"Hello? Sino 'to?" tanong ni Charry sa lalaking tumawag sa kaniya gamit ang hindi pamilyar na numero.
Napakunot ang kaniyang noo sapagkat imbis na sagutin ng misteryosong lalaki ang kaniyang tanong ay tumawa ito na parang demonyo.
Papatayin na sana ni Charry ang tawag nang makuha ng lalaki ang atensyon niya sa isang tanong na binitawan nito matapos tumawa.
[Hinahanap mo ang anak mo, hindi ba?] saad ng lalaki na nagpakabog sa dibdib ni Charry.
Paano niya nalaman ang tungkol sa anak niya? May alam ba ang lalaki na ito?
Bago pa siya baliwin ng mga katanungan ay sumagot na si Charry.
"Oo! May alam ka ba? Pwede mo ba akong matulungan?" agad na tugon ng ginang sa lalaki.
Matapos ang tawag na iyon ay lumabas ng silid si Charry. Dumiretso siya sa kusina at doon ay naabutan niya ang kaniyang mister na si Ronald—nagluluto ng kanilang pananghalian.
"Aalis ako, Ronald," saad ng ginang upang kuhanin ang atensyon ng kaniyang asawa.
Bumaling si Ronald kay Charry pagkatapos ay tipid itong ngumiti. "Buti naman at lumabas ka na? Akala ko isang buwan kang magkukulong sa kwarto," anito.
Hindi na ito pinansin ni Charry at dire-diretso na siyang lumabas. Sumigaw si Ronald upang pabalikin siya ngunit tila walang narinig ang ginang.
Ilang oras na ang nakakalipas matapos lumabas ni Charry ay hindi pa siya bumabalik at nag-aalala na ang kaniyang asawa. Kaya naman minabuti ni Ronald na hanapin siya.
Halos libutin na ni Ronald lahat ng maaaring puntahan ni Charry ngunit wala ito.
Tuliro na si Ronald dahil alam nito na may kakaiba na sa kaniyang asawa simula nang mamatay ang kanilang anak halos isang buwan na ang nakakalipas.
Isang oras pa ang nilaan ng ginoo sa paghahanap sa kaniyang misis bago nito mapagpasiyahan na umuwi na ng bahay sa pagbabaka-sakali na nakabalik na si Charry.
Tama nga si Ronald. Dahil pagkauwi niya ay naabutan niya si Charry na nakaupo sa labas ng pintuan nila habang nakatulala.
"Saan ka galing?" tanong ng ginoo matapos maupo sa tabi ng kaniyang asawa ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito.
Makalipas ang ilang araw ay napagpasiyahan ni Ronald na dalhin sa isang Psychiatrist si Charry. Lagi kasi itong tulala, walang emosyon na makita sa mga mata, at tila may sariling mundo.
Buti na lamang ay malawak ang isipan ni Ronald kaya alam niyang hindi dapat binabalewala ang nangyayari sa asawa niya.
"Psychosis, doc?" paglilinaw ni Ronald sa Psychiatrist na nagsabing maaring Psychosis ang nararanasan ni Charry.
"Yes. Psychosis is a condition that affects the way your brain processes information. It causes you to lose touch with reality. You might see, hear, or believe things that aren't real. Psychosis is a symptom, not an illness. It can be a symptom of a mental illness, like schizophrenia or bipolar disorder lalo na kung hindi maaagapan kaagad," pagpapaliwanag ng doktor. "Sabi mo nga, parang may sariling mundo ang asawa mo. 'Yon ay dahil naniniwala siya na buhay pa ang anak niyo at no'ng nakaraan ay umalis siya ng bahay niyo. It's because she believes that the man who called her had kidnapped your son at pinuntahan niya ito," dugtong ng doktor.
Tumingin si Ronald kay Charry na walang ibang ginawa kung hindi ang tumulala sa kawalan, "Dahil ba sa pagkamatay ng anak namin kaya siya nagkaganito?" tanong pa muli ng ginoo.
Tumango ang doktor, "Psychosis can be triggered by a mental illness, a physical injury or illness, substance abuse, or extreme stress or trauma,"
Dahil sa narinig ay hindi na napigilan mapaiyak ni Ronald. Naaawa siya sa kaniyang asawa dahil sobra itong naapketuhan sa pagkamatay ng kanilang anak.
"Magagamot pa ba ang asawa ko, doc?" tanong niyang muli, umaasa na magagamot pa ang asawa niya.
"Of course. But the treatment will depend on the cause of her psychosis. There are so many ways to treat her. Don't worry, gagaling siya. Just always support her."
Matapos ang araw na 'yon ay inumpisahan na ang gamutan na gagawin para kay Charry. Hindi ito magiging madali pero alam ko'ng gagaling ang ginang. Lalo pa at nakasuporta ang kaniyang asawa.
YOU ARE READING
Slice of Life
RandomThis is just a compilation of my short stories I posted on facebook- which are based on my experiences and imagination. Enjoy reading!