5

5 0 0
                                    

Lumipas ang ilang minuto bago ako tumawag ng tulong sa barangay. Kinuha ko ang folder at lumabas ng bahay para doon mag hintay. Diko kayang mantili sa loob na merong patay na katawan.

Diko kayang makakita ng dugo. Takot ako sa dugo.

Marami ang dumating. May mga pulis, ambulansya at mga kagawad sa barangay namin. Tinanong ako ng mga pulisya kung may nakita ba ako, umiling lang ako sa kanila.

"nakisuyo si konsehal sa akin na ehatid itong report tungkol sa funds ng senior citizen kay aleng beth..P-pero pag abot nako k-kana na akong nakit.an" nanginginig kong sabi.

Pagkatapos akong interviewhin ay pina uwi na ako sa amin. Buti hinatid ako ng mga tanod gamit ang kanilalang sasakyan. Hanggan sa pag uwi ay nanginginig pa din ang aking kamay dahil sa takot.

Noong bata ako dahil sa natural na malikot akong babae, ay nasugatan ang aking kamay sa mga kagamitan ni papa sa pangingisda. Malaking sugat aking natamo at maraming dugo na lumabas, dahil doon takot ako sa dugo at nag sanhi ng trauma sa akin.

Kapag nakakita ako ng dugo ay nahihimatay ako, mabuti at hindi yun nangyari pagkakita ko kay aleng Beth kanina, kundi walang tulong ang makapunta doon.

Pag dating naming ay naghintay sa labas ng bahay sila mama, papa at kiko, bakas sa mukha nila ang pag alala. Nag pasalamat ako sa mga tanod sa kanilang paghatid at ngumiti akong lumingon sa aking pamilya. Nung papunta na ako sa kanila upang sila ay yakapin, bigla akong nahilo hannga't nag dilim ang aking paligid.

Minulat ko ang aking mata at pinagmasdan ang paligid, nasa kuwarto ako. Bumangon ako, naligo at lumabas. Pagkalabas ko ay kumakain na sila, kaya umupo ako sa aking pwesto at nag simulang mag sandok ng kanin.

"ok kana anak?" tanong sa akin ni papa

Ngumiti ako "opo pa, malakas kaya itong anak mo" at kumuha ako ng pritong isda.

Dinag dagan ni mama anng aking kanin, kaya napatingin ako sa kanya.

"wag mo akong ma tingin-tingin diyan, alam naming hindi ka pa ok"

Inabot ko ang kamay ni mama sa lamesa at nginitian siya "ma ok lang talaga ako, e tutulog ko lang ito wag kang mag alala"

Tinapik ni mama ang aking kamay "wag ka munang mag trabaho sa barangay bukas, mag pahinga ka at ako na bahala mag sabi sa kanila" kaya tumango na ako at na alala ko ang folder na dapat sana ibigay ko kay aleng Beth.

"ma paki bigay na lang po uli kay Mang Jose ang folder yung bitbit ko kanina" at tumango lang si mama.

" mama wag kanang mag alala, malakas kaya yan si ate ko...ano ate sama ka sa akin meron akong reresbakan" tinaas baba pa ni kiko ang kanyang kilay , kaya hinampas ko.

"anong resbak pinag sasabi mo kiko?" seryosong tanong ni papa.

"wala po pa , joke lang yun mabait ako" ngising sabi niya, kaya tumawa na lang kami ni mama sa mga kalokohan nitong si kiko at kumain na ulit.

Matapos ang ilang araw na lamay ni aleng Beth ay araw ng lunes hinatid na din siya sa kanyang huling hantungan. Napag alaman din naming na ang kanyang bunsong anak ang pumatay sa kanya na ngayon ay pinag hahanap.

Babalik ulit sa normal ang lahat.

Nagliligpit na ako sa mga natirang gulay para umuwi na, saktong dumating si kiko galing skwelahan kaya tinulungan niya ako sa pagliligpit.

Akmang bubuhatin n asana niya ang isang basket ng siling labuyo na sinigawan ko siya "oy kiko ako na mag bubuhat niyan baka madumihan yang uniform mo!" tumingin siya sa akin at umiling "wag na ate kaya ko ito...huhubarin ko na lng itong uniform ko"

Binato ko ng palot nung kinain kong saging kanina , ayon sa mukha na tamaan.

"oops sorry, akala ko basurahan" kaya sumimangot siya "sabing ako na ang mag bubuhat niyan, gahig ulo ha!" kinuha ko ang palot ng saging at tinapon sa basurahan.

"huhubarin ko na lang kasi itong uniform ko ate para hindi madumihan"

"ayaw! kay bati kag lawas" kontra ko sa kanya

"nindot kaha!"

Ngiwi akong tumingin sa kanya "bahala ka"

At hinubad talaga niya yung uniform niya. Maganda ang katawan ni kiko dahil basketball player siya sa aming barangay pati sa school nila, sadyang gusto ko lang talaga siya asarin. Pagkatapos naming mag ligpit at mag asaran ay sabay na kaming umuwi.

Bumili din kami ng tinapay. Kahit anong klaseng tinapay pa yan basta masarap kakainin talaga naming ni kiko.Paborito naming eh.

Nag bayad na ako sa binili naming pagkain na may biglang lumapit sa amin na babae.

Through the Shinto ShrineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon