Chapter 18: spin the bottle part 1

55 4 3
                                        

Papunta kami ngayon sa pinagtayuan ng tent. Sobrang saya ko! As in! Dahil sumama si Nirvana sakin.

Pagdating namin doon ay nagkakasiyahan sila. Umiinom padin sila at naglalaro ng spin the bottle. Wow. Bagong laro. Lakas ng trip.

Nilapitan ko sila. Habang nasa likod ko si Nirvana.

"Uhm? Guys! " bati ko sakanila.
Huminto naman ang mga ito. At naghihintay sa sasabihin ko.

"May ipapakilala ako sa inyo. Hinila ko si Nirvana.

Naka tingin naman ang mga ito at naka kunot ang noo.

"Uhm. She's Nirvana." Pakilala ko. Hindi pa din sila nagsasalita. Parang nagulat sila? Baka isipin ni Nirvana na ayaw nila sakanya!

"Eros, "nanginginig siya.

Tumayo si Cinco at lumapit.

" Eros , tama ka nga . Maganda si Nirvana. Im Cinco by the way. Nice to meet you" thank God. Kinabahan ako doon! Kala ko hindi na siya magsasalita
Tinignan ko naman yung iba.

"Oh! Hi! Jev is the name! And this is my twin brother Fred. Hello Nirvana.!" Nakangiti na ngayon ang kambal at nakabawi na sa pagkabigla.
"Im Karl! Pleased to meet you!" Nakipag kamay naman ito.

Humigpit naman ang hawak ni Nirvana sa akin . Lumingon ako sakanya. Nakangiti siya. Nginitian ko siya pabalik.
Masaya akong napasaya ko siya.

"Eros! Ang ganda niya . Parang diyosa. May boyfriend ka naba ? " pabirong tanong ni ram. Loko tlga. Kainis. May Ara na nga siya e!

Napatitig sakin si Nirvana.
"Ah wala " sabi ni Nirvana.

Sana sinabi mo nalang na ako, na ako ang boyfriend mo. Aish. Mga tanong naman kasi ni Ram. Sa isip isip ko.

"Welcome Nirvana! Wag kang mahihiya. " sabi ni Cinco.

Nagpatuloy naman sila sa kanilang ginagawa.
Kinuhanan ko ng upuan si Nirvana.
At sumali kami sa larong spin the bottle.

Hawak ko pa din ang kamay niya. Ayaw niya akong bitiwan. Parang natatakot pa siyang makisalamuha.

"Sabi ko sayo mababait sila. Wag kang matakot Nirvana" sabi ko sakanya.

"Salamat Eros" sabi niya na para bang naiiyak. Nako. Hala! Pinaiyak ko yata siya.

Nagpunas naman siya ng mata.
At ngumiti.

"tara na start na tayo kuya Eros sumama ka ate Nirvana!" Pag aaya niya dito.

"Uhm sige . !" Naging masigla na siya.
"Sige . Iikot mo na kuya Ram! " sabi ni Karl
tumapat ito kay Cinco.
Hmm? Ngumiwi si Cinco.
Kung si Ram ang magtatanong. Kakabahan talaga ako.

"Ah . Cinco. Hindi ba three years na kayo ni Rein. ? Bakit M.U padin kayo? Hahaha. Hina mo naman." Tanong nito.

Nakikinig naman si Nirvana sa tabi ko.

"dahil sa career niya kaya M.U kami . Mas okay daw muna ang M.U. para hindi ganoon kabigat ang commitment . pero we treat each other as couple. We love each other. Yung label lang tlga. ." Sabi ni Cinco.

"Ow. Okay. Sige ikaw na ang mag ikot Cinco." Sabay bigay ni Ram ng bote.

"Okay. Here we go." Pinaikot na niya ito.

Tumapat ito kay karl.

"Kelan kayo magiging official ni Aurora sa parents mo karl?"
Direstong tanong nito.

Oo nga pala. Hindi sila legal. Kaya patago sila kung minsan , mas matanda kasi si Aurora ng 3 years kay karl.
19 si karl at 22 si Aurora . Pero makikita mo na mahal nila ang isat isa. Age doesn't matter kumbaga.

"pag ka graduate ko , sasabihin namin sa parents ko. Gustong gusto ko na siyang ipakilala . Mapagmahal at maalaga. Sobrang proud ako sakanya. " nakangiti siya habang sinasabi ito.

Iba talaga pag inlove. Nilingon ko si Nirvana at nakatingin din siya sa akin.

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon