Chapter 10: Again

34 5 0
                                    

Tahimik na ang paligid at malalim na ang gabi.

"Aw!" Daing ko.
Napalingon ako sa katabi ko. Grabe

"Ram! Hanggang sa pagtulog ang gulo mo! Ang layo ng parte ng higaan mo umabot ka pa dito?" Mahinang sabi ko ng may diin. Nasipa pa ata ako.

Nagising tuloy ako. Bukas ka talaga sa akin Ram.

Dahil hindi na ako makabalik sa pag tulog ay bumangon na ako. Ano na bang oras?
3:00 am. Sakto.
Umupo ako sa upuan sa labas at nagbasa ng mga text messages ngayon ko lang ulit mahawakan ang phone. Wala naman kasi akong masyadong tinitext.

Ang dami namang text , yung ipa unknown number. Puro mga sweet messages.
Merong galing kay Mommy , nangangamusta at sinabing mag ingat. Nireplyan ko naman ang salamat at ingat din sila. May text din galing kay ate at kinakamusta si Cinco.may something.
May text din galing kay Monique. Tsk. Kelan ba nawala ang pangalan niya sa inbox ko?

Kahit mag iba ako ng number ay nalalaman niya pa din.

Puro sweet na text.

-Goodmorning Eros!

-eros? ,I love you .

- have you watched my video? Para sayo yun:*

-snob mo naman!pero love pa din kita.

-Wag ka maghahanap ng iba jan. Dapat ako lang.

-magreply ka naman. I miss you already.

-Kamusta vacation niyo? Ako? Dito lang sa bahay.ayoko lumabas .

-I want to see you . Kahit di mo ako pansinin.

-san ba kayo nag vacation? Susunod ako.

-See you soon! Eros!

Kung hindi siya si monique ay malamang ma touch ako. close naman talaga kmi dati nung bata kmi kasi monique is a family friend. Para sa akin ay friend lang talaga. Hanggang sa nagpakita siya ng interes sa akin at sinasabi niya sa iba na sakanya lng daw ako.. At wait? See you soon daw? Wag naman sana niya kami mahanap.

Pinatay ko na ang phone ko. Sakit sa ulo talaga si monique.
Tumayo ako sa upuan at nagsimulang maglakad sa kadiliman.

Kahit madilim ay maganda ang paligid. Umiilaw ang mga alitaptap at ang lamig. Paraiso talaga.

Pumunta ako sa parte kung saan parang umiilaw ang puno, parang pink ang dahan ng puno na ito at yellow ang bulaklak.

Umupo ako sa puno at tumingala . Ang ganda naman ng puno na ito. Nakakagaan ng looob. Unti unti akong pumikit.

"Uhm? Hello?" Sabi ng isang tinig.
Agad ako napamulat.

-----------
Guys may nag babasa ba? Haha
Votes ang comments are accepted.
:))) thankyouuuu

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon