Pumahinga muna ako sa bleacher malapit sa stage na pinapraktisan namin, mga apat na oras din ang naging insayo para bukas. Ang mga kasama ko ay hindi na alam ang gagawin sa pagod.
Sa tuwing may naka isang mali ay pinapaulit agad ni miss Elle hindi talaga marunong makiramdam. Kaya hito ako ngayon hinihilot ang talampakan sa sakit ng heels na gamit ko.
"Tubig?"
Napaangat ang tingin ko para makita si Ezel na nakangiting may inaabot na tubig, kinuha ko ito kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya at tumabi sakin sa pagkakaupo.
"Masakit ba? Ako na." Sabi nito at lumuhod sa harap ko.
Naka short lang kasi siya samantalang ako ay nakapalda, kaya madali lang sakaniyang makaluhod dahil hindi naman gaanong maiksi ang suot nito.
"A-aray, dahan-dahan lang." Sabi ko pero nahalata ko ang pamumula ng tenga nito na ikinataka ko.
Agad naman kami nagulat at napatigil pa si Ezel sa paghilot ng talampakan ko ng makarinig ng padabog sa itaas ng stage.
Agad naman sumalubong saakin ang masamang tingin ng professor at walang pasubaling umalis at binangga pa si miss Solene na napadaing naman. Tumayo ako kahit masakit pa ang paa at agad siya hinabol.
Pero wala akong naaninag na anino niya ng makalabas sa malaking gymnasium, hindi ko rin alam bakit nakukunsensya ako bigla. Putakte bakit nga ba ako makukunsensya.
Agad ako nagtungo sa opisena niya para magbakasakaling andoon siya, pero nang matanaw ko ang pintuan nito ay ganuon nalamang ang pagsilay ng hilaw kong ngiti ng makita sa hindi kalayuan na nakayakap ito kay Keyn.
Am i jealous? No, hindi. Hindi ko idedeny na nagseselos ako. Ang sakit sa mata parang gusto ko sugurin kaso naalala kong wala akong rason para magselos. Wala akong rason para pigilan siya.
Agad na akong tumalikod para makaalis sa masikip na daanan ng floor na 'to, nakaramdam kasi ako ng panghihina at paninikip. Idadamay ko lang sa floor na kinatatayuan ko para may karamay ako.
Pinindot ko ang groundfloor para bumalik sa gymnasium, nawalan ako bigla ng gana para mag praktis. Tomorrow is the pageant, tapos mamaya ay pupunta akong sementeryo para dalawin siya.
Hindi ko din kasi siya nadadalawa tatlong buwan na, seguro magtatampo na iyon. Sakaniya nalang din ako magrarant about what i saw earlier.
I enter the gymnasium and about to go to Ezel when Keyn suddenly drag me to Ezel's direction while wearing her usual expression. Pero parang mas nadagdagan lang ang kasiyahan sa mata niya.
Napalingon ako sa likuran ko at nakita si miss Elle na nakatingin kay Keyn at agad napadapo ang tingin saakin kaya umiwas ako. I don't know pero parang piniga ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
Napatingin naman si Ezel saakin at napakunot ang noo dahil hindi ako umupo sa tabi nilang dalawa kaya napakamot ako sa batok ko at alanganing napangiti.
"Aalis muna ako, balik nalang ako mamayang hapon." Sabi ko at kinuha ang bag ko para puntahan si Miss Solene na busy kakadesign sa itaas ng stage.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Ezel atsaka tumingin kay Keyn na nakakunot ang noo.
"Ah basta. Babalik naman ako Agad."
Si miss Elle ang humahawak sa pageant na gaganapin, pero hindi ako sakaniya pumunta. Hindi ko din alam at naguguluhan din ako sa sarili ko kung bakit ba ako nakakaramdam ng sakit. Maybe this is just all new for me? Yeah right bago lang sakin, mawawala din 'to.
"Miss Sol. Una na po muna ako, may importante pa akong pupuntahan eh." Agaw pansin ko sakaniya kaya napakunot ang noo nito at napatigil sa pagdidikit ng design sa stage.
YOU ARE READING
SHATTERED PARADIGM (La Celestial Mancha #1) [ON GOING]
Romance●️[w|w love story] SHATTERED PARADIGM We all want to experience how it feels to love someone beyond what we can see in our future. But Raith Lauren Adler is different, as her past experiences changed his perspective on love. Sometimes, excessive lo...