CHAPTER 10

331 20 24
                                    

Nakabusangot akong umupo sa passenger seat sa kotse ni miss Elle dahil sa hindi pagbitaw nito saakin kanina. Sana all hindi binibitawan diba.

Naalala ko tuloy yung holding hands nila ni Keyn at parang ayaw pa bitawan ni Miss Elle ang kamay ni Keyn kanina.

"What with that face Adler?"

"Kagandahan." Sagot ko na ikinakunot ng noo nito.

Tamang drive lang ito samantalang ako ay iniiwasan maisip ang nangyari kanina.

"Yah right."

"Sabi na talaga nagagandahan ka talaga sakin–"

"Ang kapal ng pantog mo!" Sabi nito na ikinatawa ko.

She grinned that made me more laugh, kingina ang soft niya magtagalog ang slang masyado.

"Stop laughing!" She said.

Bawal na pala ngayon tumawa, paano ba naman kasi hindi matatawa kung ang pagtagalog niya ay napakaslang. Turuan ko nalang kaya ng matuto din siyang gustohin ako.

"Tumawa ka din kasi ma'am. Go with the flow ganun! Hindi ba uso trend sayo?"

"What's that?" Nagsalubong ang kilay nitong tumingin saakin at ibinalik ang tingin sa daan.

Sabi nanga ba hindi uso sakaniya trend eh, sa susunod ako na mag tteacher ng maayos ko na siyang maturuan. Tapos ibabagsak ko siya bibigyan kung tres, hindi naman ako ganun ka baba magbigay ng grade, swerte niya nanga may tres siya hindi ko gagawing singko.

"Tawag dun ma'am maging mabait ka sakin para happy tayo together."

"You know what?" Pambibitin nito.

"Ano ma'am?"

"Ang pangit mo." Seryosong sabi nito at ngumuso kalaunan.

Napangiti ako dahil sa sinabi nito, negative comments ang binigay saakin pero nginitian ko pa. Ganun na ba ako kabaliw sa babaing 'to.

Ok lang naman sakin maging pangit sakaniya naman galing eh, i will take it as compliment galing sa anghel na ito.

"Eh ikaw."

"What me?" Ngayon naman ay umirap ito habang nasa kalagitnaan ng daan.

Kahit seguro anong gawin niya hahangaan ko pa rin, kahit sampalin pa ako nito ng paaulit ulit ngingiti pa ako at magpapasampal ulit.

"Wala ma'am, ikaw lang naman yung pweding ipambatong model sa kanto." Pang iinis ko rito.

Pero alam ko namang walang epekto, dahil sa nakakunot nitong noo at parang iniisip kung ano ang sinabi ko.

"Really Adler?" Sarkastiko nitong sabi at itinigil ang kotse sa isang restaurant.

Ito 'yung restaurant nila ni Hailey, baka nasa loob sila tita wag naman sana. Baka kasi sabihin nun, kumikiringking na ako. Tapos baka mabuntis ako paano na ang pangarap ko. Gusto ko pa makapagtapos.

"Stop making ugly face Adler, people might think of you as alien."

Napahawak ako sa dibdib ko at nag pakitang parang nasaktan sa sinabi nito pero itong magandang dalagang pinaglihi sa walang puso ay inirapan lang ako at nauna sa loob.

Walang hiya naman satanas ampon mo naman ako pero ito pa talaga denimonyo at binigay mo saakin. Hindi kana naawa sa pagiging hot ko at talagang dinagdag mo pa itong babaing mainitin ang ulo.

Nakabusangot akong pumasok pero agad din namang napangiti ng makita si Hansel na napatakbo at niyakap ako. Pero agad naman siya nagtaka ng hilain ako ni miss Elle at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan ko.

SHATTERED PARADIGM (La Celestial Mancha #1) [ON GOING]Where stories live. Discover now