Chapter 8: babae sa litrato

81 3 0
                                    

Pagkatapos naming magpicture na buo, kami ay bumalik na kami sa camp site. Nagmadali kaming magligpit ng pinag inuman.Gabi na kasi.

Habang naglalakad ay walang tigil pa din sila sa pag daldal.
"Grabe bro! Ang gwapo ko sa picture na ito! Ang galing mo kumuha Eros!"

"Edited yan" sabi ko.

"Hahahhaa. Grabe
Ang ganda tlaga ng lugar na yun kuya eros! Paraiso talaga"sabi ni karl.

"Hahahaa edited pala mukha mo bro e" sabi ni jev

"Sira! Kakakuha ng pic. Edited agad?"kontra ni fred

Di ko na sila pinakinggan. May iba kasi akong iniisip. Yung babae . Sino ba siya?? Argh. Babaeng ligaw!

"Eros! " tinatawag pala ako ni Cinco.
"Oh?" Nilingon ko siya.
"Lumilipad nanaman ang isip mo" sabi niya
"Ah. Pasensiya na . May naalala lng ano ba ang sinasabi mo?."
"Sabi ko bilisan mo maglakad"
"Eto na "at nag madali na ko maglakad.
---------
Pagdating sa campsite . Humiga agad ako. Sobra yata akong napagod.

"jev ! Fred at eros! Ligpitin niyo yang tent at ibang gamit . Magluluto kami ni Ram." Sigaw ni Cinco mula sa labas ng tent.

"Okay. "Sabi ko.
"What?" Sabay na banggit ng kambal. Tamad talaga.
Wala silang angal . Utos ni Cinco yun e. Takot lang nila. Hahaha

"Oh. Tara na ayusin na natin ang gamit" natatawa kong banggit sa kanila.
Nagkamot naman ng ulo ang dalawa.

Pagkatapos naming mag ayos. Na feeling ko ako lang ang kumilos ay nag scan ako ng mga picture .

Sila Jev at fred busy sa laptop. Di ito yung lugar na porket malayo ay walang signal.
Tumatawa nanamn sila. May pinapanood nanamn yata.

Tsk. Puro stolen talaga. Aksidente kong na zoom ang litrato ko at nagulat ako. Kasi yung babae! Nandun sa mga litrato ko . Nakatago sa puno. Ang creepy pero. Shit lang . Maganda talaga siya! Nakatingin siya sa akin. Meron pang naka ngiti siya at yung iba ay parang paalis siya. Ah. Baka doon niya nalaglag yung bracelet niya. Bumalik ako sa unang picture kung saan kitang kita ang babae.
Grabe ..napakaganda talaga. Simple lang. Hindi kailangan mag ayos. Kahit messy ang ganda! Mas maganda siya kay monique.

"Eros! Bilis halika!" Nagulat ako sa tawag ni jev.

Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo. Istorbo.

"Why?"sabi ko

"Tignan mo may bagong video si monique na naka tag sayo! miss na miss ka na talaga bro!" tawa ni fred.

"Im not interested" sabi ko pagkatapos ay iniwan sila sa loob ng tent na tumatawa padin at tutok na tutok sa pinapanood.
Di naman talaga ako interesado. Mas interesado ako sa ligaw na babae.

Saktong tapos na silang magluto.
Gutom na ako.
Tahimik naman si karl sa tabi at naka headset at nakapikit.

"Eros! Halika kain na! Tawagin ko lng yung dalawang ugok doon . Baka kung ano nanamn ang pinapanood e.hahhaha "-si ram . At umalis

Mukhang alam ni ram ang new video ni monique.

"Anong balak mo kay monique eros?" Biglang tanong ni Cinco habang naglalagay ng plato sa mesa na yari sa kahoy.
Kailangan may balak? Tinignan ko si karl . Nakapikit padin siya

"Wala. Ano ba dapat? Hindi ko naman siya pinapansin"sabi ko

"Yun na nga e. Wala ka naman plang balak . Diretsuhin mo nalang siya. Patigilin mo." Sabi nito. Seryoso .

"Manhid siya. Lagi ko nga siyang iniiwasan , di pa rin niya dama na ayoko talaga sakanya." Sabi ko

"I pity her. Babae siya pero siya ang naghahabol." wika nito at umupo sa tapat niya.

"Una palang naman alam na niya na ayaw ko sakanya. Mapilit lang siya Cinco. " wika ko. Medyo napipikon na ako. Bakit ba siya ang pinag uusapan ? Hindi talaga ako interesado.

"Okay. Okay. Easy. Nagtatanong lang. Text mo siya ngayon prankahin mo siya. Yung bagong video niya . Kanta naman . Dedicated pa din sayo. Kausapin mo. Puntahan ko lng yung tatlong ugok baka pinapanood nanamn si monique. " at umalis na siya.

Napangiti ako. Kuyang kuya talaga si Cinco.

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon