Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at pagmura na lamang ang aking nagawa nang dahil sa oras na aking nakita.
"Tupang ina! Late again, self? Great!"
Tumakbo na ako palabas ng dorm ngunit siniguro kong nai-lock ko ang pinto bago tumakbo palabas ng gate. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo lang ng tumakbo hanggang sa marating ko ang sakayan ng tricycle. Sumakay ako doon upang magpahatid sa eskwelahan na pinag-aaralan ko.
Nang makarating sa eskwelahan ay tumakbo akong muli matapos kong bayaran ang driver. Takbo dito at takbo doon, wala na akong pakialam kung may mabangga ako.
Nakarating ako sa aming silid-aralan at naabutan kong wala pang teacher.
Ito 'yong nakakagago e. Nagmadali ako at halos madapa sa kakatakbo tapos wala pa palang klase? Yeah, bravo.
Hinihingal na tinungo ko ang aking upuan at alam kong bakas sa aking mukha ang pagkainis.
Sana pala hindi na lang ako nagmadali.
Papaupo na sana ako ngunit bago pa ako makaupo ay pinigilan ako ni Thor kaya napatingin ako sa kaniya at sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Muli ko siyang sinulyapan at tinaasan ko rin siya ng kilay.
Problema nito? Aga-aga, ang wirdo.
"Huwag kang uupo riyan. Nilagyan nila Stacey ng floor wax 'yong upuan mo para pagtayo mo, mukha kang nagkatagos," anito at binitawan na ako sabay talikod. Ngunit bago siya bumalik sa upuan niya ay may sinabi siya sa akin na ikinainit ng mga pisngi ko. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil napigilan kita magkaroon ng fake red stain?"
Matapos niyang sabihin ito ay lumabas siya ng room imbis na maupo sa upuan niya.
Argh! Damn him. Edi salamat, tsk!
YOU ARE READING
Slice of Life
DiversosThis is just a compilation of my short stories I posted on facebook- which are based on my experiences and imagination. Enjoy reading!