Eros Pov:
"Goodmorning eros! Wakey ! Wakey!!!" Sabi ng isang tinig. Aaaah! Ang ingay. Ngayon palang makakatulog ng maayos e! Tsk.
Bumaligtad ako ng higa.
May naramdaman naman akong parang humihinga sa tapat ng mukha ko. Malapit sa mukha ko???
"Eros? Baby? Bangon na! " what the? Baby??? ako?
Bigla nagising ang diwa ko. Pagmulat ko sobrang lapit ng mukha niya sakin! Si Monique! Shit aga aga mapapamura ka talaga. Sumunod talaga siya! Hindi na ko makapaniwala sa kanya!!
Bigla nya akong niyakap kahit nakahiga ako. Arggh!!! Nakakairita . Payakap yakap pa! Ayoko sayo.! Si Nirvana lang ang may karapatang yumakap sakin!
Bigla kong kinalas ang yakap niya at umupo ako.
Umupo din siya at ngumiti sakin.
Pansin ko din ang maletang nasa loob ng tent ,tatlong maleta ! tatlo!., kulay pink lahat! at ang lalaki pa. So dito na siya titira? Pssssh.
"Why are you here Monique?"diretsong tanong ko habang inaayos ang buhok ko.
Bigla naman itong nalungkot.
"Hmm? Parang ayaw mo naman na andito ako." Sabi niya at nag pout! Grabe. Ang aga aga super red ang lipstick???
Naka t-shirt siyang black na may nakalagay na goodgirl tapos naka shorts , nagpakulay din siya ng buhok blonde na may red lines ? Anong klase yan?
Tumayo ako at nagmadaling lumabas. Ayoko siyang sagutin. Alam naman niya dati pa na ayoko talaga. Hindi ko talaga siya gusto .
Sumunod naman ito lumabas.
"Eros wait!" Paghahabol niya sakin.
Tsk. Parang aso talaga. Nakakahiya.
Nakita ko sila karl at Cinco na nag aayos ng pinagkainan . Mukhang hindi nila ako hinintay, sabagay late na ako nagising.
Yung kambal busy sa pag take ng picture.
Sinalubong naman ako ni Ram.
"Oh bro! Swerte mo! Talagang sinundan ka ni Monique!" Pang aasar ni ram.
"Tsk. Suntok gusto mo?" Sabi ko sakanya
"Tsss. Aga aga! May dalaw siguro. "Bulong niya. As if di ko narinig.
"Goodmorning Monique! Welcome dito sa greenville!" Bati ni Ram kay Monique.
Kumaway naman si Monique habang sumusunod sa akin.
"Thankyou! Looking good Ram!"sabi ni monique.
"Hahaha! Yan ang gusto ko sayo Monique e! "Sabi naman ni ram
Tsk.
Lalo pa akong nagmadaling naglakad .
"Eros! Wait! " sigaw niya.
Aish.
di ko siya pinansin , nagpatuloy lang ako sa paglakad ng mabilis.
"Eros!" Humahabol pa din siya. Bahala ka.
"Ouch!" tsk. Ayan nadapa tuloy!
Nilingon ko siya at pinuntahan nakaluhod na siya ngayon at nagpapagpag ng damit.
"Mag ingat ka kasi." Sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
"Salamat." Sabi naman niya ng nakayuko.
"Sige na . Bumalik ka na doon kila Ram. "
Sabi ko at naglakad. Hindi ko alam kung san ako pupunta . Gusto ko lang lumayo kay monique. tsk. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinag gagagawa niya.
Bigla naman siyang humabol ulit at niyakap ako patalikod.
"Eros , galit ka ba sakin? Ayaw mo ba akong nandito? "Humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sakin.
"Hindi ako galit monique. Sige na bumalik kana doon. "pagkasabi ko ay kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin.
"Eros. May nagawa ba akong hindi mo nagustahan? Sabihin mo. Ayoko ng ganyan ka sakin . " humihikbi na sabi niya sakin. hay. noon pa man napaka iyakin niya na talaga. Kaya ang hirap din pagsabihan siya . Nauuna ang pag iyak!
"Alam ba ng mommy mo na sumunod ka dito?" Tanong ko.
Dati kasi sumunod siya sa amin ng hindi pala nag paalam .
Sinugod ako ni tita sylvia-her mom after ng vacation nung nalaman niyang kasama namin si Monique that time.
kaya ayoko ng maulit yon. Nagiisang anak si Monique kaya napaka protective ni tita Sylvia, hindi ko siya masisisi . Matigas lang talaga ang ulo ni Monique at idagdag pa na hindi ako gusto ni tita sylvia para kay Monique. Well okay na din yun."alam niya. Pinilit ko si daddy. Si daddy ang pumilit kay Mommy."sabi nito habang pinupunasan ang kanyang luha.
Tsk. Ginamit nanaman ang pagiging daddy's girl.
"Hanggang kelan ka dito?"tanong ko kay monique.
"Kung hanggang kelan kayo dito." Sabi niya ng nakangiti.sabi ko na nga ba. Wala na akong magagawa andito na siya .
"Sige. Okay na sakin na dito ka. Basta mag behave ka at wag kang pasaway monique.sige na bumalik kana doon. Maglalakad lang muna ako. "Sabi ko at umalis.
"Okay, salamat eros! Namiss kita! Balik ka agad ha?" pagkasabi niya ay yumakap ulit siya sakin at tumakbo palayo.
---------
Hello!Kailangan ko po malaman kung anong tingin niyo dito sa story ko:)
Para alam ko po kung ano ang magiging flow ng story^^Comment lang po kayo! Thankyouuu!
BINABASA MO ANG
Nirvana
FantasyNirvana is a place of complete bliss,delight ang peace. Eros - son of God ,he shot arrows to human to make them fall in love.