Si Nirvana. Katabi ko sya.
Nararamdaman ko siya.
Tinanggal ko ang headset at pinatay ang kanta. Tumingin ako sakanya.
Grabe , parang araw araw lalo siyang gumaganda. Naka suot siya ng puting bestida na pag nasisinagan ng liwanag ay nakakasilaw, tube ang sytle at kita ang kanyang likod."Hi Eros!"masiglang bati niya sakin.
Ang liwanag ng mukhan niya..ang sarap titigan lang. Akin ka nalang Nirvana."Ang ganda mo Nirvana" sabi ko sakanya ng nakatitig.ang lapit namin sa isat isa.
Namula naman siya
Damn it! Nadulas ako. Baka hindi nya na ako kausapin."Salamat Eros." Sabi niya ng naka ngiti at namumula pa din ang pisngi.
lumapit pa siya lalo sa akin."Anong pinapakinggan mo eros?"
Tanong nito, binanggit niya ang pangalan ko. Ang saya ko."Eros? Anong pinapakinggan mo? Earth to Eros" ulit niya.
Ah. Ano nga ba? Ang naririnig ko lang kasi ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Aish! Eros umayos ka.
"Ahm. " di ako makapag isip ng tama. Shit .
"Hahaha"tumawa ito kaya lumingon ako.
"Ba-bakit?"utal na tanong ko.
"Ikaw. Nakakatuwa ka. Nakatitig ka sakin eros. " sabi nito na nagpipigil ng tawa.
Kasalanan ko ba kung masyado siyang maganda. Walang effort ang ganda. Nakaka akit. Hindi nakakasawa.
"Ah. Pasensya kana. " paumanhin ko.
Tahimik lng kami ng mga ilang minuto.
Hindi ako maboboring kapag siya ang kasama ko . Kahit hindi siya magsalita.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Cinco.
"Ahm? Nirvana? " tawag ko sakanya lumingon naman ito ."Bakit Eros?" Aw. Binanggit niya nanamn ang pangalan ko. Ang lambing ng boses. Nakakabaliw.
"A-ah. Gusto kitang ipakilala sa mga kaibigan ko . Kung okay lang?" Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Dasal ko.
"Nahihiya ako Eros. Baka mamaya hindi nila ako gustong maging kaibigan." Nakayuko na ito ngayon.
Wala siyang tiwala sa sarili niya."Wag ka mag isip ng ganyan. Sino ba ang aayaw sayo? Napakabait mo ." Sabi ko. Totoo naman kasi e.
"Sigurado ka Eros na okay lang?" Ulit nito.
"Oo. Ipakikilala kita sakanila , halika?" Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sakanya.
Ngumiti siya bago niya ito tanggapin
Nagsisisi akong hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lambot . Lalo ko pa tuloy siyang nagustuhan.Nakangiti kami habang naglalakd papunta sa mga kaibigan ko. Ginabi na pala ako. 7:00pm na pala.
Excited na akong ipakilala siya sa kanila.

BINABASA MO ANG
Nirvana
FantasyNirvana is a place of complete bliss,delight ang peace. Eros - son of God ,he shot arrows to human to make them fall in love.