Regrets

7 1 0
                                    

"Pagod ka na ha? Edi maghiwalay na tayo!"

Yan. Yan ang linya na palagi kong naririnig mula sa kaniya sa tuwing nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.

Napakasakit. Sobra. Bakit ba lagi niyang sinasabi na maghiwalay na lang kami kaysa ayusin? Ayaw na ba niya? Gusto na ba talaga niya kaming maghiwalay?

"No, Wade. We'll fix this. Walang maghihiwalay."

Linya na palagi kong sinasabi. I love him so much. Kaya kahit sobra akong nasasaktan sa tuwing nakikipaghiwalay siya dahil lang sa mayroon kaming away ay hindi ako pumapayag. Iniisip ko na lang na kaya niya nasasabi 'yon ay dahil nasasaktan rin siya.

Isang araw, napansin ko na mas lumalala ang pagiging seloso niya. Kahit kaibigan kong babae ay pinagseselosan na. Nakakasakal. Para akong walang kalayaan sa kahit na anong bagay.

Lumala ang aming pagtatalo hanggang sa nasabi ko sa kaniya ang salitang "Maghiwalay na tayo."

I didn't mean it. Nasabi ko ang linya na 'yon dahil baka kapag sinabi ko 'yon ay makipag-ayos na siya. Baka kapag sinabi ko 'yon ay sabihin rin niya ang kataga na lagi kong sinasabi kapag nakikipaghiwalay siya. "No. We'll fix this. Walang maghihiwalay."

But I was wrong. Nagsisi ako na sinabi ko pa 'yon. Because I said "Bye" to hear "Don't go."

But look, he just let me go.

Slice of LifeWhere stories live. Discover now