Eros POV:
Ang layo na pala ng nalakad ko para lang mag palamig ng ulo haaaay , sumasakit ang ulo kay monique! tapos kagabi si Nirvana!., siguro babalik na muna ako , hindi pa din ako kumakain, anong oras naba ? 9:30 AM? napasobra nga talaga ako ng lakad.
akmang babalik na ako ng may tumawag sakin.
"Eros! Goodmorning!!!" ow? si Nirvana! ngayon masasabi kong maganda na ang araw ko.tumatakbo siyang palapit sakin.
sinalubong ko naman siya.
"uhm.Goodmorning Nirvana! nag alala ako sayo kagabi ! san ka ba nagpunta?"nag aalala kong tanong sakanya at hinawakan ko ang kamay niya.
nabigla naman siya nung hinawakan ko yung kamay niya pero wala akong pakialam.
"ah,pasensya na eros, may emergency lang , atsaka gabi na din kasi , pasensya na kung nag alala ka." Paghingi nito ng paumanhin.
Ah . Kaya pala. Anong emergency naman kaya?
"Okay lang. Nag alala lang ako dahil bigla ka na lang umalis hindi mo manlang ako hinayaang ihatid ka." Sabi ko sakanya
"Hahaha , nakakatawa ang mukha mo eros ! Parang bata hahahaha. Ang cute!" Bigla siyang tumawa at pinisil ang ilong ko.
Errr. Pag si monique ang gumagawa , nakakainis . Nakakairita. Bakit pag sakanya? Nirvana baliw na yata ako.
"Kumain ka na ba?" Pag iiba ko ng tanong . Kasi naman dama ko namumula ako. Lalakeng nag blush? Pag nakita nila Ram to! Nako! Aish! Di ko alam.
"Uhm hi-hindi pa, papauwi palang dapat ako , tapos napadaan ako dito and nakita k-kita . " sabi nito
Tumango naman ako.
"Nirvana anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka sa balikat? "Tanong ko. Ngayon ko lang napansin. Napano siya? San niya nakuha yan? Kagabi ba? Argh!
"Ah. Wala eros. Wala to. Di kasi ako nag iingat e" at hinawakan nito ang kanyang balikat upang takpan ang sugat niya.
Pinunit ko naman agad ang manggas ng damit ko upang takpan ang sugat ni Nirvana .Dumudugo pa din kasi. Nag aalala ako baka magkaroon ng infection. Mahirap na.
Nagulat naman siya sa ginawa ko pero hindi na siya umangal pa.
"Ahm. Salamat eros" sabi nito na nahihiya.
"Okay lang. Basta ikaw Nirvana. " sabi ko ng nakatitig sakanya.
Lumapit naman ako sakanya .
Bigla naman siyang napatingin sakin.
"B-bakit eros?" Tanong nito.
Di ko siya pinansin at lumapit ulit ako sakanya.Napa atras naman siya .
Hindi niya napansin ang nakausling malalaking ugat ng puno kaya muntik siya matumba. Buti nalang at nasalo ko siya.
Tinayo ko naman siya .
"May dumi " sabi ko. At pinunasan ang dulo ng kanyang ilong. Nakatingin naman siya sa akin habang pinupunasan ko.
"Pasensya na eros. Ang dungis ko ." Nahihiyang sabi ni Nirvana. At inayos ang kanyang sarili. Okay naman siya maliban sa sugat sa balikat.
Di naman siya mukhang madungis! Ang cute nga tiganan sa totoo lng! Pwede ng cute na madungis! Haaaay nako. Malala na talaga ako. !!!!!
"Kahit madungis ka . Maganda ka pa din Nirvana." Sabi ko. Wala e. Totoo talaga !
Bigla naman siyang namula at nag iwas ng tingin.
"Binibiro mo naman ako eros" sabi nito. bakit di siya naniniwala? Mukha ba akong sinungaling.
"Totoo naman " sabi ko . Bigla naman siyang tumingin at natawa.
"Hahaha" di niya mapigilang tawa.
Ang ganda ng tawa niya. I record ko kaya?
Teka? Anong tinatawanan niya? Ako ba? Hala! Ano bang itsura ko? Bigla kong hinawakan ang buhok ko. Maayos naman di magulo. May muta ba ko? Wala naman? Ngayon lang ako na conscious ng ganito.tsk.Lalo pa itong tumawa dahil sa ginawa ko.
"Eros! Mukha ka ding madungis yung damit mo kasi punit e. Hahahah !" Tawa nito.
Hahahahah! Kaya pala! Grabe mukhang pulubi ang damit ko hindi maayos ang punit ko kaya naman dumiretso ang punit hanggang baba kaya kita ang ibang parte ng katawan ko.
Bagay kami! Madungis at pulubi! Aish. Eros wala na. Wala ka ng pag asa. Malala ka na talaga!
Bigla naman kaming nagtawanang dalawa at halos hawak ang tiyan sa kakatawa ng biglang may tumawag sakin.
Napatingin kami ni Nirvana sa kung sino ang tumawag.
"Baby!!"
BINABASA MO ANG
Nirvana
FantasyNirvana is a place of complete bliss,delight ang peace. Eros - son of God ,he shot arrows to human to make them fall in love.