CHAPTER 1

2.2K 62 6
                                    

"Nice assist buwan." Sabay akbay nito saakin na akala mo hindi kami binuhat sa buong laro.

Meet my cousin Cristy, ang subrang jolly at paiba-iba ng mood. Mabait naman sa mabait, pero subrang maldita kapag hindi niya bet yung isang tao. Mapagbigay kahit alam mong walang wala na siya, wala kang maririnig na kahit ano sakaniya. Sometimes kasi tahimik lang siya, if alam mong tahimik na huwag mo ng guluhin kung ayaw mo mabugahan.

Pero atlis kahit ganiyan yan madali paring pakisamahan, alam mo yung unang tingin mo palang sakaniya matatakot kana pero kapag nakaclose mo na para kayong aso't pusa kasi hindi din siya magpapatalo.

Sa lahat ata kaming magpipinsan, kaming dalawa lang ang pinakaclose. Ang nakakatawa pa do'n ay napagkakamalan kaming kambal kapag nakaside view at nakatalikod. Simula bata kasi kami na ang magkasama, subrang malapit kasi siya sa kila mama at mga kapated ko.

Hindi ko naman ipagkakaila na maganda siya, nasa genes namin yun aba naman. Support family dapat ganun.

"Heh! Tumigil kanga, libre mo ah!" Sigaw ko na ikinalaki ng mata niya.

Napakamot nalang ito sa ulo bago isampay ang towel sa balikat niya at kinuha ang bag. Inakbayan nanaman ako nito at inaasar, paminsan minsan pa ay guguluhin ang buhok ko.

Napadaan pa kami sa mini gym nitong school namin, may banda kasi ngayon dahil intrams. Agad napalingon saakin ang pinsan ko na nakakunot ang noo.

Agad ako napatingin sa itaas ng stage at nakunot nadin ang noo, bago ang vocalist? Babae pa ah, nakayuko ito at may hawak na gitara nakatapat naman sakaniya ang microphone.

"Hindi na si Michael?" Takang tanong ng pinsan ko.

Hindi ako sumagot dahil obvious naman seguro na wala din akong alam, okey sana kung kalahi ko ang kapit bahay naming marites kaso hindi.

"Ito na ang tubig niyo!" Sigaw galing sa likuran namin.

Si Arthur, isang magaling na drummer ng school at ang pinakabibo at masayahin sa grupo nila.

Napaangat ang babae ng mukha at imbis na kay Arthur ito mapatingin ay dumirekta ang mata nito saakin, malamig lang ito at walang mababakas na kahit ano.

Ang cool niya pa sa suot niya, naka black sando na nakatuck-in sa navy blue pants nito may maong na jacket na nakatali sa bewang at black combat na nagpalakas sa sex appeal niya. Ang buhok nito na malaya lang na nakalugay.

"Aiden tubig." Abot ni Arthur ng tubig sakaniya kaya naputol ang titigan namin.

"Ang ganda bhie, pero may maganda rin daw na bagong adviser at professor ang business dept. Baka sainyo mapunta!" Mahinang tili ng pinsan ko at may pakapit pa sa braso na parang kinikilig.

"Ah talaga ba Cristy?" Pang aasar ko na ikinabusangot nito at umamba ng suntok.

Kinaladkad na ako nito palabas ng school, naka basketball Jersey pa rin kami hanggang ngayon kaya pinagtitinginan pa din kami.

Ang iba ay kinakamusta at nagpapicture saamin, pero subrang gutom na ako kaya hindi na napagbigyan ang iba.

Papasok na sana kami sa loob ng hilain ako pabalik ng pinsan ko at patakbong umalis. Pero narinig namin ang sigaw ng isang boses.

"Miss Allegre don't you dare take another step!" Galaiti nito.

Agad napatigil ang pinsan ko at pakamot ulong tumingin sa likuran, agad naman ako napasilip at napanganga dahil sa dalagitang ang talim ng titig saakin.

"Iniiwasan ako dahil may itatanang bago?" Taas kilay na tanong nito at matalim na tinignan ang pinsan ko na nagpipigil ng tawa.

Siniko ako nito at tinignan sabay taas ng dalawang kilay, tangina may bago nanaman siyang katarantadohang gagawin sa mga nabibingwit niyang babae.

SHATTERED PARADIGM (La Celestial Mancha #1) [ON GOING]Where stories live. Discover now