Gone Too Soon

5 1 0
                                    

Pinihit ko ang doorknob ng pinto at pumasok sa loob ng silid. Bumungad sa akin ang lalaking nakaratay sa kama ng ospital.

Nilapitan ko siya at nang magtama ang aming mga mata ay ginawaran niya ako ng matamis na ngiti.

Binaba ko ang basket na naglalaman ng mga prutas sa side table at naupo sa upuan sa tabi ng kama na hinihigaan niya. "Maximo," sambit ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya.

Muli niya akong nginitian bago siya sumagot. "Okay lang ako, hon," aniya.

Pinagsiklop ko ang mga kamay namin at hinalikan ko siya sa noo. "Mahal na mahal kita."

Ngumiti ulit siya.  Ngiti na naging dahilan para mahulog ako ng paulit-ulit sa kaniya. "Mahal na mahal din kita, Yazzi."

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay bumalik sa aking isipan ang mga alaala namin. Simula no'ng nagkakilala kami hanggang sa nahulog kami sa isa't isa hanggang sa ligawan niya ako at sagutin ko siya pati kahit no'ng nalaman namin na may bone cancer siya.

"Hon, parating sila mama mamaya," aniya na nagpabalik sakin sa aking sarili.

Tinignan ko siya "Buti naman. May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka? Ano, hon?" sunud-sunod kong tanong.

"Ano iniisip mo?" tanong niya pabalik.

Ngumiti ako at nilaro ang kaniyang buhok. "Tayo. Naalala ko lang no'ng una tayong nagkakilala. Diba transferee ka?"

Tumawa siya at kinurot  ng mahina ang pisngi ko. "Oo. Grade 8 tayo noon tapos nakita kong may tagos ka. Hanep ka rin e. Sinabi ko na nga na may tagos ka pero sinapak mo pa ako," aniya na nagpatawa sa akin.

"Naaalala ko nga 'yon. Kasi naman, sinabi mo nga pero ininsulto mo pa ako, tss. Pinagtawanan tuloy ako ng mga kaklase natin!" sabi ko at inirapan siya.

Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan at tawanan hanggang sa nakatulog na pala siya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Ang laki ng pinayat niya. Hindi ko na siya halos makilala pero 'yong puso ko ay kilalang-kilala siya.

Dinampian ko siya ng halik sa labi. "Mahal na mahal kita, Max," bulong ko. Ngunit kasabay non ang pagdiretso ng linya sa makina na malapit sa kaniya.

Dali-dali akong tumawag ng doktor para mai-revive si Max na siya namang ginawa agad nila.

~•~

"Maximo, mahal ko," naupo ako sa harapan ng puntod niya. Hindi nila nailigtas si Maximo no'ng araw na 'yon at tatlong buwan na ang nakakalipas. "Ang bilis, hon. Wala pa tayo sa kalahati, sumuko ka na."

Pinagtirik ko siya ng kandila at bumulong ng munting panalangin. "Hon. I already miss you. Alam ko'ng masaya ka na at binabantayan mo ako mula sa taas. Siguro mas okay na rin 'to? Para hindi ka na nahihirapan, hon." Tumayo ako at pinahid ang mga luha sa aking mga mata at pisngi. "Wait for me. In heaven, we'll continue our love story."

Slice of LifeWhere stories live. Discover now