Chapter 2:Panaginip

95 3 0
                                        

Hingal na hingal na tumatakbo si Eros sa kakahuyan , hindi nya alam kung papano siya napunta doon at kung bakit siya tumatakbo , wala siyang tinatakbuhan pero parang may hinahanap sya.
Patuloy sya sa pag takbo at pagsuyod sa kagubatan ng bigla siyang may narining .

"Eros , malapit mo na akong matagpuan." Sabi ng tinig na nagpakaba sa kanya ,hindi siya natakot o ano man ,sa katunayan ay naakit siya sa tinig na kanyang narinig.

"Sino ka?" Sabi ng binata .walang sumagot . Patuloy sya sa pagtakbo ng biglang umulan , naghanap sya ng masisilungan at swerte namang nakakita siya ng bahay na bato sa gitna ng kagubatan may balon ito sa gilid at madaming uwak na lumilipad , ngunit bago niya matungtong ang pintuaan ng bahay ay may tumawag sa kanya.

"Eros!! Gumising ka."
Maya maya ay nakaramdam siya ng sakit sa kanyang braso.
Hinampas pla siya ng kaibigang si Ram upang magising sa isang panaginip na hindi nya maintindihan.

"Hahaha. buti naman at nagising kana , tara na at kakain , kanina ka pa namin tinatawag nakatulog kana pla at parang nananaginip kapa. Halika na.!"pagyaya ni Ram.

"Oo na eto na."dali dali syang tumayo at pinagpag ang kanyang damit .

"Oh! Ayan na pala si eros! Tara na kumain. Dahil sa hindi ka tumulong sa pagluluto ay ikaw ang magliligpit ng pinagkainan bro. Hahaha . Natutulog ka lang pla. Ang tagal mo."sabi naman ni jev.

"Sige na sige na!" Pag sang ayon nya . Para hindi na humaba pa ang usapan.

Nagtawanan naman ang kaniyang mga kaibigan . Kung hindi nya lang kilala ang mga ito ay iisipin niyang pinagtitripan sya.

Takot ang mga ito sa kanya kahit tahimik sya. Simula bata pa lang ay magkakakilala na sila at masasabi niyang kapatid ang turing nila sa isa't isa.

Nagsimula na silang kumain ngunit hindi parin maalis sakanya na isipin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niya. Iba ang pakiramdam nya.

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon