Chapter 11: Nirvana

38 4 0
                                    

"Oh h-hi?" Ano ba yan nauutal ako. Ang lapit naman kasi ng mukha niya sa akin. Umiwas ako ng tingin.

Napatawa siya ng mahina.
"Miss? Bakit ka tumatawa?"tanong ko ng nakakunot ang noo.
Huminto naman siya sa pagtawa at tumayo.
"Wala. Ang cute mo kasi. lalo na sa malapitan." sabi nito ng diretso ang titig sa mata ko tapos ngumiti.

Ah? Cute daw ako? Napayuko ako. Shit. Bkit parang kinikilig ako. Nakakabakla naman.

"Ay. Pasensya na. Di ko napigilan sabihin. Cute mo naman kasi talaga"
Tumayo na ako.

"Wag mo ng ulitin."sabi ko ng nahihiya.

"Hahahah" tumawa naman ito. Ang sarap pakinggan ng tawa niya . Isa pa nga.!

"Bakit ka nga pala andito? Nag iisa ka . Delikado. madilim pa. At babae ka pa naman. "

"Uhm. Hindi naman delikado dito. Walang masasamang tao dito eros."
Sabi naman nito.

Nagulat ako. Kilala niya ako? Alam niya ang pangalan ko.

"Teka? Alam mo ang pangalan ko?"
Nagtataka kong tanong sakanya.
Ngumiti lng ito at nagsalita.

"Oo . syempre alam ko! Narinig ko sa mga kaibigan mo. Lagi kasi nilang sinisigaw ang pangalan mo. Haha"
Wika nito.
Ah. Kaya pla. Baka siguro nung sa falls . Narinig niya.

Tumango naman ako.

Umupo ulit ako sa ilalim ng puno , at umupo din siya. Magkatapat kami. May hawak siyang bulaklak na kulay dilaw at pinaglalaruan ito.
Naka puting bestida ito at naka tirentas ang buhok sa gilid. Ang ganda niya. Ang ganda ganda.

"Ahm taga san ka ? Malapit lang ba ang tinitirahan mo dito? " tanong ko sakanya.
Sinagot naman niya ito.

"Oo , malapit lang dito. Jan lang." sabi niya.
Naalala ko ang bracelet niya. Buti nilalagay ko sa bulsa ko palagi.

"Eto nga pala. Sayo yata ito? Naiwan mo." Nilahad ko sakanya ang bagay na iyon.

"Wow! Salamat! Akin nga ito. Nahulog ko pala! " sabay ngiti.
Ngumiti siya! Ngumiti nanamn ang babae. Di nakakasawang tignan.
Nahahawa siya ng mga ngiti nito.

Napatawa ako. "Haha. Naiwan mo sa greenfalls sa gilid , siguro yun yung oras na nakatingin ka sa akin. Naroon ka kasi sa background ng mga litratong kuha nila." Nginitian ko sya. Napaladalas yata ang pag ngiti ko?

Namula naman siya.

"Pasensya na. Gusto ko lang makipagkaibigan kaya tinitignan ko kayo. Ang saya niyo kasing panoodin e. At ikaw nakakaaliw kang tignan kahit hindi ka palangiti eros"
ah , gusto niya pala ng kaibigan. Ehem. Grabe simpleng salita niya lang ang laki ng epekto sa akin. Ang lambing ng pagkakasabi niya sa pangalan ko.

"Wala ka bang kaibigan? Sinong kasama mo sa inyo? " tanong ko.
Nalungkot naman bigla ang mukha nito.

"Ah, wala akong mga kaibigan eh, walang gustong makipag kaibigan saakin at mag isa lang ako sa amin" nahihiyang sagot niya.

Bakit wala? Mukhang mabait naman ito . Maamo ang mukha at nakakatuwa.

"Mag isa? Hindi ba delikado yun para sayo? Nasan ang mga magulang mo. Kung okay lng ? " nag aalalang tanong ko.
Hindi ito umimik.

"Kaya ko ang sarili ko eros . "Sabi niya ng nakangiti.

"Ako. Kaibigan mo na ako mula ngayon"diretsong sabi ko sakanya.
Nagliwanag naman ang kaniyang mukha .

"Talaga eros? Salamat!" Sobrang saya ng mukha nito at bahagyang pumula ang kaniyang pisngi.
bigla namang yumakap ang babae sa akin at niyakap ako. Nagulat ako kayat natumba siya sa akin.
Ang lapit ng mukha niya. Ang bango niya. Ang ganda ganda.

"Ay sorry! Nabigla lng ako. Salamat " sabi niya sabay tayo.
Natauhan naman ako. Anong nangyari. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Tumayo nadin ako at nag pagpag ng damit. Ganoon din siya.
Tumunog ang phone ko. Tumatawag si Cinco. Panggulo.

"Sandali lang ha? " sabi ko sakanya.
Tumango naman ito at lumayo ng bahagya . Naglalakad ito pabalik balik habang nakayuko at nag hu-hum.

"Yes?" Sabi ko.

"Anong yes? San ka pumunta? Bumalik kana dito. " sabi ni tatay Cinco hahaha.

"Yeah yeah! Sandali lang. "Sagot ko
Pagkatapos ay pinatay na ang tawag.

"Sige eros, hinahanap ka na yata. Aalis na ako ha? Salamat!" Nagmamadaling alis nito.

Pinigilan ko sya. Not so fast.

"Anong pangalan mo miss?" Sabi ko sabay ngiti.

"Uhm, Nirvana. Nirvana ang pangalan ko Eros" sabi niya at umalis na.

Nirvana. Ang gandang pangalan. Hindi na babaeng ligaw ang tawag ko dito kundi Nirvana.

Naglakad na ako pabalik at hindi maalis sa isip ko ang pangalang Nirvana.

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon