Kriminal

8 1 0
                                    

Huminto ang puting van na aming sinasakyan at bumaba ang dalawa naming kasama upang dukutin ang babaeng naglalakad mag-isa rito sa eskinita at kitang-kita ko ang pagpupumiglas ng pang-apat naming biktima rito sa probinsya ng Nueva Ecija.

Nang mawalan ng malay ang babae ay sumakay nang muli ang dalawa sa van at pinaharurot na ito ng driver papunta sa isang abandonadong ospital na siyang pinagdadalhan namin sa mga nakukuha naming mga kabataan.

Pagpasok namin sa isang silid ay iyakan at sigawan ang naririnig ko mula sa mga babaeng nadukot namin.

"Parang awa niyo na po! Pakawalan niyo na kami!" ani ng isang babae.

Tinutukan siya ng baril ng isa sa amin at kasabay noon ay ang pagbabanta niya rito na papatayin siya nito kapag hindi siya nanahimik.

Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

Pinakatitigan ko ang mga babaeng nadukot namin mula sa iba't-ibang lugar dito sa Luzon.

Napakarami nila.

Dinudurog ang puso ko.

Oo, nadudurog ang puso ko sapagkat ayoko ng ganito.

Naaawa ako sa kanila ngunit wala akong magawa kundi ang sumunod dahil papatayin nila ako.

Habang nakatitig ako sa mga ito ay biglang bumalik sa aking alaala ang trahedyang sinapit ko pitong taon na ang nakakalipas.

Seven years ago, ako ang umiiyak sa lugar na ito.

Ako ang nakatali at pinapahirapan.

Ako ang biktima.

Hanggang sa sinama nila ako sa sindikato nila kapalit ang buhay ko.

Bubuhayin daw nila ako kung gagawin ko ang gusto nila na kumidnap ng iba upang ipadala sa Japan at gawing mga bayarang babae.

Gusto ko pang mabuhay kung kaya't pumayag ako.

Alam kong hindi sapat ang aking rason ngunit hindi ko ito ginusto.

Slice of LifeWhere stories live. Discover now