Wala akong mukha na maiharap sa mga taong nadaraanan ko.
Nahihiya ako.
Hindi.
Pinapahiya nila ako.
Yumuko ako at sinubukan na iwaksi ang mga masasakit na salitang nanggagaling mula sa mga bibig nila na akala mo ay sobrang perpekto.
"Pokpok."
"Ang bata pa pero nagpabuntis na!"
"Kulang siguro sa aruga 'yang bata na 'yan!"
Ilan lamang iyan sa mga panghuhusga na binabato sa akin ng lipunan.
Bakit ganito? Bakit ganito kung humusga ang mga tao? Hindi naman nila alam ang buong istorya ngunit kung husgahan ka ay parang sobrang makasalanan mo?
Oo, inaamin ko, ginusto ko rin 'to.
Ako'y pinangunahan ng tawag ng laman at hindi inisip ang magiging kapalit ng naging aksyon ko.
Kasalanan ko ito ngunit tao lamang din ako.
Nagkakamali.
Nasasaktan.
At kailangan ng uunawa.
Hindi ng masasakit na mga salita.
At ng mga taong mas hihilahin lamang akong lalo pababa.
YOU ARE READING
Slice of Life
RandomThis is just a compilation of my short stories I posted on facebook- which are based on my experiences and imagination. Enjoy reading!