CHAPTER 6

347 20 5
                                        

"Be careful Moon."

Agad ako napatigil dahil sa pagtawag nito, napaigtad pa ako ng pinaalis niya ang lalaking umaalalay saakin kanina at siya ang kumuha ng kamay ko at inalalayan ako.

Puno ng bungisngis galing sa bata ang narinig ko na ikinairap ko. Namumuro na talaga siya.

"T-thank you po." Sabi ko na ikinatango niya at pumunta sa may katandaang lalaki at tinulungan ito sa basket na puno ng mangga.

Namangha naman ako, dahil sa likod ng pagiging suplada nito ay subrang bait at matulongin pala.

"Nako signora kami na diyan." Sabo ng matandang lalaki na ikinangiti ni ma'am.

"Ako na tay, magpahinga na muna kayo mainit na din oh. May pinadala akong meryenda." Sabi nito na ikinagulat ko.

Ang slang nang pagkakatagalog niya pero maganda sa pandinig, napatingin ito saakin at tinaasan ako ng kilay pero ngumiti lang ako na ikinagulat niya.

"Oo nga tay. Kami na bahala tay may trabahante kaming nakuha." Pang uuto ng bata at tinaasan ako ng kilay na ikinasama ng mukha ko.

Alam ko namang ako ang pinaparinggan nito dahil sa sama ng ugali niya.

"Sino ba iring maganda babae?" Tanong ng matanda.

"Estudyante ko po tay." Magalang naman na sagot nito at binuhat ang isa pang basket ng mangga kaya agad akong pumaroon sakaniya at tinulongan siya.

"Ate Vish!" Sigaw ng bata at iniwan ang maliit na basket na mayroong orange at tumakbo papuntang likuran ko. "Ate Vish!!!"

"Gosh you're heavy." Malambing na sagot ng babae kaya napalingon ako. "You're here Celestine." Nakangiti nitong sabi na ikinatango lamang ng isa.

Ngumiti ang nagngangalang Vish saakin at inalahad ang kamay.

"Vishna." Sabi niya. "Cute mo–"

"Stop Vishna!"

"I didn't do anything, she's cute." Maang sabi nito at tumawa pa kasama ang bata.

May ibinulong si Honey sakaniya na pareho nilang ikinahagikhik at tumingin saamin na may malisyosong ngiti.

"Raith po." Sabi ko na ikinangiti niya.

"A moon ah." Ngisi nito bago ko tinanggap ang kamay niya.

Ilang minuto din bago niya nabitawan ang kamay ko na ikinailang ko na, buti nalang at nilapitan na kami ni ma'am at siya na mismo ang nagpalayo saaming dalawa na ikinahinga ko ng malalim.

Maganda si Vishna, at may kahawig kay Honey. Magkapated ba sila? Pero agad nasagot iyon ng may matandang lumapit. Ito yung matandang lalaki sa litrato.

"Lolo." sabi ng katabi ko at patakbong lumapit sa matanda na nagbigay sakaniya ng maliit na ngiti.

"I thought you wouldn't come nipote." He said and kissed her grandchild's forehead.

"There's no way, i wouldn't come to my Nonno's birthday." Malambing na sabi nito.

Lumapit din ang dalawang babae at nagmano, napadako ang tingin ng matanda saakin at seryoso akong tinignan. Pero kalaunan ay ngumiti rin ng maliit.

Akala ko malamig din makitungo ang matanda pero hindi, magkavibes sila ng awra ng lolo ko. Na kapag kaharap ng maraming tao ay nakakatakot.

"You have Visitor nipote."

"She's my student Nonno." Sabi nito at pinuntahan ako para hilahin palapit sa matanda.

Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi nito, pero totoo namang estudyante niya ako.

SHATTERED PARADIGM (La Celestial Mancha #1) [ON GOING]Where stories live. Discover now