Lumabas ako ng bahay matapos matanggap ang text mula kay Ford na nagsasabing nasa tapat na siya ng gate namin.
Pagkalabas ko ay nandoon na nga siya, nakaupo ng bahagya sa kaniyang motorsiklo habang kausap si papa na naglilinis ng kotse.
"Papa," pag-agaw ko ng atensyon niya.
"Ayan ka na pala, Maria. Buti naman at hindi mo pinaghintay si Ford ng matagal. Ang bagal mo pa naman kumilos," sabi niya sabay halakhak na sinabayan din ni Ford ng tawa.
Anong nakakatawa do'n?
Ngumuso ako at nilapitan si papa sabay nagmano sa kaniya. "Alis na kami, pa," sabi ko.
Nagmano din sa kaniya si Ford. "Tito, ako na po bahala kay Maria."
Ngumiti si papa at sinabihan kami ng mag-ingat kaya umalis na din kami gamit ang motorsiklo niya.
Magkaibigan lang kami ni Ford. Bagong lipat sila sa subdivision namin, apat na buwan na ang nakakalipas.
Isang araw, inutusan ako ni mama na dalhin 'yong cupcake na ni-bake niya para kela Ford. Ganon kasi kami sa tuwing may bagong lipat, pa-welcome na rin kumbaga.
Simula noon, naging magkaibigan na kami ni Ford dahil naging magkaibigan din 'yong mga magulang namin.
Matapos ang ilang minuto na pag-biyahe, nakarating na kami sa aming destinasyon.
Memorial Park? Ano ang ginagawa namin dito?
Bumaba si Ford sa motor kaya bumaba na rin ako at hindi na lang nagtanong. Malalaman ko rin naman mamaya kung anong gagawin namin dito.
Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad. Nag-aasaran lang kami hanggang sa huminto kami sa isang puntod. Naupo si Ford sa damuhan na siya ko rin ginawa.
Inalis niya ang mga dumi sa puntod at may kinapa sa body bag na kaniyang dala. Isang kandila at bulaklak.
Nilagay niya sa tabi ng puntod ang bulaklak at sinindihan niya ang kandila. "Hi, ate," sabi niya.
Ate? Binasa ko ang pangalan sa puntod. Faith De Guzman.
De Guzman?
"Ford, kapatid m—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumango siya at tumingin sa akin nang may ngiti sa labi ngunit puno ng kalungkutan ang mga mata.
"She died for about two years ago from now," sabi niya at tumingin ulit sa puntod. "Nagkasakit siya. Brain tumor. Matagal na gamutan din ang ginawa pero hindi na talaga kaya ni ate. She gave up."
Nakita ko na may luhang tumulo sa kaniyang mata na mabilis niyang pinahid. Kinuha ko ang kamay niya na ginagamit niya pampahid sa kaniyang luha at hinawakan 'yon.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
"Alam mo ba'ng hindi nakakabawas sa pagiging lalaki mo ang pag-iyak?"
Matapos kong sabihin 'yon ay niyakap niya ako. Umiiyak siya kaya niyakap ko siya pabalik.
"Ayos lang umiyak. Basta ba after that, magpapatuloy ka ulit sa buhay, 'di ba?" sabi ko ulit at ramdam ko ang pagtango niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid ang luha sa kaniyang mga mata sabay tawa ng malakas.
"Sus, kunwari strong?" sabi ko, pilit pinapagaan ang mabigat na atmosphere na nakapaligid sa aming dalawa.
"Baliw! Hahaha. Ay, ate, si Maria nga pala," sabi niya at lumingon sa akin. "Hi ka naman kay ate."
"Hi po," sabi ko. "Oo nga pala, Ford. Bakit ngayon mo lang siya sakin nabanggit?" tanong ko.
Ngumiti siya at tumingin ulit sa puntod bago nagsalita. "Nangako ako kay ate na ang unang babae na dadalhin ko rito ay 'yong babaeng mamahalin ko hanggat humihinga pa ako," dugtong niya sabay tingin sakin.
"H-ha?" utal kong sabi. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong kumabog ng napakalakas. Sobrang lakas, parang sasabog.
What the heck? Ano 'to?
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Maria, hindi ko alam e. Hindi ko alam kung kailan, bakit, at paano. Alam naman natin pareho na mas lalaki ka pa kumilos sa akin." Tawa niya na nagpakunot ng noo ko sabay hampas sa braso niya.
"Abnormal! Diyan ka na nga. Ginagago mo lang ako eh. Puta." Akmang aalis na sana ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya para yakapin.
"Gago ako pero hindi kita ginagago," sabi niya at kumalas sa pagkakayakap. "Liligawan kita ha?"
"Ayaw ko—"
"Hep! Hindi ako nagpapaalam. Pinapaalam ko. Kaya kahit ayaw mo, wala kang magagawa. Nagsabi na ako kay tito kanina," sabi niya sabay ngisi.
"Puta?"
Isang mura na lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. Pero bakit ganon? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Lumipas ang tatlong buwan na panliligaw sa akin ni Ford. Mas naging sweet siya at pinaparamdam niya talaga sa akin na mahal niya ako.
Nasa Starbucks ako ngayon dahil dito ko siya balak sagutin. Tinawagan ko siya kanina at sinabihan na magkita kami rito dahil nasa bahay siya ng barkada niya.
Halos isang oras na akong naghihintay nang tumawag sa akin si mama.
"Hello, ma?" sabi ko pagkasagot ng tawag.
[A-anak, si Ford] bungad niya sa akin na dahilan para kabahan ako bigla.
Damn, anong nangyari?
"Ma? Bakit ba?" tanong ko, pilit winawaksi ang kaba na aking nararamdaman.
[May tumawag na nurse sa tita mo. Pinapunta kami sa Emergency. Nasagasaan si F-Ford, anak. Sinugod siya rito ng nakasagasa sa kaniya. A-anak, p-patay na si Ford.] Hagulgol ni mama sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Slice of Life
RandomThis is just a compilation of my short stories I posted on facebook- which are based on my experiences and imagination. Enjoy reading!