Chapter 5: sino siya?

33 2 0
                                    

Eros POV:

Bakit ba hindi ako mapakali ? feeling ko may nakatingin sa akin. Nakakairita na . Kagabi hindi ako nakatulog dahil sa panaginip nanamn. Parehong pareho noong una. Tsk. Tapos ngayon ? Argh.

Pumunta ako sa pinaka malalim na bahagi ng talon . Hanggang dibdib ko lamang ito dahil matangkad naman ako. Mas okay na siguro dito. Malayo sa mga ma loko kong kaibigan. Pano naman kasi ay inaasar nanamn nila ako na magiging matandang binata ako. Tsk.

Ang sarap nilang suntukin.bakit pa kasi ako tinanong ng ganoon ni karl , narinig tuloy ni ram!

Habang nag kakasayahan ang mga kaibigan nya sa kabilang bahagi ng talon ay umahon sya at naisipang niyang maglibot sa paligid at mag explore. Naka boxer short lamang siya dahil puro lalaki naman sila.
Naglakad siya patungo sa likurang bahagi ng talon at umupo siya sa matayog na puno.

"Haaay! Mas okay pa dito at payapa . Walang maingay at walang istorbo matutulog siguro muna ako ."
At tuluyan na nga akong hinila ng inantok sa ilalim ng puno.

--------------
"hmm" ano ba? Sino ba to? At hinahawakan ang tungki ng kaniyang ilong. Tinabig niya ang kamay kung sino man ito. Istorbo.

Ngunit hindi parin tumitigil. Kaya naman binuksan ko ang aking mga mata.

"Ah. Excuse me?" Sabi ko sa babaeng nasa harapan ko. Teka! Bakit may babae rito? Nakayuko siya . San nanggaling ang babaeng ito?
At bakit niya hinahawakan ang ilong ko.?

"Ahm? Sorry! Hindi ko gustong gisingin ka . Pasensya kana." Malambing na sabi nito gamit ang pinakamahinang boses . Nakapaluhod ito sa harap niya at nakayuko, nakasuot ito ng puting bestida abot sakanyang talampakan at off shoulder ito .Pansin ko ding nakayapak siya.
hindi niya makita ang itsura nito ngunit batid niyang maganda ang babae.
Nakaladlad din ang kaniyang mala gintong buhok na tuwid ngunit kulot sa dulo , may bulaklak din ito ng gumamelang kulay dilaw sa kaniyang tainga.

" Teka? Sino ka? Bakit ka narito? Sa pagkakaalam ko ay walang ibang taong nakatira sa lugar na ito."

tinititigan ko siya pero hindi pa din sya tumitingala at nananatiling naka yuko. Para bang hiyang hiya ito.

Hindi umimik ang babae.
" Miss?"

"Ah. Taga dito ako."simpleng sagot nito at sawakas ay tumingin ma siya sa akin.
Aw . Grabe . Sana pala hindi nalang siya tumingin. Ang ganda niya! Sobra! itim na itim ang pilikmata nito, asul ang kaniyang mga mata , at pula ang mga labi nito , hindi pink.at alam kong wala siyang ginagamit sa kaniyang mukha . Napakainosente ng mukha niya. Nakaka akit. Ang sarap iuwi. Teka? Anong iuwi? Eros! Umayos ka!

"Ahm? Okay lang po ba kayo? May masakit po ba sayo? Pasensiya na tlaga kanina. akala ko ay may nangyari na saiyo kaya ko hinawakan ang ilong mo.tinignan ko lng kung okay ka." Paliwanag nito.

Bigla naman siyang natauhan.pano ay napasobra naman kasi ang pagtitig niya dito.
Nagmamagandang loob naman pala ito.
Tumayo na siya.
Namula naman ang pisngi ng babae pagkatayo niya.
Tinignan niya din ang sarili niya. Oo nga pla . Nagswimming sila at naka boxer lng siya. Yeah! Boxer! Wha-what?? Wait? Boxer?? Shit nakakahiya.

"Ah pasensya , salama--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumakbo na ito.

"Miss! " tawag niya dito ngunit hindi na niya nakita kung saan ito tumungo. Minabuti nalang niyang bumalik sa talon.
Ngunit hindi parin maalis sa isip niya kung sino ang babae .

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon