CHAPTER 7

313 18 1
                                    

Inaantok akong naglalakad patungong math department para sa practice namin, pero kingina kahihiyan ko kagabi. Bakit ba kasi hindi ko napansin na naicomment ko pala.

Kakaisip ko din sakaniya, kasalanan niya naman bakit siya ang nakapasok sa isip ko. Parang tarantado naman self walang hiya ka talaga eh.

"Bakit naka busangot ka?" Tanong ni Elijah ng makasulpot siya.

Hindi ko siya pinansin, mamaya kana bhie kailangan ko pa pagplanohan ang aking kudigo para kay miss mamaya.

"Miss Raith Adler po?" Tanong ng junior high ata based sa uniform nito.

"Yes." Sagot ko sa nanghihina.

"Sa gym daw po kayo pumunta sabi ni Miss Cervantes." Sabi ng bata at agad na umalis dahil may pupuntahan pa raw siya.

Napabuntong hininga ako at naglakad patungong gym, habang nasa hallway ako ay nakita ko si Aiden kasama ang isang pinsan ni Miss Cervantes, parang nag aaway kaya hindi ko na muna sila pinagtuunan ng pansin dahil late na ako sa call time.

Sana lang hindi ako mabugahan ng apoy ng professor ko. Kapag galit pa naman nun ay parang mangangain na.

"You're ten minutes late miss Adler!" Malamig na sabi nito habang nakacross arm pa kaya napanganga nalang ako.

Kingina sa ganitong setwasyon ko pa talaga siya pinagnanasaan, bakit ba kasi ang hot niya eh. Naka black skirt at white long sleeve kasi ito habang may ballpen na nakalagay sa pagitan ng dibdib niya.

"Eyes up pervert! Go and ready yourself." Maotoridad na sabi nito at tinalikuran ako.

Sinundan ko pa ito ng tingin, umupo lang pala sa tabi ni Miss Solene na seryosong tumitingin sa nag ppractice.

Inayos ko ang sarili ko at pumuntang backstage para makapagprepare.

Pagpasok ko ay nag ppractice ng lakad ang ibang candidate, ang iba naman ay nag aayos ng damit.

"Oh gosh." Biglang tili ng babaing naka white croptop and maong short na bumagay sa maputi nitong kulay. "Who are you?" Manghang tanong nito na ikinagulat ko.

"A-adler... Raith Adler–"

"Ang ganda mo." Putol nito saakin at lumakit. "I'm Ezel." Sabay lahad ng kamay nito na may malawak na ngiti.

"Hoy ako din! Ako naman si Keyn." Pakilala naman ng isa.

"Nursing student si Ezel, ako naman sa Architecture." Sabi nito at ngumiti na nagpaganda pa lalo sakaniya. "Don't look at me like that, baka halikan kita."

"Nako Keyn, dahan-dahan sa panlalandi." Sigaw ng isa pang babae habang nag aayos ng buhok.

"Get ready girl, the professors are waiting. The numbers is already said right?" Sabi ng gay habang nakalagay ang kamay sa bewang.

Ika tatlo akong lalabas mauuna ang Educ. Sunod naman ay ang Archi.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili, i know it's not my first time na sumali sa ganitong pageant.

Pero kinakabahan pa rin ako dahil subrang taas ng expectation ni Miss sakin. Practice pa lang naman pero hindi ko na kinakaya at baka ma disappoint ko pa siya.

Lumabas na si Keyn kaya pinakalma ko pa ang sarili ko, si Ezel naman ang susunod pagkatapos ko.

Nang matapos si Keyn ay pumikit muna ako at huminga ulit, nginitian pa ako ni Keyn at kinindatan kaya naghiyawan ang tao sa backstage.

I slowly entered the stage with my smooth ramp and plastered a sweet smile on my face.

Agad ko nakita si Miss na seryoso at walang emosyong nakikita sa mga mata nito. Katabi nito si Miss solene na may maliit na ngiti at ang iba naman ay nasa ibang department na may ngiti. Tanging si Miss Cervantes lamang ang hindi makikitaan ng saya sa mukha dahil sa taglay nitong katigasan.

SHATTERED PARADIGM (La Celestial Mancha #1) [ON GOING]Where stories live. Discover now