot ang noo nito.

Bumuntong hininga ako bago mag salita "kailangan kasi eh, mag college na si kiko para akoy gasto sa iya" tumingala ako sa langit at pinag masdan ang buwan.

Full moon

[kung kana imong desisyon , hiring amo company refer kita ayaw kabalaka] napangiti ako. Nagpapasalamat dahil nandiyan si Makky para tumulong. "salamat kaayo labs!" sabay tawa.

[oy naki tawag siya og labs..ibog naka nako noh?]

Napirap ako na walang oras at ngumiti " eww makky, sige tawagan mo na lang ako..mag ready na ako sa aking cv"

[ joke ra gani to, sige mo tawag rako nimo]

Tinapos na naming ang tawag at bumalik nako sa aking upuan. Pagka upo ko ay biglang umilaw ang stage kaya biglang tumahimik ang paligid, lumabas doon ang emcee na bakla, suki sa mga barangay dahil sa husay nya.

"Let's welcome Mr. and Mrs. Kagasaki!.. 'round of a applause please" tumayo ang mga tao kaya tumayo din kami at pumalakpak. Umupo kami ulit at binigay nung emcee ang mic kay Mrs. Kagasaki.

"Good evening to all, I would like to thank for all the people who came tonight and celebrate with us...This party is intended for all of you to show our gratitude for welcoming us in this place with warm welcome, and now the food is ready let's eat everyone!...once again thank you and enjoy the rest of the night!"

Nagsimula nang pumila ang mga tao pati sila papa, mang Bobet , kiko at Tony , pero nag paiwan pa ako dahil ang dami pang tao, hindi naman siguro ako mauubusan ng pagkain. Habang tiningnan ang mga tao na nakapila , biglang sumulpot si mama sa aking likuran at sininyasan akong sumama sa kanya.

"tulungan mo muna kami anak, gutom kana ba?" umiling lang ako at nilagay ang sling bag sa gilid ng pintuan para hindi sagabal.

" ano po gagawin ko ma?" nag hugas ako ng kamay dahil pagkain yung hinahanda nila.

"dalhin mo itong afritada sa labas para mag refill doon sa buffet table, pagkatapos itong adobo naman" tumango lang ako at kinuha ang afritada at lumabas ng kusina. Dahan dahan lang akong naglalakad para hindi matapon ang pagkain, mainit pa naman.

Malapit na ako makarating sa buffet table na biglang may bumunggo sa akin kaya merong natapon sa aking damit, hindi naman madami pero ang init ha! Tangina naman oh!

"ang init!...kuya paghinay pud!" singhal ko sa naka bunggo sa akin hindi ko na siya tiningnan at dali daling pumunta sa buffet table para ilapag ang pagkain . Kumuha ako ng tissue at nilinis ang natapon sa aking damit. May lumapit na tao, kaya dali kong kinuha ang walang laman na afridata at nilagay yung bago kong dala.

"sorry sir, ito po ang afridata" akmang aalis na ako nang bigla nya hawakan ang aking siko, kaya gulat akong lumayo at napatingin sa kaniya "sir bakit?" siya yung lalaki na may itim na mata na anak nila Mr.at Mrs. Kagasaki.

"ahmm..I'm sorry for what happened to your dress, it's my brothers' fault but, he didn't mean to" 

tinuro niya ang kanyang kapatid at mga kaibigan kaya lumingon ako sa gawi nila "sorry miss!" pag hingi nang tawad nung kapatid niya, ngumiti lang ako.

Tumingin ako sa lalaki na nasa aking harapan "it's ok , just a small stain" at pinakita ko sa kanya ang mantsa doon. "just tell him to be careful next time, is there anything else sir?" tanong ko dahil kailangan ko pang bumalik sa kusina para sa adobo.

Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at tumitig sa akin

"I can lend you some of my mom dresses".

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon