It's been three years since he abducted me in exchanged for his mother whom my father had killed.
Why did my father kill his mother? I don't know. All I can remember is they called them beast or a monster.
They look different. He looks different—his hair is long, and I think, he's three times bigger than me; he could only speak in a hoarse voice—maybe that's the reason why other people who saw them called them beast.
"Maluluto na ito. Nagugutom ka na ba?" I turned my gaze to him as I heard his husky voice.
My lips twisted into a bittersweet smile as I stood up to walk toward him. "Hmm. Hindi pa naman. I can wait," I answered before looking at what he's cooking.
Sinigang na baboy.
Matapos naming kumain ay nagligpit na ako. Lumabas siya upang mag-alay ng panalangin para sa kaniyang ina.
I feel sorry for his loss. I can see no reason for my dad to kill his mother.
Sa tatlong taon na kasama ko siya ay wala siyang ginawang masama sa akin. Pinapakain niya ako ng tama, may nasusuot ako, naiinom, at ramdam ko ang pag-aalaga niya.
Mabuti siyang tao. Nakakatakot man ang kaniyang anyo pero napakabuti ng kaniyang kalooban.
Noong una ay takot na takot ako sa kaniya. Napaniwala ako ng aking ama na halimaw sila kaya gustong-gusto kong makatakas kahit hindi naman ako nakabilanggo.
Dinala lamang niya ako sa isang tirahan sa gitna ng gubat. Pero hindi nangyari ang inaasahan kong gagawin niya—itatali ako, ikukulong sa isang silid, at papahirapan.
I admit—I had escaped from him many times, dahil natatakot ako sa kaniya at gusto ko nang umuwi, pero dahil nasa gitna kami ng gubat ay naliligaw ako. May araw pa na muntik na akong masaktan ng mga asong-lobo kung hindi lamang siya dumating.
Simula noon, napagtanto kong hindi siya masamang tao kaya naman nagsimula akong magtiwala sa kaniya at nakuha niya ang loob ko.
Maaaring ayaw lamang niyang mapag-isa kaya niya ako kinuha mula sa ama ko. O marahil ito ang ganti niya dahil tinanggalan siya ng karapatan ng ama ko na makasama ang kaniyang ina, kung kaya, tinanggalan din niya ng karapatan ang aking ama na makasama ang kaniyang anak.
"There he is!" I heard a familiar voice shouted. "Shoot him!" he continued before I heard a gunshot.
I hurriedly ran out of the house and I saw my father and my fiancé.
Nabaling ang paningin ko kay Atticus—ang lalaking dumukot sa akin na tinatawag nilang halimaw—na may tama ng baril sa tagiliran.
Tumakbo ako papunta sa kaniya at inalalayan siya.
"Chloe! What are you doing?!" my dad shouted—anger are visible in his face.
"Dad, please, tama na!"
Napalingon ako sa aking fiancé dahil sa mapaklang tawa na narinig ko mula sa kaniya. "Aren't you happy, Chloe? Because finally, after three years, nakita mo na kami. We are saving you!"
Sarkastiko akong tumawa at tumingin sa kaniya. "Saving me?! From what? From him?" Tinuro ko si Atticus na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Yes! From that beast! He's a monster!" sigaw ng aking fiancé.
"He is not! Yes, nakakatakot ang kaniyang hitsura pero mabuti ang kaniyang kalooban. Wala naman siyang ginagawang masama sa atin—" napahinto ako sa pagsasalita nang makaramdam ng parang patalim na nakatusok sa akin.
Napayuko ako at ramdam na ramdam ko ang sakit dahil sa patalim na nakatusok sa akin mula sa likuran.
"Kasalanan mo 'yan. Bakit kasi nagtiwala ka sa akin?" rinig kong sabi ni Atticus na nagpatulo ng luha sa aking mga mata.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at kitang-kita ko rin ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi.
"Chloe! sigaw ni dad at naramdaman ko na lamang na nakaalalay na sa akin ang mga bisig niya.
I can't believe it. I trusted someone I've never met before. I shouldn't have trust him. I'm a fool.
"Pinatay niyo ang asawa ko kaya siya ang kapalit. At oo, hindi ko nanay ang babaeng pinatay niyo nang walang awa, asawa ko 'yon! Kayo ang tunay na mga halimaw! Masyado kayong tumitingin sa panlabas na anyo. Nanghihingi lamang siya ng tulong pinansyal sa inyo para mapagamot ang anak ko. Pero dahil masyado kayong mapanghusga, pinatay niyo siya, sa pag-aakalang sasaktan niya kayo dahil nakakatakot ang hitsura niya—namin!" mahabang litanya ni Atticus na hindi ko na masyadong marinig dahil sa panghihina.
Dinaluhan din ako ng aking fiancé at agaran na binuhat papunta sa sasakyan na dala pala nila.
Pero bago pa man kami makasakay ay narinig kong nagsalitang muli si Atticus.
"Patawad, Chloe. Hindi ka sana madadamay pero dahil ayaw kong magalit ka sa ama mo, trinaydor kita, para sa akin ka magalit," huling mga salita na binitawan niya bago ako mawalan ng malay.
YOU ARE READING
Slice of Life
RandomThis is just a compilation of my short stories I posted on facebook- which are based on my experiences and imagination. Enjoy reading!