Chapter 19:Spin the bottle 2

47 4 0
                                        

Nakatitig pa din siya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso para akong aatakihin sa puso..

Siguradong sigurado talaga ako......
Gusto ko siya. Gustong gusto.
Kahit pa wala akong masyadong alam tungkol sakanya alam kong mabait siya at mahalaga na agad siya sa akin gusto ko siyang protektahan at laging pasiyahin.
Ang corny ko na ata?

Maari nga kaya iyon? Ang magkagusto ka ng Sobra ? Sa maikling panahon? Haay. Hindi ko alam pero masaya ako sa kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.

Unang nag iwas si Nirvana ng tingin.

"Kuya Eros, sayo tumapat. Haha" natauhan ako ng tinawag ako ni karl.

"Ready sa tanong ko kuya Eros??"sabi niya. Wag naman sana kalokohan ang itanong ni karl. Ayokong mapahiya sa harap ni Nirvana!

"Yeah." Sagot ko.
Tumingin din sa akin si Nirvana.

"Sa tingin mo ba dumating na ang taong magpapasaya sayo? " tumatawa niyang tanong tapos tumingin kay nirvana at sakin.

Urgh! Bakit yun pa! Magsisinungaling ba ako o aamin? Baka iwasan ako ni Nirvana pag Sinabi ko.
Bahala na.

"I think, dumating na siya karl." Sabi ko ng nakatitig kay Nirvana.

Nakatulala siya ngayon.

"Ehem! Di lang pala lamok ang meron dito. May langgam din! Ang sweet!!" Sabi ni Jev

"Inggit ka bro?"sabi ni fred.

"Hahah . Di ah! Baka si Ram ang inggit hahahaha. Tignan mo.!" Sabi ni jev.

Nagtawanan naman sila.
Tumayo na ako at hinila si Nirvana.

"Ayoko na nga. Gulo niyo. Halika nirvana doon tayo " turo ko sa tent.

"Oy! Oy! Eros! Bakit sa tent? Dalawa lang kayo? Baka may gawing kang masama kay Nirvana. Sasama ako! Babantayan ko kayo! Mahirap na. " pahabol ni Ram at akmang tatayo na ito.

Green minded. Sarap suntukin.

"Bro! Hayaan mo sila . Ibahin mo si eros ! Hahaha" sabay na sabi ng kambal habang binabatukan si Ram.

"Aray! Ang sakit ha! Malay nyo maakit si eros! Sa ganda ba naman ni Nirvana! Sama ako!" pagpupumilit niya .

Makulit talaga.

"Sa tent lang kami. Malamok jan baka makagat sya. " sabi ko.
Totoo naman e. Malamok doon. Mas okay na sa tent .

Iniwan na namin sila doon at naglakad papuntang tent.

"Pasensya kana Nirvana. Mga loko loko talaga yun. " sabi ko sa kanya.

"Uhm . Okay lang. Mababait naman sila eros e. " sabi niya pagkatapos ngumiti.
Haaay. Buti naman. Kala ko kung ano na iniisip niya eh.

Pagdating sa tent ay pinaupo ko siya at binuksan ang laptop. Balak kong manuod kami ng movie,pero tumunog ang phone ko.

Argh. Bakit kapag moment na naming dalawa ay laging may panggulo? Yung totoo? Aish. Walang katarungan!

Inis kong kinuha ang phone ko ng di tinitignan kung sino ang tumawag. The hell sino ba to??

"What?! "Sabi ko.

"Aw? ang sweet naman ng bati mo baby Eros. Pero atleast sinagot mo. Im glad." Si Monique! Aish. Nagsisi ako kung Bakit ko pa sinagot.

"Bakit ka tumawag Monique?" Kahit papaano naman ay may respeto ako sakanya. Babae pa din siya.

"Uhm . Masama bang kamustahin ang baby ko? Huh??" Sweet na pagkakasabi nito.

Di mo ako baby. Gusto ko sabihin pero ang rude. May pinagsamahan pa din kami.she's a childhood friend.

"Okay lang kami Monique . You dont need to worry. " sabi ko.

"Good to know that. Bakit di mo sinasagot text ko. I miss you Eros. I miss you so much."

Argh. Lagi niyang sinasabing miss niya ako kahit lagi naman siyang pumupunta sa bahay. Laging lumalapit sa school at laging sunod ng sunod. Argh. That girl. Matigas talaga ang ulo niya.!

"Sige Monique. Busy kasi kami ngayon. Bye. Takecare! " mabilis kong sabi sakanya papatayin ko na sana ang phone ng bigla siyang nagsalita.

"Okay Eros! I love you! See you soon Baby!" Sabi niya at siya na ang nagpatay ng tawag.

Tsk! May balak talagang sumunod dito! The hell!

"Eros , uuwi na ako. Gabi na kasi. Bye. Salamat." Mabilis siyang lumabas ng tent at tumakbo sa madilim na parte ng kakahuyan. Nagulat akong bigla siyang nagpaalam kaya hindi ako nakatayo agad.

"Nirvana! Madilim na ! Ihahatid na kita "sabi ko ng tumatakbo. Pero mabilis siya. Hindi ko na siya naabutan.

Damn! Damn! Damn!
Natakasan nya ako.

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon