We've been together for three years and I'm here, sitting on the bed, watching you packing up your things.
I broke up with you for you to be with her because I want you to be a good father to your future child.
Hinahanap ko ang charger ko nang biglang may tumawag sa phone mong nakapatong sa ibabaw ng kama.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong number lamang ito ngunit kumunot ang aking noo dahil alam ko kung kaninong number 'yon.
Bakit siya tumatawag sa 'yo? Bakit kayo magkakilala?
Bago pa ako malunod sa mga tanong na hindi masasagot kung hindi ko sasagutin ang tawag ay napagpasyahan ko na sagutin na ito ngunit hindi muna ako nagsalita.
[Ian, buntis ako. Magkita tayo, please?] sabi niya sa kabilang linya.
"Lyn?" Walang emosyon kong bigkas sa pangalan niya.
[T-Trina?]
"Just tell me you need me and I'll be running back to you," bigla mong sabi kaya napatingin ako sa 'yo.
Hindi ko man lang napansin na tapos ka na mag-impake at nakaluhod na pala sa harapan ko para magpantay ang mga mukha natin.
"Mas kakailanganin ka ng mag-ina mo," I said and give you a smile.
"We don't have to do this, baby. Kaya kong maging tatay sa magiging anak ko kahit hindi tayo maghiwalay. Ikaw ang mahal ko, Trina, ano ba?" sabi mo at biglang may tumulong luha sa iyong mga mata.
Umiling ako tumingala upang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.
"I know that feeling, Ian. Witnessing your father with his family pero hindi ka kasama. Oo, nagampanan niya 'yong pagiging ama sa akin. Tinustusan niya ako. Pero hindi sapat. Iba pa rin na buo ang pamilya," sabi ko habang inaalala ang aking mga naranasan.
Bunga ako ng pagkakamali at pinili pa rin ng aking ama ang totoo niyang pamilya kaysa sa amin ni mama. Naiintindihan ko naman at nagpapasalamat ako na hindi niya kinalimutan ang mga obligasyon niya sa akin.
"Ayoko maranasan ng magiging anak mo 'yong naranasan ko." Napapikit ako at kasabay no'n ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigil.
"I'm sorry. I was drunk that night," bigkas mo na puno ng sinseridad.
Gusto kitang sumbatan, kasi putangina kahit lasing ka ay alam mo ang ginagawa mo, pero hindi ko ginawa. Wala na akong lakas para makipagtalo pa dahil alam kong nasasaktan ka rin naman.
"Just be a good father to your child. Bigyan mo siya ng buong pamilya," tugon ko na tinanguan mo na nagpadurog lalo sa aking puso.
Tumayo ka at kinuha ang iyong mga gamit. Tinignan mo ako at nginitian kita sa huling pagkakataon ngunit hindi mo sinuklian ang ngiti na 'yon dahil alam kong nasaktan kita sa desisyon ko na ito.
"I know that I can fight for you," bulong ko sa aking sarili nang makalabas ka na.
"Ako nga. Anong kailangan mo?" malamig kong tanong at hindi pinansin ang sinabi niya kanina.
Lumabas ako ng kwarto upang hindi ka magising dahil pagod ka galing sa trabaho.
[Where's Ian? Siya ang kailangan kong makausap,] naiiritang bigkas ng babae sa kabilang linya.
"Bakit? Hindi naman siya ang ama ng pinagbubuntis mo, hindi ba?" sabi ko kahit alam ko nang kasalungat no'n ang katotohanan.
[Siya ang ama ng anak ko! Kaya ibigay mo ang cellphone sa kaniya para magkausap kami!] pagtaas niya ng boses sa akin.
"No. Hindi totoo ang sinasabi mo," pilit ko.
Saglit na natahimik sa kabilang linya at may biglang nagsalita na nagpatayo sa aking mga balahibo.
[Trina,] rinig kong bigkas ng aking ama sa kabilang linya. [Nagmamakaawa ako, anak. Ikaw na lang ang magparaya. Ipapakasal ko si Ian at ang ate mo. Kailangan niyang bigyan ng buong pamilya ang magiging apo ko...ang pamangkin mo, anak. Isa pa, hindi rin naman alam ni Ian ang relasyon mo kay Lyn, hindi ba?]
Parang ulan ang luha ko dahil sa sunud-sunod na pagtulo nito.
Tama siya. Hindi alam ni Ian na ang nabuntis niya ay ang isa sa mga totoong anak ng tatay ko.
"I can fight for you pero kapag sila ang kalaban ay lagi akong talo," napasigaw na lamang ako sa sakit na aking nararamdaman.
YOU ARE READING
Slice of Life
CasualeThis is just a compilation of my short stories I posted on facebook- which are based on my experiences and imagination. Enjoy reading!